The Closure

11 0 0
                                    

Sabi niya, magkita daw kami dito sa simbahan kung saan kami palaging nagsisimba. Ala-sais ng hapon ang usapan ngunit ni anino niya ay wala paring paramdam. Hanggang sa huling pagkakataon ba Rico? Hindi mo kayang tumupad sa usapan?

Sinabi ko sa sarili ko na kapag umabot na ng kinse minutos at nandito parin ako. Aalis na ako. At habang naghihintay ay napatingin ako sa imahe ni Papa Jesus na nakapako sa krus. Napasabi sa sariling, "Lord? Gabi-gabi mong naririnig 'yung panalangin kong sana siya na..." Sabay patak ng mga luhang kanina ko pang pinipigilang bumagsak.

"Pero bakit paulit-ulit parin akong natakbo sa'yo na naiyak? Kailan po kaya ako magkukwento sa'yo na masaya ako? Kasi, ang lagi kong daing sa'yo, nasasaktan ako." Sabay punas ng mga luhang dahilan para mabasa 'yung suot kong facemask.

"Ang daya naman kasi Lord! Lagi naman ako nagpepray sa'yo na sana palagi kaming okay. Sana malampasan namin ni Rico lahat ng dumadaan na pagsubok sa'min. Sana manaig palagi sa aming dalawa 'yung pagmamahalan. Pinapaubaya ko na nga po sa'yo lahat eh. Pero ganun parin..." Napatingin ako sa paligid. Buti na lang sa mga oras na 'to, wala nang tao sa loob ng simbahan.

"Baka maling tao talaga 'yung ipinagdadasal ko?" Ang pakikipag-usap ko sa Lord saka dali-daling pinunasan ang mukha nang makarinig ng yabag ng paa.

Chineck ko ang relong suot ko na pinahiram sa'kin ni Rico. 6:10 pm. Pinunasan ko 'yung relo dahil maya-maya, ibabalik ko na rin 'to sa may-ari.

"Sorry, kung pinaghintay na naman kita." Ang pag-upo niya sa tabi ko.

"Okay lang. Last na naman 'to 'di ba?" Sabi ko ng hindi sumusulyap sa kanya.

"Yna, sorry ha?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Ano ka ba? Okay lang 'yon. Ginawa na naman natin lahat eh para maisalba 'tong relasyon na 'to." Sabi ko habang pinipigilang maiyak.

Sa loob ng 3 years na pag-handle sa relasyon namin na pinilit kong magwork, hindi pala worth it hanggang sa huli. Hindi pala worth it 'yung ilang gabing walang tulog kakaisip kung magiging okay pa ba kami. Hindi worth it yung iyak at 'yung mga singkit na mata sa pagbangon sa umaga. Hindi worth it 'yung time and effort na in-invest namin sa isa't isa. Wala eh! Sa pagtagal kasi, nawawalan na ng gana. Ang turingan sa isa't isa ay hindi na katulad ng dati. Nababalewala na ang totoong nararamdaman. Nagkakaroon na ng distansya at saradong isipan para umintindi ng sitwasyon at nararamdaman ng isa't isa.

"Parang kahapon lang, dito mismo sa kinauupuan natin, narinig ko 'yung matamis mong oo." Sabi niya saka hinawakan 'yung kamay ko. Napatingin ako sa kamay naming dalawa na kapwa nanginginig.

"Hayaan mo muna ako. Last na naman 'to." Sabi niya habang nakaharap sa altar. Namagitan sa'min ang katahimikan.

"Ang lambot parin ng kamay mo katulad nung unang hawak ko." Saka hinalikan ang aking kamay na palagi niyang ginagawa. Agad kong inalis 'yung kamay ko.

"Ang damot mo talaga." Sabi niya

"Itong kamay na 'to?" Pinakita ko sa kanya.

"Itong kamay na 'to ang ginagamit ko pampunas ng mga luhang gawa mo." Sabi ko saka tumawa pero deep inside, putanginaaaaa naiiyak ako.

"Bakit nga kaya ganun 'no? Ramdam ko naman na mahal na mahal mo 'ko. Mahal rin naman kita. Bakit tayo humantong sa ganito?" Tanong niya saka napatawa.

"Eh kase... 'di naman sapat na mahal lang natin isa't isa 'no!" Ang usapan namin na parang magtropa lang.

"Pero biruin mo 'yun? Tatlong taon nating hinarap ang buhay natin ng magkasama. Ang galing mo Yna! Kasi sa totoo lang, kung wala ka? 'Di ko alam kung anong mararating ko sa buhay."

The ClosureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon