Chapter 42: Invincible

55 7 0
                                    

Puno ng mga pumapagaspas na papel ang kulay kapeng himpapawid. Mula sa mga eroplano. Pababa sa mga nakatingala, kuryoso, at manghang mga taganood.

"The kingdom of Aschewartz will bombard Lilia. All civilians and neutral players are requested to leave."

Kasing tulin ng paglisan ng mga eroplano, tarantang nagsialisan sa mga nagsisiksikang NPC ang mga naipit na players. Lahat ay desperadong makatakas sa nakaambang panganib.

Samantalang nagtataka naman ang mga walang malay na NPC sa kung ano ang "bombard".

Tiim-bagang na nilukot ni Leviathus ang napadpad sa kaniyang papel. Nakaarko ang pag-aalala sa kaniyang kunot habang katitigan ang dalawang kasama.

"This may be a bluff. Imposibleng may bomba na sila," aniya ng isa samantalang marahas na tumayo ang beastman at isinuot ang mga leather armor at metal claws.

"Maniwala ka sa gusto mong paniwalaan, ihahanda ko na ang mages at knights."

Binuksan ni Leviathus ang inventory at inilabas ang isang teleportation scroll. "Defend Lilia, pupuntahan ko si Reagan at ang White Knights."

"Seryoso ba kayo? Kung kelan pa talaga may nakita akong magandang human NPC," reklamo ng isa ngunit sa isang kisap, nagliwanag ang paligid at naiwan itong kasama siya at ang beastman player.

Napabuntong-hininga na lamang ang lalaki sabay lingon sa kaniya. "Miss Aya pwede mo ba akong samahan sa aking silid?" Ngiting aso ito bago makarinig ng kasa.

BANG!

BANG!

BANG!

BANG!

Nabasag ang mga baso't kumalat ang wine sa marble floors. Lumupaypay ang braso at nagsitilamsikan ang dugo ng player dulot ng mga walang pasabing kalabit ng gatilyo.

"Harlequin..." tulala naman ng beastman sa dyosa ng kamatayan.

She is. Indeed.

Muli siyang nagpaputok ngunit nagpalit anyo na bilang puting puma ang natitirang player. Nagmintis ang mga bala.

Click. Senyales ng pagkaubos ng laman ng magazine. Paiwas-iwas namang kumalmot at sinubukang kumagat ng kalaban.

Hindi na siya nabigyan ng sapat na oras para magpalit ng bala kaya't napasalag nalang gamit ng espada.

Kumalansing ang pagtatama ng dalawa nilang armas. Tumilapon siya dulot ng pwersa samantalang muli namang nakahanda para dumamba ang beastman.

Schwing.

Sa muling pagtatama ng kanilang mga atake, dumulas ang metal claws ng beastman at bumaon sa sinasandalan niyang pader.

Sinamantala niyang hiwain ang tiyan nito at gumulong pagilid, palayo at palapit sa bintana ng palasyo.

Napatingin siya sa ibaba.

"RWARGH!"

At walang pagdadalawang isip na tumalon.

Thud.

Plakda.

Blanko ang isip.

Namilipit siya sa pagbagsak sa madamong bakuran ng palasyo.

Nais niyang yakapin ang binting mistulang nabali. Bakit niya ba to ginagawa sa sarili niya. Ikakagalit lang ng hari o di kaya ay ni Hen. Shostakovich ang mga pinaggagagawa niya sa buhay.

Maswerte pa siya kung walang silent treatment galing kay Nicollo.

Tumakbo palapit sa kaniya ang nakaabang na 1st reconnaissance squad. Tinutukan ang mga binatana't posibleng labasan ng mga gwardiya.

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon