"Pa!!! You can't do this to me!" sigaw niya.
Sinagot naman siya ng echo ng kanyang boses. Bonus pa ang galit na huni ng ibon at kulisap sa paligid.
"Pa!!!" Muli niyang sigaw ng maramdaman ang malamig na hangin. "Putspa! Ano bang lugar 'to?" Kinakabahan niyang sabi.
Naghanap siya ng pwedeng pang-depensa sa paligid. Wala siyang makita kaya kinuha niya ang isa niyang tsinelas.
"Masakit din itong ipalo," Pampalubag loob niya sa sarili para mawala ang namuong takot sa dibdib.
Dahan-dahan siyang lumapit sa bahay habang nakahanda ang tsinelas sa kanyang kamay. Hindi siya naniniwala sa multo lalo na't tanghaling tapat, pero naniniwala siya sa masamang loob.
Bigla naman siyang napatigil sa planong gawin ng umikot ang seradura.
Kahit kinakabahan hinanda pa rin ni Dawn ang sarili.
"Yahhh!!!" Sugod niya pagbukas ng pintuan.
"Ouch! Shit! Dammit!" Reklamo ng lalaki ng sunod-sunod niya itong hatawin ng tsinelas. "Stop the fuck up!"
Napaatras naman si Dawn ng sumigaw ito.
"S-sino ka? Anong balak mong gawin sa'kin?" Niyakap niya ang sarili habang unti-unting humahakbang patalikod. Kung may masama itong plano, sisiguraduhin niyang hindi magiging madali ang paghabol nito sa kanya.
"Stop thinking dirty thoughts!" Seryosong sabi ng lalaki sa kanya.
Nanlaki naman ang kanyang mga mata.
"Paano mo nalaman?" Nagtataka niyang tanong.
"It was written in your ugly face. Don't think too highly of yourself. You're not my type," Sagot nito.
Pakiramdam ni Dawn kinikilabutan ito sa isiping magkakagusto sa kanya.
Muli niyang isinuot ang hawak na tsinelas bago harapin ang lalaki.
"Wow! Hindi porke amoy malinis ka, e gaganyanin mo na akong wala pang ligo? 'Wag ganun Dude! Nakalamang ka lang sa'kin ng isang paligo."
Ngumiwi naman ito sa kanyang sinabi.
'Arte naman nito. Porke gwapo e,' Sambit ni Dawn sa isip.
"We need to talk," Sambit nito bago muling pumasok sa loob.
...
"Ulitin mo nga ang sinabi mo," Tila nabingi si Dawn sa mga sinabi ng lalaki o hindi niya lang matanggap kaya hindi tumatak sa kanyang isip?
"As I was saying, you need to sign this paper and we're free to go." Sagot ng lalaki.
"Ano ulit ang papel na 'yan?" Turo niya sa papel sa harapan niya.
Umigting ang panga nito, "Nakikinig ka ba sa mga sinabi ko?"
"Malamang!" Mabilis niyang sagot. "Gusto ko lang ulitin mo lahat dahil nahihirapan tanggapin ng kalooban ko ang mga sinabi mo!"
Bahagyang umigting ang panga ng lalaki. In fairness ang gwapo nito sa lagay na 'yon.
"This paper is our marriage contract. We need to sign it to make our marriage legal then we're free."
"Gago ka ba?"
Biglang dumilim ang itsura nito sa sinabi niya. Napaatras naman siya ng tumalim ang tingin nito sa kanya.
"Ang ibig kong sabihin kung nag-gurgle ka ba? You know, like this," Pinakita pa niya kung paano magmumog pero hindi nabura ang masama nitong tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Marrying a Rebellious Heiress
RomanceHe's perfect and she's not. He's not an alcoholic but she is. He's good at modeling but she's better at drag racing and gumbling. Everything he has, she doesn't care. Vander Monterallo is a successful man and well known as the most popular cover...