Chapter 21

110K 3K 968
                                    

Chapter 21

"So, ayun nga," sabi ko in between pagtoothbrush ko at pagku-kwento sa kanya dahil dito ako dumiretso sa condo ni Samuel after ng class ko. Mas maaga kasi iyong dismissal niya kaysa sa akin. Ngayon na third year na siya and second year na ako, mas maaga na iyong simula ng mga class niya. Mas mahihirap na rin iyong subjects niya. Kapag naka-kunot na ang noo niya, ibig sabihin ay CivPro na iyong inaaral niya. Required kasi na memorized niya iyong provisions kaya thrice a week na stressed ang isang 'to.

"Huy," sabi ko dahil parang natapos na ako sa pagkukwento sa kanya sa magandang recit ko sa property. "Okay ka lang?" I asked nung maupo ako sa tabi niya.

Napa-tingin siya sa akin. "Ha?"

"Busy?"

Isinara niya iyong laptop niya. "No," sabi niya habang pinapalibot sa bewang ko iyong mga braso niya. "Si Dean prof mo sa property, 'di ba?" he asked. So, nakikinig naman pala siya.

I nodded and then animatedly repeated my story. Tuwang-tuwa ako kasi first time ko magkaroon nung ganoon kaganda na recit! Sakto lang kasi na kaka-basa ko lang nung tinanong sa akin ni Dean kaya naman nung nagtanong siya sa akin ay na-recite ko iyong exact definition. Mukhang impressed siya and akala niya ata todo aral ako kaya almost 30 minutes iyong recit ko. Sa awa naman ng Diyos ay may naisagot ako.

"Galing ko, 'di ba?" mayabang na sabi ko sa third year student na boyfriend ko.

He nodded. "Ano'ng prize ang gusto mo?"

"Hmm..." I said, acting like I was thinking. "Wala akong maisip ngayon."

"Okay. Sabihin mo na lang sa akin kapag may naisip ka na," he said. "Dinner na tayo?"

"Hindi ka pa kumakain?" I asked kasi 7:30PM pa iyong end ng class niya and almost 10PM na ngayon. Sinabi ko naman sa kanya na okay lang na mauna na siya kumain. Hindi naman kailangan na sabay kami palagi.

"Hihintay kita," he replied, but I knew that he wasn't being completely honest.

"Okay," I said, instead, dahil ayoko na magtanong ulit sa kanya tungkol sa frat na 'yan. Lumabas na lang kaming dalawa at saka naghanap ng kakainan. We ended up eating at our favorite tapsi place. After nun, bumalik na kami sa condo niya.

"What?" he asked when we were both brushing our teeth at napa-tagal ata iyong pagtitig ko sa kanya.

Umiling ako. "Wala... Gwapo mo kako," sabi ko at saka inirapan niya lang ako, pero for all I knew, kinikilig lang 'yan! Sus, ako pa ba!

After naming magtoothbrush, akala ko ay mag-aaral pa siya kasi usually ay natutulog lang naman ako. Hindi kasi talaga ako nakakapag-aral after class dahil feeling ko ay masyado ng nagamit ang braincells ko for today. Si Samuel naman ay pinaka-masipag mag-aral kapag madaling-araw dahil tahimik daw. Pero ngayon, tinabihan niya agad ako sa kama.

"Di ka na magrereview?" I asked habang naka-yakap siya mula sa likuran ko.

Naramdaman kong umiling siya. "Bukas na," he replied.

"Kamusta 'yung sa frat niyo?" I chose to ask kahit na alam ko na hindi niya gusto na pinag-uusapan iyon. Kaso pwede ba iyong hindi talaga namin pag-uusapan kahit na alam ko na iyon iyong dahilan kaya medyo weird siya lately?

"Okay naman," he said.

"Ano'ng pinagkaiba ngayon na vice ka na?" I asked.

"More responsibilities," he said.

"Halata nga," mahinang sabi ko kasi may mga araw na dito ako didiretso tapos wala siya. Makaka-tulog na lang ako, wala pa siya. Pero paggising ko, nasa tabi ko na siya.

Hate The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon