This is a work of fiction. The names, characters, business, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
**
Pagpasok ko sa classroom ibinaba ko agad ang bag ko sa upuan at sumubsob sa desk.
I'm still sleepy. Ala una y media na yata ako nakatulog. Grabe naman kasi magpaiyak sina Hae Soo at Wang So. Ang panget ka-bonding!
"Ryx!"tawag ng bestfriend kong si Azer pero 'di ko siya nilingon at nanatiling nakasubsob sa mesa.
Nagulat na lang ako nang may humila sa balikat ko.
Si Azer na walanghiya lang pala.
"Ryx, ba't 'di ka namaman-umiyak ka ba?!"
Tumango lang ako, nakita niya kasi ang mugto kong mga mata.
"A-anong nangyari?"nag-aalalalang tanong niya at umupo sa harapan ko.
"Si Hae Soo..."hikbi ko.
Kapag naaalala ko ang iyak niya bigla na lang ako naiiyak. Ganun talaga ako, tapos kapag nagsasalita pa lang, naluluha na agad ako.
"Sino si Hae Soo?"
"Ang 4th prince... naiwan siya..."
Napahawak na lang siya sa noo at umiling nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy ko.
"Tangina naman, kdrama lang pala."
Inabutan niya ako ng panyo na hindi ko alam kung saan nanggaling pero tinanggap ko pa rin.
After almost 10 minutes of crying, tumunog bigla ang bell. Start na ng class.
"Ryx, kunin na natin uniform sa locker,"aya niya at nauna nang lumabas ng room.
Friday morning, as usual, may nakalagay na naman na letter sa locker ko.
Dear future babe,
Galingan mo mag-shuttlecock service ha. Sasamahan ko sana 'to ng energy drink or water pero 'di ko naman mailalagay sa loob ng locker. Goodluck, future babe! Mwah.
-Anonymous Admirer<3
"Wow, napaka-consistent naman ng admirer mo, Ryx."
Si Azer na bigla na lang sumulpot sa likod ko. Agad ko naman ginusot ang letter bago pa niya mabasa at itinapon sa malapit na trash bin na naroon sa gilid.
Tama naman siya, consistent talaga 'tong admirer ko since Junior High. Pero 'di ko naman iyon pinagtutuunan pa ng pansin. Wala lang, ayoko lang. kinuha ko na lang mula sa locker ang P.E. uniform ko at 'di na lang pinansin si Azer.
"Ang sungit mo ngayon, Ryx. What happened?"
Tanong niya at sumunod sa akin. Nang alam niyang wala siyang makukuhang sagot mula sa akin ay tumigil siya sa harapan ko.
Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at nakakunot ang noong nakatingin sa akin.
"Napapaano ka ba?"
Umiwas ako ng tingin.
"Hoy, ano nga?"ulit niya, mukhang napipikon na.
Bumuntonghininga ako at nginitian siya,"That was just an act, A."
I call him A, and he calls me Ryx instead of Ryxia.
Mas bet ko naman 'yon.
"Akala ko naman kung ano na'ng nagawa kong mali,"aniyang akala mo'y nakahinga ng maluwag.
"I'll change first muna, A. See you,"paalam ko. Tumango lang siya sa akin. Dumiretso na rin ako sa women's comfort room after para magbihis.
Hindi ko alam pero bigla akong ginanahan mag laro ngayon.
Our P.E teacher compliments my game. Saying I improved. I'm not good at this (Badminton) and I always get low grades, pero okay lang kasi 'di nga ako masyado marunong. Tinawanan ko lang siya nang tinanong niya ako kung kanino raw ako inspired. Medyo mapapel din si Sir minsan e.
After ng game ko, naupo ako sa bleacher. Nagulat ako nang tumabi sa akin si Azer. Tapos na rin pala game niya. Magkahiwalay ang boys at girls ng net kasi kaya 'di ko pansin.
"Ba't gumaling ka bigla?"tanong niya at binigyan ako ng malamig na tubig pero agad naman niyang binawi.
"Thanks,"sabi ko nang ipinagbukas pa niya ako bago ibigay uli sa akin.
"Inspired?"tanong niya, there's something in his voice. Nang-aasar? "Dapat lang,"dugtong niya bago umalis at pumunta sa pwesto nila.
What's with him?
BINABASA MO ANG
SS1: My Anonymous Admirer
RomanceSchool Series #1: My Anonymous Admirer Started: March 4, 2022 Ended: