Prologue

72 4 6
                                    

Natapos na ang lahat.

Pumatak na ang ulan mula sa langit, dahilan para mabasa ang mga bangkay ng mga sugatang Kaiju, dahilan para pati ako'y mabasa.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga, nakita ko ang mga patay na Kaiju, pati na din ang mga sibilyang nadamay. Tumingin ako ng diretso, nakita ko ang kanyang katawang may malaking butas sa kanyang dibdib. Kitang-kita na kung ano ang nasa likod nya. Nakatali pa din ang kanyang kamay at paa, nakatali na pumormang letang ekis.

Lumakad ako papunta kung saan sya nakatali. Habang nag lalakad ako, napansin ko ang isang bagay. Napansin ko na ako nalang ang gumagalaw, ako nalang ang humihinga, at ako nalang ang buhay. Tapos na nga ang lahat. Nakarating ako sa baba nya, nakatingala ako upang makita sya. Kahit anong gawin ko tinitingala parin kita at kahit anong mangyari, titingalain parin kita.

Nanalki ang mata ko ng makita ko ang mukha mong nakayuko, nakangiti ka parin kahit na anong mangyari. Hindi ko napansing tumutulo na pala ang luha ko habang nakatingin sa nakangiti nyang mukha. Hindi ko makita ang mukha mo ng malinaw dahil natatakluban ito ng mga buhok mong nababasa ng ulan pero hindi maitatanggi, nakangiti ka parin.

Napatingin ako sa banda kong kanan, nakita ko ang aking sarili mula sa salamin ng tindahan ng mga alahas. Lumapit ako upang makita ng malinaw ang sarili ko, pero napatigil ako ng malapit na ako.

Hindi na ako nasa repleksyon ng salamin. Hindi na ako 'to.

Nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa salamin at tumigil ako sa harap nito.

Hindi na ako 'to, may iba ng katauhan ang nasa loob ko.

At hindi ko na alam kung pa'no pa makakabalik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kaiju: NyctophiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon