"Di ko talaga maintindihan, eh. 'Yong mga plus size woman na may asawa tapos pinagpalit sila sa mga mapapayat. No offense, mats, ah... pero bakit kailangan magpapayat ng mga babae para makapaghiganti sila?" nakasimangot kong sabi.Katatapos lang ng shift namin at nandito na kami sa sala para manood sa Netflix. Napili naming panoorin 'yong k-dramang na plus size 'yong babae pagkatapos ay pinagpalit siya ng asawa niya sa isang sexy na babae.
"Oo nga 'no? Naisip ko rin 'yan. Bawal ba sila maghiganti kung hindi sila magpapapayat?" nakipag-apir siya sa 'kin.
Tumayo ako kasama ang plato ko para pumunta sa kusina. Hinuhugasahan ko na rin ito at bumilog ang mata ko nang hindi ko makita ang dodo ko.
"Mats! Nasaan na 'yong dodo ko?"
Lumingon siya sa 'kin at tinuro ang lagayan ng mga baso.
"Okie!"
I have a weird habit and that's it drinking milo na gatas from a baby bottle. Ewan ko at naging habit ko na ang pag-inom dito.
Kaya rin siguro tumaba ako dahil sa kaka-milo ko. Gabi-gabi pa naman 'yon. Feeling ko hindi ako makakatulog kapag hindi ako nakakapagdodo.
Dati nga parang tanga si Iris na tinitingnan ako habang nagse-cellphone at nakasalpak ang dodo sa bibig ko. Basta nasanay na lang siya sa 'kin dahil araw-araw niya akong nakikitang umiinom.
"Magiging okay ka lang ba talaga bukas? Pwede namang hindi na ako pumunta, eh."
"Gaga! Oo nga! Tsaka new experience 'yon 'no. Ilang taon na tayong magkasama 'tapos araw-araw ko pa nakikita pagmumukha mo. Kakasawa, uy!" pakunwari pa akong nasuka sa harap niya. Nakatanggap tuloy ako ng batok mula sa kanya at nasamid dahil umiinom ako!
"Lechonin kita, eh!" banta pa niya.
"Pumunta ka na kasi! Isang araw ka lang naman mawawala. Huwag mo akong masyadong mamiss ha?"
"Kasing kapal na ng mukha mo 'yong bilbil mo, chubs."
Inirapan ko siya. Sobra pa sa realtalk 'yon, ah.
"Gagamitin niya lang naman ako sa pangangampanya niya. Akala ko ba tinaboy na niya ako tapos bigla siyang tatawag." mukha talaga siyang badtrip.
"Walang motto tatay mo." sabi ko na lang.
"Gaga, 'yan ka na naman sa motto mo."
"Dapat 'yong motto ng tatay mo ganito. "Mga kababayan, sa darating na halalan, huwag niyo pong kalimutan ang aking pangalan. At sisiguraduhin kong ako man ay mangungurakot, kayo po ay maaambunan."" ginaya ko pa ang paraan ng pagkakasabi ni Erich Gonzales isang vlog na napanood ko sa kanyang channel.
Natawa siya at bigla akong hinampas. "Aray, ha!" pinapatawa na nga 'tapos mananakit pa.
"Loko-loko ka talaga." sabi niya habang tumatawa.
"At least napangiti kita." ngumisi ako sa kanya pero inirapan din siya. Gano'n din ang ginawa niya saka ginawang unan ang hita ko. Gusto ko ngang sipain kaso 'wag na lang.
* * * ^ * * *
Mag-isa akong naglalakad sa gilid ng street kasi nga nag-took ng day-off si gaga.
Maaga palang ay bumyahe na siya papuntang Bulacan at baka ma-traffic pa siya.
Binati ko ang kapalitan ko sa trabaho. Buti pa sila dalawa.
"Real, mamaya pala si Olivia lang ang magna-night duty. Nasa ospital kasi ang tatay ko at walang magbabantay sa kanya. Lagi naman niyang kasama ang boyfriend niya kapag duty niya kaya uwi ka na lang agad." bilin ni Aliyah.
BINABASA MO ANG
Stream for Love (R-18)
RomanceReal Rivera is a plus size woman. A short legged woman. Mataba at maliit na tao, in short, gasul. That's what she called on herself. With a 5'2 height, 74 kilos, 35 cm bust, 30 cm waist and 25 cm on each legs size. 3 soft belly roll. Other than that...