Make Him Fall For Me (One-Shot)

549 17 1
                                    

** 

HAPPY VALENTINE'S DAY, MGA MAHAL! 

Magbunyi ang mga single! Wahahaha! Magsama-sama tayong lahat! Paliparin sa Bermuda Triangle ang may mga jowa at asawa at mga ka-landian! De, joke lang. Wahahaha! BITTER? XD 

Enjoy my Valentine Story. :3 Humandang kiligin! 

VOTE and COMMENT. 

Follow me/become my fan! :) 

**

MAKE HIM FALL FOR ME

Alam nyo ba yung nakakainis? Yun yung problema ko sa buhok at sa puso. Magka-konekta kasi sila.

Problema ko ang falling hair. Nakakabwiset. Suklayin ko lang ang buhok ko gamit ang mga daliri ko, ang dami nang nalalagas at nalalalaglag mula sa anit ko. Ang nakaka-imbyerna dun, effortless ang pag-fall ng mga buhok ko! Sana ganun na lang rin ang sitwasyon ko SAKANYA. Ayy, leche! Ayaw pa nyang ma-fall sa akin eh!

Ginawa ko naman ang lahat eh. Nagpaganda ako, nag-aayos na ako ng sarili ko, nag-aaral na kong mabuti ngayon kahit di na kailangan, at di na ako pala-absent sa school masilayan ko lang sya! Ano bang problema ng mga mata nya?! Bakit parang hindi nya ako nakikita?!

Asaaaaaar! Sa lahat naman kasi ng lalaki dito sa school, bakit sya pa ang hindi ko makuha-kuha! Ang haaaaard! Sobrang hard ng pinag-daraanan ngayon ng puso ko. Basag eh! Basag na basag na ang puso ko dahil sakanya! T__T

I wanna make him fall for me. But no, I will make him fall for me. Fall as hard as I want him to be. He'll be head over heels in-love with me. That's my plan...

..for about a year now. T__T

Transferee kasi sya. Last year lang yun at nung nakita ko sya, aba'y nahulog ang panga ko. Ang gwapo kasi nya. Sobra pang pinagkalooban ng baby face. Haaay! Ang cute nung singkit nyang mga mata. Ang cute din nung lips nya. Grabe. Ang dami nga rin agad ng nagkagusto sakanya. Ang dami ko tuloy kaagaw nung una pa lang.

"Kelan mo ba ako mapapansin?" nanlulumo kong bulong sa hangin.

I tried everything just to get his attention! Kumanta na ako sa harap ng maraming tao. Pumalakpak naman sila dahil maganda ang boses ko pero sa buong oras na kinakanta ko ang piece ko nung sandaling yun, ni hindi ko man lang sya nakitang na-please sa talent ko. Sumayaw na rin ako kasama nung sikat na dance group sa school namin pero bakit ganun? Ang daming nagalingan sakin pero nung nakita ko sya sa isang tabi, kausap nya lang yung katabi nya sa upuan. Hindi man lang ata napansin ang presence ko. Ang sakit ha. Todo na ang pag-deadma nya sa beauty ko. Valentine's Day ngayon, hindi ba pwedeng sa akin naman mapunta ang atensyon nya at hindi sa iba??

"Haaaay!!" badtrip na badtrip kong itinapon yung notebook na nasa desk ng upuan ko. Para na kong gaga dahil kinakausap ko yung hangin dito sa classroom. Ako lang naman kasi mag-isa. Nagkaroon kasi ng biglaang mass at dahil di ako katoliko, naiwan ako dito sa room. Kung bakit biglaan yung mass? Ewan ko rin. Siguro dahil sa Valentine's Day ngayon? Who knows.

Lumabas na lang ako ng room pagkatapos kong pulutin yung notebook ko at saktong pagdungaw ko sa school grounds, nakita ko si Yuno na mukang tuwang-tuwa habang kausap si Desiree, yung bestfriend ko. Eto na naman ako. Umiiral ang selos sa mahal kong kaibigan.

Hindi naman ako bulag eh. Alam ko namang maganda si Des. Marami ang nagkakagusto sakanya. Matalino rin kasi sya at mabait pa. Sino ba namang lalaki ang hindi mahuhulog sakanya? Samantalang ako, kelangan ko pang mag-ayos para mapaganda ang sarili ko. Hindi naman sa sinasabi kong panget ako. Ang kaso, mejo may pagka-jologs ako dati. Kumbaga, naging inspirasyon ko si Nam dun sa movie na 'A (Crazy) Little Thing Called Love' kaya umayos na ngayon ang itsura ko. Pero sabi nila, maganda naman na daw ako kahit nung di ako pala-ayos. Nag-improve lang daw ako lalo. Syempre, flattered ako. ^__^

Make Him Fall For Me (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon