(Flashback)
ALAS DOS na ng madaling araw at hindi pa rin tumitigil si Adam sa paghahanap kay Anna. He's now driving to places na hindi pa niya napupuntahan sa kanyang paghahanap. Even to those places he's never been to.
He's extremely tired but it was nothing compared to his anxiousness while searching for Anna.
Where could she be? Why did she run away from US? Why didn't she contact him? Mga tanong na gumugulo sa isipan niya.
NAHAGIP ng kanyang mga mata sa isang madilim na sulok ng kalsada kung saan malapit ang isang pribadong sementeryo ang isang nakatalikod na babaeng naka-white dress na tila malungkot na naglalakad. Medyo pamilyar ang likod nito kaya nagpasya siyang ilapit ang sasakyan sa babae at tulungan kung saka-sakali mang naliligaw ito.
Laking gulat niya nang ang tumambad sa kanyang paningin ay ang mismong babae na hinahanap niya.
"Anna!" Tawag niya dito nang makalabas sa sasakyan at patakbong lumapit sa dalaga.
Napatingin naman si Anna sa kanya na parang nasurpresa. Hahawakan na sana ni Adam ang kamay ng dalaga nang mapansin niyang napalitan na ng galit na ekspresyon ang mukha nito. Nasaktan siya sa nakita. Yumuko na lamang siya at pilit na itinago ang namumuong luha sa kanyang mga mata.
He expected this reaction from her at tanggap rin niya ang kung anumang reaksyon mayroon si Anna dahil sa mga nangyari ngunit talagang higit na masakit pala pag personal itong nakita, at naramdaman. Ngunit ayaw niya pa ring sukuan si Anna o hayaan na lamang na matapos ang lahat sa ganitong paraan.
He looked deeply into her eyes only to get confused. He doesn't understand why but he felt like he was standing next to a different Anna. Almost a stranger to him. He quickly shrugged the idea. Imposibleng ibang tao ang kaharap niya ngayon, sa isip niya.
He also thought, dahil lang siguro ito sa make-up ng dalaga, at mga alahas nito sa katawan kaya tila iba ito sa nakilala niyang Anna na simple at hindi mahilig sa alahas o make up.
Kapansin-pansin ang pamamayat ng dalaga at ang mga mata nitong halatang kaiiyak lamang.
"Anna, let's get you home... Please." Pakiusap ni Adam nang hindi pa rin siya kinibo ni Anna. Tumingin ito sa malayo sabay ang pagbuntong-hininga ng mabigat na para bang nagpipigil lamang na maglabas ng salita dahil sa galit.
"Anna..." Iginiya niya ang dalaga sa kanyang sasakyan at pinagbuksan ng pinto sa shotgun seat. Padabog man itong sumakay ay masaya siya dahil at least safe na ngayon si Anna.
Unang napansin ni Adam ang pabango nito nang tuluyan siyang makapasok sa driver's seat. She smelled like an expensive perfume, so different from the Anna na kilala niya na hindi mahilig sa mga pabango. Katunayan, gustong-gusto niya ang natural na bangong rosas sa katawan nito. Even the skin of Anna felt as soft as rose petals.
Muli ay tinanggal niya ang ideya sa malikot niyang utak.
THEY drove the hi-way silently. Panay ang sulyap ni Adam kay Anna. Naka-designer's white tube dress ang dalaga, naka-black 5 inches high heels at nakatali ang mahaba at maitim nitong buhok. He unconsciously compared 'this Anna' to the Anna he loved and used to lived with.
Well, everyone could change. She might have changed her preference since she went back to the US. Sabi niya sa sarili.
And its not like all of these mattered, or that he knew everything about her pero ganun nga siguro pag nagmamahal- you notice every single thing about them such as their expressions, likes and dislikes unconsciously.
TILA nagising siya mula sa mga pinag-iisip nang namalayang lumuluha na pala si Anna habang nakasandal sa front door window ng kanyang kotse. He both felt bad and guilty for her.
BINABASA MO ANG
My Innocent Pretender
RomanceAdam Lim and Anna Liza Villa's Story "It's been 6 years, my love. 6 years, 3 months and 20 days to be exact since you're not here by my side. 6 years, 3 months and 20 days since you died..." pagluluksa ni Adam sa pinakamamahal niyang si Anna. The...