II: I like pink!

19 1 0
                                    

Sirang-sira talaga ang araw ko ngayon dahil sa mokong na 'yon! Kung gaano ka gwapo, aba't ganun din kasama ang ugali. Wag na wag lang talaga siyang magpapakita sa akin.

Inis akong naglalakad ngayon papunta sa classroom namin. Anong oras na kaya? Buti nalang naabutan ko pang pumipila yung mga classmates ko sa corridor. Makakaattend pa ako ng flag ceremony.

"Huy! Agang-aga, ang sama sama ng mukha mo ah?" sabi sa akin ni Andi habang kumakain ng kanyang lollipop.

Napatingin naman ako sa kanya, aba't katabi ko pala tong bruhang to.

"Tsk. Sinabi mo pa! Yung mokong na 'yun kasi. Psh. "

"Sinong mokong? Atsaka saan ka nga pala galing? Kanina pa kita hinahanap, wala tuloy akong nakopyahan ng homework sa Science . " nagpout naman siya na lalong nagpacute sa kanya. Automatic na nawala tuloy ang galit ko dahil sa babaeng ito.

Siya nga pala si Andi Exle Legaspi, ang bestfriend kong ubod ng cuteee!

Kaya nga lang kinapos siya sa height, halos hanggang ilong ko nga lang siya e tapos mahilig pa siya magsuot ng colorful ribbons at headbands kaya ang kyut-kyut niya! Lagi rin siyang may subo na strawberry-flavored  lollipop at mahilig pa siya magtwintails kaya't wag na kayong magtaka kung bakit madedefine mo sa kanya ang salitang 'cute'.  ^__^

"Ah, ganun ba? Pwede namang mamaya ka nalang kumopya. Hapon pa naman ang Science natin e. " pinat ko ang head niya at ngumiti. Nabanggit ko ba na Partners in crime kami?huehuehue

"Waaah tenkyu! " akmang ihu-hug niya ako ng may tumamang kamay sa ulo niya.

*pok*

"Alis diyan, ugok. "

"Aray naman Demi! Bakit mo naman ako binatukan? " napahawak si Andi sa parte kung saan tumama ang kamay ni Demi.

"Magsisimula na ang flag ceremony noh.  Dun ka sa harap, ang tangkad mo dyan." Speaking of katarayan, walang kakabog kay Demi Reese. Sophisticated, Gorgeous Fashionista ng Tropa.

Sa tangkad at ganda niyang 'yan, di ka nang mag-aakalang isa siyang model. Nakakalaglag panty ang isang ito! Pero besides sa katarayan niya, may good side pa rin naman siya, wag mo nga lang itatabi sa kanya ang mortal enemy niya.

"Oy! Oy! Inaano mo si Andi?"

And speaking of mortal enemy .. I want you meet Andi's twin brother, AK.
*sabog confetti *

Napa-facepalm nalang ako dahil hudyat na ito ng World War III

"Child Abuse yang ginagawa mo ha! " dagdag pa niya habang nagtatago si Andi sa likuran niya.

Meet Allen Kai Legaspi. Gwapo. Chickboy. Pero sinong mag-aakalang over-protective pala siya pagdating sa kapatid niya?

"Child Abuse mo mukha mo! Psh. Daming OA dito sa paligid." masungit na sabi ni Demi habang naka cross arms

"Arte arte, kala mo naman maganda! Diba Andi? Noh?" parang bata na sabi ni AK habang kunwaring kinakausap si Andi sa likuran niya

"What did just I heard?!"

"Sabi ko hindi magand--"

"Sige ituloy mo, sasapakin talaga kita! " magkasalubong na ang dalawang kilay ni Demi at nakakuyom na ang kamao nito

"HINDI MAGANDA!!"

"Hep! Hep! Hep! Tumigil nga kayong dalawa! Agang-aga nagbabangayan kayo. " pumagitna  ako sa kanilang dalawa para mapigil sila

Accidentally Falling For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon