Imelda POV
Nabantayan kong maaga na nakauwi si Ferdinand
Naabutan ko kasing bago lang siya nakapasok sa kwarto
Habang nag-aayos na ako ng aking buhok ay lumapit siya sa akin para mag-good morning sabay halik sa aking pisngi
"How come you're home so late? Umaga na" pag-aabala kong pagtatanong
"I had somewhere I needed to be. Ikaw ba? Bakit ang aga mo when usually you're up by 8am eh anong oras pa? 6am pa" tanong nito sa aking balik
"May pupuntahan kasi ako Andy. I needed to be there by 9am, 2 hours more pa naman ang byahe and I don't want to be late" pagpapaliwanag ko
Tumango lang ito at dumiretso na sa banyo para maligo
Naghubad muna siya dito sa labas at inilagay ang pantaas at pambabang damit sa kama
Matapos kong mag-ayos ay kinuha ko ang kanyang mga damit at inilagay kasama ang iba pang maduduming mga damit
Bago ko tuluyang ilagay ang pantalon nito ay tiningnan ko muna ang mga bulsa nito baka may kung ano-anong papel nanaman siyang pinasok dito
Habang nagkakalkal ako ay may nahalungkat akong mga barya at isang papel. Sa aking pagbunlot ay nakita kong litrato ito ng isang bata na kamukhang kamukha ni Ferdinand
Siya ba ito noong bata pa siya? Kaya tinalikod ko ang litrato at may nakita akong nakasulat
"Andy (1972)"
Baka nga si Ferdinand ito. Pangalan niya eh.
Pero bakit taon ngayon ang nakalagay dito?
Kung ano-ano nanaman ang iniisip ko. Kung saan-saan nanaman umaabot kaya inilagay ko nalang ang litrato sa drawer ng aming lamesa at tuluyan nang lumabas para mag almusal
Sino kaya iyon? Pero si Ferdinand naman talaga mukha. Baka siya nga yun pero di kaya nagkaanak siya sa labas at yun ang naging bunga?
Hindi ako makakain ng maayos sa aking pag-iisip pero alam kong guni-guni ko lang ito kagaya nung nalaman ko sa kanila ni Dovie. Kung ano-ano na ang ginawa ko pero hindi pala iyon totoo
Winala ko nalang muna itong aking mga kahibangan at pumunta na sa aking patutunguhan
Meron pala akong pupuntahang grupo ng mga doctor para imbitahan ko sa susunod kong ipapatayo na hospital. Magpupulong kami ngayon at kakausapin ko silang magtrabaho doon kasi sila ang mga magagaling na mga doktor na inirekomenda sa akin at halos silang lahat ay nanggaling lang din sa San Juan kung saan kami una nagkabahay nila Ferdinand
Siyempre ay nangunguna doon si Y/N
Isa siya sa pinakakilalang personalidad sa buong medical field kaya tiyak akong papayag siya sa aking pag-anyaya sapagkat siya din naman ang tumulong sa akin paano matupad itong isa sa aking mga layunin para sa bansa- ang magpatayo ng hospital
-
Umabot na kami sa isang event center sa San Juan at doon nan ga kami nagtitipon tipon para sa miting
Sa buong umaga na nandoon ako ay hindi naman mahirap na kumbisihin sila dahil mukhang sila lahat ay gustong magtrabaho sa bagong ospital
Sinabi ko na sa susunod na linggo ay may gaganapin kaming konting handaan at kasiyahan para sa pagdiwang ng itatayong pagamutan sa Metro Manila
(Paglipas ng isang linggo)
Andito kami ngayon sa isang malaking garden sa isang event center. Malaking espasyo din ang nakalaan sa amin ngayong gabi