Prologue

1.7K 42 3
                                    

Kahit minsan ba ay napaisip ka narin kung paano kaya kung isang araw makasama mo sa iisang lugar ang isang sikat na tao? Yung tipong tinitingala ng karamihan at hinihiling na makasama kahit saglit lang.

Well kung ano ang tatanungin ay hindi ko ito kailanman naisip at hinding hindi ko ito gusto mangyari, bakit? bibigyan kita ng tatlong dahilan kung bakit ayaw ko. Hindi ko gugustohin na makasabay ang ganung klase ng tao dahil una sa lahat ay tiyak na magugulo ang mundo ko at ayaw ko iyong mangyari. Pangalawa, ayokong mahulog sa kan'ya, natatakot ako na hindi ko maiiwasan iyon. At ang pangatlo, sakit lang ang maidudulot n'ya sa'kin.

Pero dahil totoong mapaglaro ang mundo ay sa'kin pa talaga ibinagsak ni Lord ang lalaking iyon.

Tulad ngayon, nandito ako sa mall para bumili ng shampoo at toothpaste dahil napaka arte nung lalaking iyon at imbis na sa malapit na convenience store nalang ako bumili ay gusto pa rito sa mall, balak talagang ubosin ang pera ko, ni hindi nga nag aambag sa pangbili ng ulam iyon, hindi s'ya nagbibigay ng pera manlang pangbili ko ng maluluto para may makain kami.

Nakakairita pa dahil kaliwa't kanan at puro pangalan n'ya at tungkol sa kan'ya ang naririnig ko. Bwisit.

"Kyahhh ang gwapo n'ya talaga!"

"Legit sis yung pinsan ko nakapunta sa concert n'ya at sabi ay mas gwapo raw sa personal"

"Sayang din kinausap ko si mommy pero hindi pumayag na magtransfer ako ng school, sikat kasi yung university na'yon kasi ang sabi-sabi rin na doon daw nag aral si Kashi"

Napairap nalang ako ng wala sa oras dahil sa narinig kong usapaj ng tatlong studyante na nakasalubong ko. Gwapo nga napaka panget naman ng ugali nung idol nila psh nakakasuka, nakakadiri. Tuwing naririnig ko ang pangalan n'ya matic na kumukulo ang dugo ko at nanggigigil ako.

"Iyan lang po ma'am?"

"Oo, may angal ka?" agad na umiling yung babae sa counter at inasikaso na yung binibili ko. Wapa talaga 'ko sa mood ngayon kaya pasensya na sa mga nadadamay, kasalanan 'to lahat nung idol nila na'yan.

"Thank you ma'am" tumango lang ako at nagkalakad na paalis dala 'tong plastic kung saan nakalagay ang binili ko.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nung marinig kong nagring ang phone ko kaya huminto ako para tignan kung sino ang tumatawag. Agad na bumagsak ang balikat ko nung makita ang pangalan nung panget kong housemate na parang hindi nga housemate dahil puro ako nalang ang kumikilos mula sa pag linis ng bahay hanggang pagluto at pagbayad ng mga bayarin psh wala talagang kwenta.

Pero kahit labas sa loob ko ay sinagot ko parin ang tawag, baka kasi may ipabili nanaman at magpabalik balik pa'ko kung hindi ko mabibili agad.

'Ohh? ano nanaman? May ipapadagdag ka pa? Aba kay papa ka na magpabili inuubos mo pera ko!'- bungad ko.

'Nak'- napahinto ako sa paglalakad nung marinig ang boses ni papa mula sa kabilang linya, tinignan ko pa yung name nung caller para masigurado kung sino yung pero hindi naman ako nagkamali, hindi ito ang number ni papa, number ng housemate ko 'to.

'P-pa hehe bakit po hawak mo ang phone ni Kashi?'- alanganin kong tanong at nagpatuloy sa paglalakad.

'Nawawala kasi yung phone ko kaya nanghiram na muna 'ko, nasaan ka ba? Bakit iniwan mo 'to mag isa rito?'- tanong nito kaya napasibangot ako. Matanda naman na iyan, hindi naman mawawala yan kapag naiwan mag isa sa bahay, masyadong binebaby ni papa, daig pa 'kong anak n'ya.

'Pauwi na po ako, tsaka pa, matanda na yan kaya na n'ya sarili n'ya'- tamad kong sabi.

'Oh s'ya sige, mag iingat ka'-

'Opo, sige na pa, bye na. Pupunta na'kong sakayan ng taxi'- paalam ko, iyon ang may pinaka malapit na sakayan dito, dalawang kanto pa ang lalakarin para makapunta sa sakayan ng jeep at tricycle at dahil tamad ako ay eto nalang.

