Minsan hindi kita maintindihan napaka sweet mo.
Hindi naman tayo pero lagi mong pinaparamdam sakin na special ako sayo.
Pinaparamdam mo sakin na ako yung pinaka magandang babae para sayo
"Nafall na talaga ako sayo" isa yan sa mga sinabi mo nung kinantahan kita sa classroom natin nung break time. Napangiti nalang ako kasi naguguluhan talaga ako sa nararamdaman ko at sa pinaparamdam mo sakin.
"hihintayin kita kahit kailan" isa to sa mga sinabi mo sakin na kinilig ako ng todo dahil sa sinabi ko lang na "wait lang ah" ayan naman ang sinagot mo.
Sinabi mo sa bestfriend ko na gusto mo ako, naniwala ako dun kasi pinaparamdam mo sakin at sa tingin ko nagugustuhan nadin talaga kita.
5 months tayong di nag-usap and i don't know the reason kung bakit.
Nainis ako nung nakita kong nakuha ng mga babae yung atensyon mo tinignan mo lang ako nun kaya mas nainis ako.
"Maxine!" tinawag mo ako habang hawak mo yung kamay ng isang babae.
"Anong kailangan mo Lyndon?" hindi ko mapigilang hindi masaktan oo minahal ko na siya hinihintay ko nalang na ligawan niya ako pero parang wala lang ang lahat.
"Girlfriend ko nga pala si Samantha" para akong binagsakan ng langit at lupa nung pinakilala mo sakin ang girlfriend mo.
Meron talagang mga taong tinadhana pero hindi para sa isa't-isa. Hindi ko alam kung pinaasa mo ako o umasa lang talaga ko.
Ang hirap din pala talaga. Naramdaman kong special ako sayo yun pala ganun ka din sa iba.
Kailangan ko nalang tanggapin. Wala naman akong magagawa nandyan na eh, iba na yung gusto mo.
Hindi ako iiyak at lalong hindi ako bitter I won't settle for that. Wala namang magandang maidudulot yun.
My choice is to be happy dahil alam kong may taong para sakin talaga.
May mga tao talagang hindi para satin kasi nakalaan siya sa iba.
Hindi ko nalang iisipin ang nawala na, dapat akong mag focus sa mga bagay na meron pa ako dahil minsan nakikita lang natin ang halaga nito kapag nawala na.