Hanggang kailan nga ba? :(

501 1 0
                                    

*Assignment ko! Pinagawan kasi kami ng tula tungkol sa kasawian sa pagibig. Eto ginawa ko. Enjooooooy. :)

Isang taon na ang nagdaan,

Ng ipinangako sa sariling di ko na siya lalapitan,

Pagtingin tingin sa kanya akin ng iiwasan

Pati mga alaala akin ko ng kakalimutan.

Pero sa pangakong ito may napansin lang ako,

Di ako sanay; ito’y nakakapanibago,

Sa lahat ng ginagawa niya ako parin ay apektado

Kahit hindi ko aminin, iyan ang totoo.

Pero mas tumindi ang nararamdaman ko,

Ng malamang PAGPAPARI ang kukuning kurso,

Para bang  nadurog ang puso ko,

Walang pakiramdam, maihahalintulad sa bato.

Hindi ko na alam kaya nanalangin ako,

“Sinabi niyang iyon, sana’y di magkatotoo,

Isip niya sana ay magbago,

Sa kanyang pagpili, sana’y maging seryoso.”

Di ko alam ba’t nga ba ako nagkakaganito?

Sabi nila nagmahal lang ako ng totoo,

Pero ang tanong ko,

Hanggang kailan ko kaya ito itatago?

Note: Ito talaga nangyayari sakin. XD

Hanggang kailan nga ba? :(Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon