"Something came up but I'll do everything to arrive on time," Paliwanag ni Vander sa kabilang linya.
"You must, Vander! Nakakahiya kay Miss Abegail kung male-late ka!" Problemadong sagot ng kanyang Manager.
"I won't disappoint her. I promise," Pangako niya rito bago siya pagbabaan ng tawag.
Hinilot ni Vander ang sentido. Hindi niya pwedeng biguin si Miss Abegail dahil malaki ang magiging epekto n'on sa career niya.
Miss Abegail is the most popular and respected person in modeling world. Sikat din itong fashion designer at nagkaroon siya ng privilege to be her model. Pupunta siya sa location ng photoshoot pero isang aksidente ang nangyari.
"Excuse me, Sir. Kaano-ano mo po ang pasyente?" Tanong ng isang nurse na lumapit sa kanya.
"Ahm..." Hindi niya pwedeng sabihin na muntik na niya itong masagasaan. Baka mas lalo siyang matagalan sa pag-alis dito. "I just saw her lying on the ground. I think she encountered an accident that's why I immediately brought her to the nearest hospital." Paliwanag niya.
Tumango-tango naman ang nurse.
"Thank you for your concern, Sir. Napag-alaman din po naming nakainom siya. Iyon marahil ang dahilan kung bakit siya naaksidente,"
Hindi siya interesado malaman ang tungkol doon pero nagawa pa rin niyang ngumiti sa Nurse.
"Anyway, can I go now?" Maayos niyang tanong dito.
Hindi kasi siya pinaalis hangga't hindi nasusuri ang babae. Ilang oras na siyang nananatili sa hospital at kailangan na niyang umalis dahil malapit ng sumapit ang umaga. Hindi siya maaaring ma-late sa photoshoot.
"Sure, Sir! Maayos na ang kalagayan ng pasyente and any moment magigising na siya,"
Mabilis namang umalis si Vander ng marinig ang sinabi ng Nurse. Halos takbuhin na niya ang kinaroroonan ng sasakyan para lang makaalis sa lugar.
"Dammit!" Hinampas niya ang manibela ng nakasalubong ang mahabang traffic.
Ito ang iniiwasan niyang mangyari kaya gabi siya bumiyahe pero tinanghali pa rin siya.
Narinig niya ang tunog ng kanyang phone kaya sinagot niya iyon gamit ang earphone.
"Vander, where are you?" Galit na bungad sa kanya ni Manager Crista.
"I'm on my way but I'm stuck in the traffic," sagot niya.
"Oh my God! You're still on your way? God, Vander! Magsisimula na ang shoot!" Nataranta nitong sabi.
"I'm sorry. Can you ask them to wait for a little bit more?" Hiling niya.
Alam niyang imposible ang kanyang hinihiling. He can't ask them to wait for him. Maaaring humanap ng kapalit kung hindi siya sisipot. Hindi obligasyon ng Studio team na hintayin siya.
"Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong ni Manager Crista. "You wasted our chance, Vander. I am very disappointed with you!" Galit nitong pinatay ang tawag.
"Fuckshit! Argh!" Naiinis niyang sigaw.
Inalis niya ang earphone at ibinato. Tumama iyon sa kanyang dashboard bago nahulog sa baba.
He lost his chance to become more popular dahil sa aksidenteng 'yon. Nagtagis ang kanyang bagang habang seryosong nakatingin sa hulihan ng sinusundang sasakyan.
"It's all her fault!" Paninisi niya sa babaeng dinala sa hospital. Kung hindi ito lasing habang nagmamaneho, sana hindi siya naabala pa. Sana dumating siya in time sa photoshoot. "Damn her!"
BINABASA MO ANG
Marrying a Rebellious Heiress
RomanceHe's perfect and she's not. He's not an alcoholic but she is. He's good at modeling but she's better at drag racing and gumbling. Everything he has, she doesn't care. Vander Monterallo is a successful man and well known as the most popular cover...