Chapter 16

99 3 0
                                    


Nakangiting hinaplos ko ang kanyang buhok habang tinitigan siyang mahimbing na natutulog. He's more handsome when sleeping. Alas singko na ng hapon pero hindi pa rin siya gumigising. Bumababa na rin ang kanyang lagnat na ikinagpasalamat ko.

Napatigil ako sa paghaplos nang kanyang buhok ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yun sa aking bulsa at tinignan.

From mama:
'Umuwi ka ng bahay.'

Iyon lang ang mensahe niya sa'kin kaya nalungkot ako, galit pa rin si mama sa'kin.

Bumuntong hininga ako bago tinignan si Ethos. Hinaplos ko muna ang pisngi niya bago tumayo at lumabas ng kanyang kwarto at pumunta sa kusina upang ipagluto siya ng haponan.

Nagluto lang ako lang ako nang nilagang baboy para makahigop siya ng mainit na sabaw, nagsaing na rin ako,hinanda ko rin ang gamot na iinomin niya pagkatapos kumain. Pagkatapos kung magluto ay muli ko siyang binalikan sa kanyang kwarto at makitang natutulog pa rin siya, ngumiti ako at nilapitan siya sa'ka pinatakan ng isang halik sa noo bago muling lumabas sa kanyang kwarto.

I leave a note, containing a message on his table ba'ka sakaling hanapin niya ako,  bago tahimik na lumabas sa condo unit niya.

Sumakay ako nang taxi para mabilis akong makarating sa amin. Nang makarating ay agad akong pumasok sa gate at naglakad papalapit sa pinto. Hindi ko alam pero ang lakas ng kabog ng aking dibdib.

Hinawakan ko ang siradura nang pinto at dahan dahan iyon pinihit pabukas at pumasok. Tahimik ang living room kaya dumeretso ako sa dining area. Nagulat pa ako nang makita si papa at si mama doon na nakaupo at seryosong nag-uusap.

"N..nandito na po ako ma."utal na anunsyo ko dahilan para lingonin nila ako.

"Umupo ka dito, Syria."seryosong utos ni papa kaya agad akong sumunod at umupo sa may harap nila.

"San ka nanggaling?"mariing tanong ni papa dahilan para mapayuko ako at mapakagat ng labi.

Shit, Anong isasagot ko?

"Tinatanong ka ng papa mo, Syria."may bahid ng galit na suway ni mama sa'kin dahilan para mas lalo akong kinabahan.

"S..sa eskwelahan p----"

"SINUNGALING."nagulat ako nang galit na hinampas ni papa ang mesa. Namuo agad ang luha sa aking mga mata habang kinagat ng mariin ang aking pang-ibabang labi."Ano ba'ng nangyayari sa'yo Syria? Hindi ka naman ganito dati, pero ba't nagloloko ka na ngayon?"galit na dugtong ni papa dahilan para magsituluan ang mga luha ko.

"Natuto ka nang mag-cutting, makipag basag ulo at ngayon tumawag ang professor mo na hindi ka raw pumasok at hindi ka nakapag take ng exam sa major subject mo at ang malala pa 'dun, na dropped out ka."bulyaw ni papa sa'kin kaya napahikbi ako.

"Nagtodo kayod ako para sa inyo, para makapagtapos ka ng pag-aaral para naman matulungan mo kami lalo ng may sakit sa puso ang kapatid mo."sambit ni papa."Pero ano, dahil sa isang lalaki nasira ang mga pangarap ko para sa'yo."humina ang boses ni papa.

Humikbi ako."S..sorry po papa."mahinang tugon ko.

"Hiwalayan mo ang lalaking 'yun, Syria."matigas na utos ni papa dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Pero pap---"

"UTANG NA LOOB NAMAN, SYRIA."natahimik ako dahil sa sigaw ni papa.

"P.. pagbubutihin ko po ang pag-aaral ko papa."lumuluhang sambit ko pero hindi nagsalita si papa at iniwan lang ako.

Rinig kung bumuntong hininga si mama."Hindi ka naman namin pinagbabawalang magboyfriend anak. Ang sa'min lang ay wag mo naman sanang pabayaan ang pag-aaral mo."mahinang sambit ni mama pero hindi ako maka-imik.

The Greek has Fallen(Greek Series #1)Where stories live. Discover now