Sapphira POV
"Tutulungan ko na po kayong kumain para mainom niyo na ang gamot niyo"
Umupo na ako sa gilid ng kama nito at hinipan ang spoon na hawak ko, itatapat ko sana ang hawak ko sa kaniya kaya lang ay padabog niyang tinabig ang kamay ko kaya tumalsik ang kamay kong kutsara.
Na pahinga nalang ako ng malalim at hindi nalang nagsalita sa halip ay tumayo ako at naglakad palapit sa center table para kumuha ng bagong kutsara.
Alam ko naman na hindi magiging madali ito kaya kumuha ako ng limang kutsara kapag nagkataon na mangyari ang ganito. Dalawa din ang bowl na linagay ko sa serving tray.
Naglakad ako pabalik sa kaniya at ng uupo sana ako ay na gulat ako ng bigla niyang tinabig ng malakas ang kamay ko kaya nabitawan ko ang bowl na hawak ko kaya na hulog ito sa sahig at nabasag.
Natapon ang laman nito sa sahig at bigla nalang ako na paatras ng maramdaman ko ang pagtalsik ng mainit nitong sabaw sa mga paa ko.
"I said, get out! I don't want to eat that!" Bulyaw nito sa akin kaya na paangat ako ng mukha sa kaniya bago na patingin sa center table.
"Kung ayaw niyo talaga na tulungan ko kayo kumain ay pwede kayo tumayo at lumapit doon para kumain" saad ko habang isa-isa ko pinupulot ang mga piraso ng nabasag na bowl.
Sinigurado ko naman na hindi ako masusugatan habang pinupulot ko ang mga iyon. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at na patingin sa kaniya na ngayon ay sobrang sama pa din ng tingin sa akin.
"Kukuha lang ako ng panglinis, kapag gusto niyo kumain nasa kabilang table lang ang hinanda ko" Paalam ko sa kaniya bago ako naglakad palabas.
ng makalabas ako ay na patigil ako sa paglalakad ng makita ko ang butler ni mrs. Hudson na nasa labas ng kuwarto.
"Ms. Rionach, ano yung narinig ko na nabasag sa loob?"
"Na bitawan ko kasi yung hawak ko kaya nabasag, kukuha lang sana ako ng-"
"Ako na po ang bahala"
Mula sa lung saan ay nakita ko na hawak na ng kamay niya ang mga panglinis.
Ang bilis ah?
"Hintayin niyo nalang po ako dito, I already prepared a tea for you" aniya nito kaya na pagilid ako at pumasok kaagad ito sa loob.
Sinunod ko nalang ang sinabi nito at hinintay siya sa labas ng kuwarto, ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at nakita ko ang paglabas niya pero hindi ko na nakita na hawak niya yung mga dala niya kanina.
"This way, Ms. Rionach"
Nakangiti nitong tinuro ang daan kaya naglakad na ako habang kasunod siya hanggang sa makababa kami.
Ilang sandali pa ay nakarating na din kami sa dining room at habang naglalakad ako palapit ay nakikita ko ang mga nakalagay sa ibabaw ng table.
Umupo na kaagad ako ng makalapit ako pero na paangat ako ng mukha sa butler na kasama ko na ngayon ay tinutulungan ako sa pagkuha ng mga hinanda niya.
"Gaano katagal ka na bang nandito? If you don't mind?" Tanong ko sa kaniya at na patingin ito sa akin.
"Simula ng maging mag-asawa sila ay nandito na po ako. Isa din ako sa mga nag-alaga sa tatlo nilang anak pati na ang mga apo nila" sagot nito kaya na patango-tango ako.
Matagal na pala siya dito?
Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko at habang kumakain ako ay na papatingjn ako sa wristwatch ko.
"Alam ko po na hindi maganda ang pakikitungo sa inyo ni Lady Delainna, Gusto lang po niya na maging masaya si master draven"
Bigla akong na patigil sa pag-inom ko ng tea na ginawa niya dahil sa narinig ko na sinabi niya kaya ilinapag ko ang hawak ko bago ako na paangat ng tingin sa kaniya.
YOU ARE READING
Got Pregnant by Mr. Millionaire
RomanceStarted: Jan 22, 2022 Finished: March 23, 2022