ANG HUWAD KUNG KAIBIGAN

1 0 0
                                    

May dalawang mag kaibigan na babae ang kanilang pangalan ay Lyzah at Zairah.
Si Zairah ay may boyfriend at si Lyzah ay walang boyfriend.
Mag kasundo naman ang dalawang mag kaibigan na si Zairah at Lyzah sa lahat ng bagay lagi silang magkasama sa pag uwi galing sa School,lagi silang mag kasama sa pag punta ng Canteen sa pagbili at pagkain nila at marami pang iba, si Lyzah ay napaka talinong kaibigan kapag hindi maintindihan ni Zairah ang pinag-aaralan nila ay nagtatanong ito kay Lyzah at siya naman ay tumutulong para sa kaniyang kaibigan pero...

Hindi alam ni Zairah na ang kaniyang kaibigan na si Lyzah ay taksil pala, paano nga ba nalaman ni Zairah na pinagtataksilan lang pala siya ng kaniyang kaibigan na si Lyzah.
Basahin ang mga sumusunod na kaganapan...

1ST CHAPTER

Zairah: Lyzah pagkatapos ng klase natin punta tayo sa kabilang School.
Lyzah: Sige ba, pero anong gagawin natin doon?
Zairah: Mamamasyal at kakain doon.

Pero si Zairah pala ay gusto niyang makita ang kaniyang boyfriend, pero hindi alam ni Lyzah na may boyfriend si Zairah malalaman niya palang ito sa susunod na kaganapan...

Zairah: Lyzah tara na habang maaga pa baka gabihin tayo sa pag uwi.
(bago sabihin ni Zairah kay Lyzah na tara na, ay tapos na ang kanilang klase ng hapon)
Lyzah: Sige Zairah, tara na.

At dali dali silang umalis sa kanilang School at dahil malayo pa ang kabilang School na pupuntahan nila sumakay sila sa Tricycle para mas mabilis silang maka punta doon. At yun nakarating na nga sila at naparoon sila sa isang pagbilihan ng makakain para bumili ng kanilang makakain habang sila ay namamasyal sa loob at labas ng lugar na pinuntahan nila (school ng boyfriend ni Zairah)

Zairah: Lyzah wait lang ha may pupuntahan lang ako doon.
Lyzah: Sige.
Zairah: Mabilis lang ako diyan ka nalang umupo.
(naka upo sila sa pinagbilhan nila ng pagkain nila)

At dali daling pumunta si Zairah sa boyfriend niya para ibigay ang damit na binili niya para sa Boyfriend niya, ang damit na iyon ay Couple Shirt (pareho sila ng kulay at design)

Ang pangalan ng Boyfriend ni Zairah ay Zachk matangkad at magaling mag basketball, Oo isang magaling na Basketball Player.

At iyon na nga naibigay niya na ang damit at nagkakahiyaan pa sila sa isa't isa, bago sila nag kita ay nag chachat sila sa isa't isa at sabi nila sa isa't isa ay...

Zachk: Wait lang, papunta nako ako nalang lalapit sayo.
Zairah: Hindi ako nalang para hindi tayo makita ni Lyzah.

Dahil alam na ni Zairah na taksil si Lyzah sa kaniya pinabuti niyang itago/isekreto nalang ito sakaniya pero ang hindi alam ni Zairah ay nakikita pala sila ni Lyzah sa lugar na pinag kitaan nilang dalawa(Zairah at Zachk)

At dali dali namang tumakbo si Zairah at pumunta sa lugar kung nasaan ni Zachk pero wala si Zachk doon, kaya pala wala si Zachk doon pumunta naman kung nasan si Zairah pero wala naman si Zairah doon, pero si Zairah ay tumakbo pabalik at nagulat si Zairah at Zachk sa isa't isa at tumawa sila nung nag kita sila at yun nga habang binibigay niya ang damit na yun ay nahawakan nila ang kanilang kamay at kinilig silang dalawa at pag katapos nun nagkaroon lang sila ng kaunti at mabilisang pag uusap at nag pasalamat si Zachk kay Zairah at nag paalam na sila sa isa't isa.

At nag chat ulit sila at ito ang kanilang pinag usapan...

Zachk: Zai ang lambot ng kamay mo at ang bango.
Zairah: Hindi kaya pasmado kaya kamay ko.
Zachk: Pareho pala tayong pasmado.

(Sabay tawa silang pareho)

Pagkatapos bumalik na sila sa mga lugar kung saan sila naroon kanina at nag patuloy sila sa pag uusap sa pamamagitan ng pag chachat (Messeger)at pag balik ni Zairah tinanong ni Lyzah si Zairah at ito ang kaniyang tinanong...

Lyzah: Zairah, sino yung lalaki na kausap mo?
Zairah: Basta kaibigan ko lang iyon.
Lyzah: Ah ganon ba. Okay...

At nag patuloy nag chat si Zachk at Zairah habang kasama nila ang kanilang kaibigan...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY FAKE FRIENDWhere stories live. Discover now