>Antone Pov.<
Simula elementary pa lang ako alam kung kakaiba na ako sa ibang bata, malaya silang nakakapaglaro kasama ang mga kaibigan nila. Samantalang ako lumaki sa takot, dahil sa mga kakaibang naririnig at nakikita ko.
Habang lumalaki ako mas lalong lumalala ang kalagayan ko haggang sa dumadating sa punto na nagtatago nalang ako sa isang sulok, na nanginginig sa takot habang nakapikit at tinatakpan ang mga tenga ko. At palagi akong binubully ng mga kaklase ko.
Isang beses sinabi ko sa kanila na isusumbong ko sila sa kaibigan kung multo kaya simula noon hindi na nila ako inaaaway at nilalapitan.
Sa tuwing dumadaan ako lagi kung naririnig na kampon daw ako ng kadiliman dahil nakakakita ako ng mga kaluluwa ng mga namatay.
Kahit na ang kapatid ko, iniiwasan niya rin ako simula nang nalaman niya na nakakakita ako ng mga multo.At kahit kailan hindi niya ako itinuring bilang kuya niya dahil ayaw niya saakin.
Namatay si mama dahil sa sakit na lukemia sa sobrang pagaalaga saaming dalawa habang magisa lang siya. Bago siya namatay sinabi niya saakin kung nasaan si papa, puntahan raw namin para siya na ang magaalaga saamin.
Humingi pa siya ng tawad saakin bago tuluyan kaming iwan, dahil nagsinungaling daw siya na patay na si papa.
Tinanggap naman kami ni papa ng bukal sa loob niya at tumira kami ni Melody sa malaki at lumang bahay kasama ang bagong asawa niya.
Mukha namang mabait ang bago niyang asawa kasi tinuturing niya kami na parang mga totoong anak, ipinagluluto niya kami ng baon sa eskwela at meryenda sa hapon--Pero tulad ng inaasahan ko, hindi maganda ang lugar na'to para saakin.
----------------
"Waagg---"pigil ko sa batang babae na mukhang tatalon mula sa coridor ng pangalawang palapag ng bahay."Antone, anong wag? Eh wala namang tao sa itaas?"tanong ni tita Maya saakin mula sa kusina.
"A-auhm wala po, may nakita kasi akong butiki akala ko tatalon siya."ismid kung sagot at pumasok na sa kwarto ko.
"Sabi ko na nga ba nakikita mo ako kuya, bakit hindi mo ako pinapansin?"nakasimangot na tanong niya at biglang umitim ang paligid ng mga mata nito.
"Hindi kita nakikita at naririnig umalis kana dito sa kwarto ko."Nakapikit at nagtalukbong ng kamot na sigaw ko sa kaniya. -------------------
Hindi naman kalayuan ang dating school namin mula sa bago naming tinitirahan kaya naman dito parin kami nagaaral.Mahigit isang buwan narin ng may namatay sa eskwelahang 'to. Si Lettyra Torre ang babaeng studyanteng nagpakamatay dahil sa matinding depression.
Mga babae nga naman ang hihina. Ako nga na araw araw na kasama at nakakakita ang mga multo hindi nagpapatinag, baka kung siya ang nasa kalagayan ko namatay na agad siya dahil sa takot. -----------------
Pagpasok ko sa classroom namin, naabutan kung nagkakagulo ang lahat at nagsitakbuhan ang iba pang mga studyante para makisilip."Hawakan niyo ng mabuti."malakas na sigaw ni sir Dave sa mga lalaking kaklase ko.
Nakita kung nakahiga si Tonie sa lamesa habang hinawakan ng mga lalaking kaklase namin ang mga kamay at paa niya. Nanlilisik ang namumula niyang mga mata habang pilit na sumisigaw ng kung ano ano habang pumipiglas.
"Papatayin ko kayong lahat--- Bitawan niyo ako kundi papatayin ko kayo,HAHAHA---."tila baliw na tawa niya at sinamaan ng tingin ang mga humahawak sa kaniya.
Patuloy parin ang pagpupumiglas niya at halos maubusan na ng lakas ang mga lalaking humahawak sa kaniya. Biglang tumilapon si Joel dahil sa malakas na sipa niya dito.
Hanggang ngayon natataranta parin ang mga teachers at wala paring ginagawa kung paano solusyonan ang nangyayari kay Tonie. Hindi nila alam na nasasaniban si Tonie ng masamang gumagalang Espiritu sa school na'to.
YOU ARE READING
KALOOB NG DILIM
HorrorActually this is the side story of "KAPALARAN" You will find out the truth behind Lettyra's suicide incident. A student named Antone who has an inborn opened third eye will be the one to conquer from Lettyra's revenge by using his unnatural ability.