Prolouge

3 0 0
                                    

This is a work of fiction. Name, characters, business, events, and incidents are either the product of author's imagination or use in fictitious manner. Any resemblance to person's, living, or dead is purely coincidental.

Warning! This book contains mature contents that is not suitable for young audiences. Read at your own risk.

Mature contents R-18 ahead.

—————

"Hey! Zara lumusob ka na dito, kanina ka pa nagpapa init dyan." Naiinis na sigaw ni freya.

I rolled my eyes and fixed my sun glasses while lying on the bean bag. Napaka sarap ng simoy ng hangin ngayon dito sa dalampasigan, hindi ko maiwasang mahiga at mag isip isip lang ng kung ano ano.

"Zara, look!" Tang ina talaga nitong si freya, parang lumunok ng isang malaking microphone sa sobrang lakas ng boses.

"Hi tito!" Masiglang bati ni leo. Huh, tito?
Napalingon ako at nagulat nang makita ang aking papa.

"Paaaaa!!! You didn't tell me your coming home." Patakbo akong pumunta saaking papa na halos pitong buwan ko nang hindi nakikita.

"Magiging surprise pa ba iyon, kung sasabihin ko sayo?" Natatawa at masayang yumakap saakin si papa. Masigla ko din itong niyakap pabalik at hinalikan sa pisnge.

"Let's go pa, anong pasalubong mo sa napaka ganda mong anak?" Alam kong marami nanaman itong pasalubong saaming magkakapatid at tiyak na sikat iyon ngayon at mamahalin.

"I'll give it to you later after i tour our guests, baby." Agad na nangunot ang aking mga noo na agad ding napansin ng aking ama.

"Oh, right di ka pa pala nainform. Kasama ko ang ninong mo at ang pamilya nito, halika matagal ka ng gustong makita nun." Napangiti ako at sumunod na lamang sa aking ama na papaakyat na ng hadgan patungo sa resort na pag ma may ari ng aking lola.

Matagal na itong resort na to, ngunit dahil alaga naman ito at laging pinaparenovate ni papa. Kahit simple lang at hindi gaanong kalakihan ay dinadayo parin ng mga turista. Sa buong bayan, ang aming resort ang pinaka kilala dahil bukod sa matagal na ito, ito din ang pinaka malapit sa airport at jettyport na madadaanan ng mga turista papunta ng boracay. Ang lugar namin ay malapit lang sa port ng caticlan papunta sa boracay. Kaya hindi din maipagkakaila na nag tataglay din ng maputing buhangin at magandang tubig ang aming dagat.

"Lester, ayan na ba ang inaanak ko? Napaka gandang dalaga." Napangiti ako at nakipag kamay sa aking ninong na hindi ko naman talaga maalala at ngayon ko lang talaga nakilala.

"Opo ninong, 18 years old na po ako pero mukhang hindi pa ako nakakatanggap ng pamasko sainyo ah." Natatawa kong sabi at agad din iyong binawi.

"Ikaw talaga, alam mo namang busy ang ninong mo. Naku kumpare wag ka maniwala dito andami dami na nyang gamit. Ewan ko ba at di parin nag sasawa sa kakabili."

"Normal lang yan sa kababaihan, halika hija madami akong pasalubong sayo at tiyak na matutuwa ka." Agad na sabi ng babae na inaakbayan ng aking ninong. Ito yata ang asawa nya, wow napakaputi parang ang hirap tumabi sakanya.

"Hi po tita. Naku po, nag abala pa kayo nag jojoke lang naman ako. Hahaha."

"Mamaya na iyan, at kumain na muna tayo." Ani ni papa at nauna nang maglakad papunta sa restaurant na parte din ng aming resort.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Way Back Into YouWhere stories live. Discover now