Kababata Dalawa : Hanggang Ngayon

11 1 0
                                    

Laging may parte sa sarili ko na magmahal sayo

NAKAUWI, na ako sa Apartment namin ni Armeng. Sinamahan niya pa si Jeroh na mamili ng mga gagamitin sa apartment din ni Jeroh. Nasa kabilang building lang ang kinauupuhan niya para hindi raw malayo sa amin at madali siyang makaparoon dito kung may biglaang emergency.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong umexit agad kanina ng makita ko si Ian.

Si Ian ang unang pag-ibig ko. Tatlong taon ko siyang nakasama araw-araw dahil kababata ko siya at kapitbahay. Araw araw ko siyang mahal. Minahal niya rin ako nagpaalam na manlihaw pero bata pa ako masyado nun. Basta okay na ako na kinikilig sa kaniya. Sa mga ginagawa niya. Kahit hindi ko nasabi na pareho kami ng nararamdaman ay kitang kita naman sa mga mata at labi ko. Nasa kanilang tatlo si Ian ang siyang gusto ko pero ni minsan hindi ko man lang nasabi sa kaniya. Magmula ng lumipat sila sa kalapit na barangay ay lumayo na ako sa kanila. Inisip ko na iniwan na nila ako. We're best friends.

Kaya nang mag grade 7 ako at grade 8 siya nun ay hindi ko na siya pinansin pa. Nagkakatinginan lang kami ng madalas kapag nagkakasalubong pero hindi ang magpalitan ng conversation. Bawat pagtama namin sa hallway, sa gate,sa palikuan, flagpole, bench at court sa school ay palagi pa ring nag-i-slowMo ang paligid.

Siya lang na bukod tangi ang hindi ko kinakausap. Siguro dahil masyadong na attach itong feelings ko sa kaniya. At may part sa akin na pinagsisihan ko. Andami kong what if's.

What if kung tuwing napapadaan sila para mag swimming sa pools na malapit sa amin ay nakikipag-usap ako kahit kumusta lang

What if sa bawat pagdalawa niya sa akin hindi ako nagtatago

What if sa bawat pagkakataon na nakakasalubong ko siya ay nginingitian ko siya

What if umamin ako

What if sinagot ko siya

What if ....

Napatula na lang ang luha ko. Dahil sa huli kasalanan ko. Ngayon, dalawang dekada at isang taon na ang nakararaan heto ako nandon pa rin sa nakalipas at natapos ng kwento. Naaawa ako sa sarili ko. Ako lang yata ang bukod tanging tao na binabalikan ang nakaraan habang ang lahat naka-usad na. Masaya na sa kani-kanilang kasalukuyan. Walang ibang may alam na hindi ko magawang humakbang. Humahakbang ako ng paurong. Akala ko tapos na pero hindi pa. Nang makita kang muli lahat ng tanong na inipon ko andito pa rin. Napasandal na lang ako sa pinto at umiyak.

"HOY! gising beh", boses ni Armeng ang naririnig ko.

Blurred pa ang paningin ko at hindi ko pa naaninag ng husto ang itsura niya. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Mas malinaw na ito at naaninag ko na si Armeng na kakatayo lang ng tuwid sa ulunan ko. Napakalayo ng bubong parang tumaas ang apartment na ito. Sobrang lamig din ng palagid maging ang balat ko parang nanigas sa matagal na pagkaka-freeze sa akin sa referigerator.

"Uy, dhaiii. Bakit diyan ka naman natulog? Hindi ka na lang dumiretso sa kwarto. Kaloka ka talaga buti na lang maaga ako na kauwi. Tumayo ka na diyan. Hindi ka rin pala nagbihis", wika ni Armeng na natatawa sa kalagayan ko ngayon. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa likod ng pinto. Kapag kakatapos mo lang umiyak masarap talaga ang matulog. Kahit ako natatawa na lang din sa sarili ko pero kani-kanina lang umiiyak ako.

CommittedWhere stories live. Discover now