I let out a sighed habang ipinagpapatuloy ko ang paglalakad patungo sa girls dormitory.
Sa dami ng pinagdaanan ko ngayong araw, parang gusto ko na lang talaga magpahinga. Imagine unang sabak ko pa lang sa paaralang ito pero dahil sa mga nangyari kaagad sa akin unexpectedly ay parang gusto ko na lang din umalis.
I let out a sighed ng iwinaksi ko na lang sa isipan ko lahat ng nangyari sa akin sa maghapon at pinagpatuloy ko lang ang aking paglalakad. Tanging mga yapak lang ng mga paa ang naririnig ko dito patungo sa girls dormitory.
Wait, mga?
Napakunot na lang ang noo ko ng mapansin kong hindi lang yapak ko ang tanging naririnig ko ngayon kundi may naririnig pa akong yapak na nasa likuran ko na parang sumusunod sa akin.
Pagkahinto ko ay sakto ring pagkatigil ng yapak na nasa likuran. Pagkalingon ko sa likuran ko, wala naman akong nakitang tao na nasa likuran ko. Baka guni-guni ko lang iyon. Dahil na rin siguro sa pagod kayo ako nagha-hallucinate na ngayon. Siguro nga pagod lang ito.
When I started to walked again, may naririnig na naman akong yapak ng sapatos na sumusunod sa akin. Nung binagalan ko ang paglakad ko, bumagal din ito at nung binilisan ko naman ang paglakad ko, bumilis din ito.
Ang galing naman ng hallucination ko, parang totoo. Napakunot na lang ang noo ko ng mapansin kong wala na akong naririnig na anumang yapak sa likuran ko. Wait, bakit nawala na ang hallucination kong may sumusunod sa akin? Hindi na ba ako pagod kaya hindi na ako nagha-hallucinate.
Tumalikod ako pero wala talagang tao doon. Tsk, nababaliw na siguro ako dahil sa pagod.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko at itinuloy ang paglakad ko. At this time, wala na talagang yapak na sumusunod sa akin at iwinaksi ko na lang iyon sa isipan ko dahil ang tanging gusto ko lang ngayon ay ang makapagpahinga.
Napakunot na lang ang noo ko mg may napansin akong isang taong hindi sa kalayuan na nakaharap sa direksiyon ng nilalakaran ko ngayon.
Nakasuot ito ng black hoodie jacket na naging dahilan upang matakpan ang mukha nito at hindi nakilala. Nakahinto lang ito at nakaharap mismo sa direksiyon ko na parang ako talaga ang pakay niya.
Weird!
Ramdam ko ang unti-unting pagsisitayuan ng balahibo ko ng mapansin kong hindi man lang ito umaalis kahit humakbang pa ako. Nakaharang siya sa dinadaanan ko kaya hindi ko alam kung papaano ako makakadaan lalo pa't hindi ito gumagalaw.
Ganoon na lamang ang takot na naramdaman ko ng biglang naglabas ang naka-black hoodie jacket na taong iyon ng isang....
baril?
I immediately stepped back ng makita ko iyon at parang kumakarera ang tibok ng puso ko ngayon sa takot dahil sa taong ito. Nanginginig ang tuhod ko habang umaatras ngayon ng paatras. Hindi ko alam ang gagawin ko. I want to run pero sa panginginig ng tuhod ko hindi ko magawa.
I swallowed hard ng itinutok niya sa akin ang hawak niyang baril. I don't know this person behind the black hoodie jacket at hindi ko alam kung ano ang pakay niya sa akin.
Kahit nananaig man sa akin ang takot, hindi pa din ako nagpadala. I tried to step back kahit nanginginig pa ang tuhod ko.
Halos mawalan na ako ng hininga ng bigla nitong ikinasa ang baril at muling itinutok sa akin. So he was serious to kill me? But why?
Mas binilisan ko pa ang paghakbang ko paatras at palayo sa kung sino mang taong ito. Ang mahalaga ay makalayo ako sa kung sino mang lalaking ito.
Napalunok na lang ulit ako na sa bawat hakbang ko palayo ay ang siya namang paglapit nito sa akin. Is this realy my end? Nakatakas ako sa kamatayan kanina pero ngayon? Mukhang nasa bingit talaga ako ng kamatayan kapag nandito ako sa paaralang ito.
YOU ARE READING
Detective Diaries (With A Mysterious pages)
Misteri / ThrillerThunder Series#1 Mystery is like a book. It has many pages that full of excitement and mystery. Hindi mo alam kung kailang matatapos ang misteryo o matatapos pa nga ba? Meet Mayumi Tuazon, an ordinary 17 year old girl but not the typical one. She li...