1.XXXIV: Survive

886 37 8
                                    

Nagulantang kaming lahat nang biglang yumanig nang malakas ang lupang tinatapakan namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagulantang kaming lahat nang biglang yumanig nang malakas ang lupang tinatapakan namin. Pagkatapos ay napansin naming may umuusbong na isang malaking pader na mula sa lupa. Wala na akong nagawa sa kinatatayuan ko kundi ang tingalain ang higanteng pader na naghiwa-hiwalay sa amin.

"Aika."

Nagulat ako nang may narinig akong tumawag sa'kin. Paglingon ko sa kanan ko sa 'di kalayuan ay nakita ko si Xavier.

"Xavier?" Pagkatapos ay nilapitan ko siya.

"Mukhang pinaghiwa-hiwalay tayo ng Olympian Unholy na 'yon para mahirapan tayo lalo na lumabas ng labyrinth niya," sambit nito.

Wala kaming makita bukod sa isang daanan at pinalilibutan kami ng mataaas na pader na sa taas nito ay hindi na namin makita ang hangganan nito.

"Paano kaya 'to?" pag-aalala ko.

"Mabuti pa, maglakad-lakad na lang muna tayo. Baka masalubong din natin sila kalaunan," sagot naman ni Xavier.

At nagsimula na nga kaming lakarin ang daang nasa harap namin. At habang binabaybay namin ito ay wala kaming naririnig na kahit ano.

"Dapa!" Nabigla ako nang biglang sumigaw nang ganoon si Xavier.

Napatingin ako sa likuran namin at may isang Unholy na nagbuga ng itim na apoy papunta sa amin. Hinila ako bigla ni Xavier padapa sa lupa upang maiwasan ang pag-atakeng 'yon.

'Yong Unholy na umatake sa'min ay 'yong karaniwan na umaatake sa school. 'Yong higante na mukhang anino na may mahahaba at payat na mga braso't binti, pula at nanlilisik ang mga mata, at may malapad na bibig na may matutulis na mga ngipin, pangil, at mga kuko.

Bumangon kami agad at hinarap ang Unholy na umatake sa'min. Itinaas ni Xavier ang kanyang divine artillery na Nerthus Warhammer sa ere at marahas niya itong inihampas ito sa lupa.

"Crash of Earth Bound!" Pagbanggit niya no'n ay yumanig ang lupa at nagbitak-bitak ito patungo sa Unholy, at sa magkabilang panig nito ay mag umangat na dalawang higanteng bato at mabilis na inipit nito ang Unholy.

Hawak ko naman ang artillery ko na Hades Sword nang tumakbo ako nang mabilis papunta sa Unholy habang nagre-recover pa ito mula sa naging pag-atake ni Xavier.

"Kaya mo 'yan! Aalalayan lang kita mula rito sa likod mo!" narinig kong sigaw ni Xavier.

Malapit na ako nang madurog na ang mga bato at sakto ring nakita ako ng Unholy. Itinaas nito ang kanyang kamay at hinampas ang lugar kung nasaan ako! Mabuti't nakailag ako ngunit sumadsad ako sa pahiga sa lupa dahil do'n.

"Aika!" sigaw ni Xavier nang may halong pag-aalala.

Masakit man sa katawan pero kinaya kong tumayo kaagad at iporma ang espada ko para sa muling pag-atake. Tumakbo ako ulit papunta sa Unholy at napansin kong sinusundan ako nito ng tingin habang tumatakbo ako papalapit.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon