ANG SIYA'Y SA'YO LAMANG

6 0 0
                                    

Kalinga't ligaya o giliw ko
Yaon gusto kong maramdaman
Sana'y mapansin ang aking minimithi
Sapagkat ako'y tunay sa'yo

Araw-gabi ika'y aking naaalala
Minuto't segundo ika'y namimiss
Di mawari nitong aking nadarama
Ito'y sa'yo lamang

Mga ngiti mo'y kay tamis pagmasdan
Sa bawat kilos mo'y nagbigay saya sa akin
Mga salita mo'y kay sarap pakinggan
Sa bawat sulyap mo ako'y nasa alapaap

Ngunit paglipas ng panahon
Araw-gabi ang nagdaan
Ika'y nakasama't nasilayan
Ika'y ibang iba

Mga gawi't kilos mo'y iba
Mga titig mo'y nasa iba
Napagtanto ko ika'y nasa iba
Na siya'y  sa'yo lamang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang mga TulaWhere stories live. Discover now