January, 2025
Marahil walang maniniwala na ang isang kwentong pag-ibig na isinulat at nababasa ay pwedeng maranasan din sa reyalidad.
Tila parang likhang-isip lang ngunit tunay na ang tadhana ang nagtala.
Kwentong nagmula sa isang akda na nilapatan ng mahika kaya't naisalaysay naganap sa tunay na buhay.
Mga pangyayaring sa libro lamang naisatitik na binigyang himig sa isang pag-ihip
Tunay na ito'y hindi isang panaginip
KASALUKUYAN kaming namamasyal sa hindi pamilyar na lugar dito sa UP, Diliman. Ito raw ang lugar na pinagbibisekletahan ng mga tagarito. Kasama ko si Armeng, malapit na kaibigan ko, na nagbibisekleta kasama si Jeroh na boyfriend niya. Nagbibisekleta silang dalawa at ako naman ay naglalakad sa gilid. Hindi ako marunong mag biselekta.
Mahangin kahit medyo rural area ang lugar na ito dahil sa mga naglalakihang puno sa sa gilid. Napatingin ako sa langit ngunit natatakpan ito ng mga sanga ng puno. Namangha naman ako sa kumikislap na dahon dala ng sinag ng liwanag binigyang kristal niya ang mga luntiang dahon na parang perlas na gusto akong tangayin. Paborito kong pagmasdan ang puno sa tuwing tirik ang araw. Nagkikintaban ang mga dahon na labis kong kinamamanghaan kahit paulit ulit ko itong naman itong natutunghayan.
Binaba ko na ang leeg ko na kanina pa nangalay kakatingala sa malalaking puno. Ibinaling ko naman ang paningin sa paligid. Maraming batang kalye ang naglalaro sa damuhan. May mga iilang grupo ng kabataan ang naglatag ng mga kani-kaniyang sapin, may nagpipicnic na magbebestfriend at may mga mag jowang nag-aangkasan sa bike. May iilan ding nag-aaral dahil malapit lang ito sa Unibersidad ng UP.
Kanina pa ako lakad nang lakad na hindi ko rin alam kung saan ba ako magtutungo. Naupo na lang ako sa bench na katapat ko. Ni-reserve siguro yun para sa akin. Halos lahat may mga kasama. Sabi na nga ba, ginawa lang ako para mag observe ng mga ngiti, mata at boses ng mga taong masasaya. Kulang na lang may lumabas na itim at dilaw na usok mula sa mga taong ito upang matukoy ko kung anong kulay ng awra nila ngayon. Sanay naman na ako mag-isa at hindi ko nafe-feel na kapag mag-isa ka lang ay loner ka na. Ewan, pero sa iba hindi sila sanay na mag-isa.
Asan na kasi yung dalawa. Sabi iikot lang sila ng isa pang beses. Kung tinuruan na lang kaya nila ako mag bike. Bakit kasi lalampa rin ako hindi pa marunong mag balance? Kinuha ko na lang ang phone ko at sinaksak ang earphones sa tenga ko. Pinindot ko ang unang list sa play lists ng spotify. Naka-shuffle ito kaya kahit anong genre may pang party, 1900's song, ballad at mga fav kong song. Ipinatong ko ang phone ko sa ibabaw ng lap ko at tinaasan ang volume. If you're not the one ni Battengfield ang unang song.
If you're not the one then why does my soul feel glad today?
If you're not the one then why does my hand fit yours this way?
If you are not mine then why does your heart return my call?
If you are not mine would I have the strength to stand at all?
Pinagmasdan ko ang paligid. Kahit naka high volume na ako rinig ko pa rin ang ingay sa paligid. Tumingala na lang ako ulit at pinagmasdan ang puno. Baka antukin lang ako kapag nagmasid sa paligid. Napaka-antukin ko pa naman at kahit saang at anumang pwesto madatnan ako ng antok. Dinama ko na lang ang bawat liriko ng kanta.
If you're not the one then why does my soul feel glad today?
If you're not the one then why does my hand fit yours this way?
If you are not mine then why does your heart return my call?
If you are not mine would I have the strength to stand at all?I'll never know what the future brings
But I know you're here with me now
We'll make it through
And I hope you are the one I share my life withI don't want to run away but I can't take it, I don't understand
If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am?
Is there any way that I can stay in your arms?If I don't need you then why am I crying on my bed?
If I don't need you then why does your name resound in my head?
If you're not for me then why does this distance maim my life?
If you're not for me then why do I dream of you as my wife?I don't know why you're so far away
But I know that this much is true
We'll make it through
And I hope you are the one I share my life with
And I wish that you could be the one I die with
And I'm prayin' you're the one I build my home with
I hope I love you all my lifeI don't want to run away but I can't take it, I don't understand
If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am?
Is there any way that I can stay in your arms?'Cause I miss you, body and soul so strong that it takes my breath away
And I breathe you into my heart and
Pray for the strength to stand today
'Cause I love you, whether it's wrong or right
And though I can't be with you tonight
You know my heart is by your sideI don't want to run away but I can't take it, I don't understand
If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am?
Is there any way that I could stay in your arms?
Matapos ang kanta ay sakto namang naaninag ko na mula sa kabila pang side ang bike at damit nila Armeng. Malalagot talaga ito sa akin ih. Halos 3:07 minuto sila nag-ikot. Nang mapalingon sila sa gawi ko ay agad akong kumaway sakto naman at nakita ako ni Armeng at itinuro rin ako nito kay Jeroh. Nakangiti pa sila ng makita ako. Nakuha pa nilang ngumisi.
Tinanggal ko ang left earphone sa kabilang tenga ko. Tumayo na rin ako dahil papalapit na rin sila sa akin. Pero hindi ako umalis sa tapat ng bench. Tapos na rin ang first song sa playlists ko. Na 3:07 mins ang music length.
Nang pag stand nila ng bisekleta ay humakbang na ako papalapit sa kanila.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang humakbang nang maayos parang nagslow mo o dahil nabigla lang ako sa next song na nag play na matagal ko ng hindi naririnig. Kasabay nito ang pag ihip ng hangin na minsan ko ng naramdaman kasabay ng pagtugtog ng kantang 'toh. Sa likod nila Armeng isang lalaking kahit matagal ko ng hindi nakikita personal tandang tanda ko pa rin ang mukhang iyon.
Nakaside view siya habang nakangiti at nagpupitian mga puti niyang ngipin. Parang nag eecho ang maliit niyang pagtawa sa tenga ko. Na para bang binalik ako nito sa nakaraan na klaro at malinaw pa ang pagtawa at boses niya. Yung labi niya at adams apple na lalong nagpapagwapo sa kaniya. Ang pagslow mo na 'to naransan ko rin sa kaniya noon. Kasabay ng introduksiyon ng kantang 'to. Ilang saglit pa nagtama ang mga mata namin. Malayo man pero rinig ko nang malinaw na binanggit niya ang pangalan ko. Hindi ako sigurado kung sa utak niya lang ba ito. Paulit na ulit na nag echo ang pangalan ko na binigkas niya kahit malayo ang distansiya parang binulong lang ito ng hangin sa akin Chin ...
"Ian ...
YOU ARE READING
Committed
RomanceHindi lubos akalain ni Chin na muling makakatagpo niya ang kaniyang unang pag-ibig. Mahigit isang dekada man ang nakaraan at lubos man na nadagdagan ang bilang ng kaniyang edad ay hindi niya nakalimutan ang unang lalaking minahal niya, si Ian. Sa m...