----------------

Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si Kashi na prenteng nakaupo habang nanonood sa laptop n'ya. Taray, sarap buhay lang huh.

Agad akong napangisi nung may biglang kalokohan ang pumasok sa isip ko. Agad kong inihanda ang sarili para batuhin s'ya at...

Boom! Headshot!

"Ouch!" agad na daing n'ya at napahawak sa ulo n'yang tinamaan ko. Buti nga.

"What was that for?" inis n'yang tanong at pinatay yung laptop bago umayos ng upo.

"What was that for mo muka mo, parang may patago ka huh. Lakas ng loob mong ubosin ang pera ko, mas marami naman yung sa'yo!" gigil kong sabi, ang mahal pa nung siningil sa'kin aa taxi kaya masama talaga ang loob ko!

"Vein, nandyan ka na pala iha" natigilan ako bigla nung marinig yung boses ni papa, nakita kong agad na napangisi si Kashi nung makita ang reaksyon ko. Akala ko umuwi na si papa.

Agad akong ngumiti kay papa at nagmano sa kan'ya pero agad din akong umantras nung mapansing may inaasikaso s'ya, naramdaman ko rin naman agad ang presensya ni Kashi sa likod ko.

"Kapag nandyaan ang papa mo ang bait mo, pero kapah ako lang daig mo pa tigre na laging galit" mahinang bulong n'ya.

"Manahimik ka dyan" ngiting bulong ko nung tumingin sa'min si papa, palihim ko pang tinapaka ang paa ni Kashi dahil sa inis.

"Fvck! Masakit, papa ohh!"

"Anong papa? Aba nakikipapa ka na ngayon!?" inis kong giit nung marinig ang tinawag n'ya sa ama ko. Kapal naman nga talaga ng muka nito noh.

"Vein!"

"Eto kasi ehh, nakakainis" inis kong sabi at tinuro si Kashi bago mag walk out at dumiretso sa kusina.

Nang nasa kusina na'ko ay binuksan ko ang ref na puno ng mga pagkain na pwedeng lutuin, siguro ay pinamili iyon ni papa para sa alaga naming ASO. Kinuha ko ang pitsel at nagsalin ng tubig sa baso, nauuhaw na'ko.

"Anak" napatingin ako kay papa at sumenyas itong lumapit ako na agad ko namang ginawa. Tapos narin naman na'ko uminim.

"Pagpasensyahan mo na iyong batang yun, alam mo naman na sana'y s'yang pinagsisilbihan-"

"Pa, eh bakit ba kasi hindi mo nalang yan iuwi sa kanila? o kaya ay ilipat mo ng bahay at ihanap mo narin s'ya ng maid n'ya"

Prinsipeng prinsipe ang dating n'ya rito sa bahay ko. Nakakairita.

"Alam mong mahirap iyang sinasabi mo lalo na't sikat s'ya" sabi nito na hindi ko naman naintindihan, ano ngayon kung sikat s'ya? Eh problema na nila iyon, h'wag nila akong idamay.

"Ibalik mo nalang s'ya sa pinanggalingan n'ya" tamad kong sabi bago tumalikod, uurongan ko na yung pinag inuman ko, nakakahiya naman mukang si papa pa ang nag urong ng mga plato rito kanina.

"Maiintindihan mo rin anak sa susunod" pagkukumbinse n'ya kaya napabuntong hininga nalang ako at tumango, wala rin naman akong choice tsaka saglit lang naman daw dito iyong lalaking iton.

Napatingin ako sa pwesto ni Kashi, he's doing something in his laptop but she immediately smiled at me when he saw me looking at him. I rolled my eyes and avoided his gaze.

Hindi ganun kalaki 'tong tinutuluyan ko kaya ewan ko ba kay papa kung bakit dito pinatira yung hinayupak na'yon, ang yaman-yaman sikat na sikat pa tapos takte isasama pa sa'kin sa iisang bahay!? Like bruh the audacity? he's making me his maid and it sucks. Sarap n'yang itapon sa Bermuda triangle.

Ayaw na ayaw ko talaga makasama s'ya rito sa bahay. He became the living nightmare for me. Isa s'yang salot sa buhay ko.

Hayst, if only I'm a fan girl, maybe I can let this slide?

At kung fan girl lang ako ay tiyak na kikiligin at matutuwa ako na makakasama ko s'ya sa bahay pero hindi, hindi ako fan girl! Never akong nag fan ng ganito and I will never be glad to live with him pero anong magagawa ko? It's sucks but yeah, I Vienna Jaiden, is really living with an idol.

✍︎

Living with an idol ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon