Taong Isang libo siyam na raan at walumput siyam. Honululu Hawaii.
Sa bawat araw ng aming pananatili sa Makiki Heights, unti unting nanghihina si Ferdinand. Alam kong pilit nyang itinatago ang kanyang nararamdaman subalit masyado itong halata sa kanyang pisikal na kaanyuan.
We are in our lowest point in our life but we manage to stay positive about life. Ito na yata ang pinapangarap naming dapit hapon ng aming buhay. Ano't ano man ang mangyari, bawian man kami ng buhay, handa na kami pareho.
Our life after so many years of being surrounded by many people, pleasing us and doing everything for us has ended. We still have visitors but we realized since we were kidnapped here that a lot do not matter anymore.
Nakikipagtalo pa kami ng hindi kami pababain sa eroplano at bagkus inilipat lang sa connecting flight papunta dito ngunit wala din kaming nagawa.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari na tanging ang damit na aming suot at kaunting alahas ang nadala namin. Kung ano ang suot namin sa Malacanang bago kami nilikas, yun lang ang nadala namin.
I was so mad. I felt betrayed. Nagagalit din ako kay Ferdinand kasi hinayaan nya lang ang kanyang mga gabinete at mga kasama sa militar ng magtraydor ito sa kanya.
Walang kibo lang ito hanggang makarating kami sa Hawaii at tumira sa unang bahay na pinagdalhan namin.
Sa aming unang mga linggo, patuloy ang pagbisita ng tao kung saan kami nakatira. Reporters and statesman flocked everyday, every hour. I received a lot of interview requests that one day I realized, I do not need one. So I limited the visitors and interviews from day on.
Naalala ko pa ang araw na iyon, I was looking for something ng madaanan ko si Ferdinand. Nakatayo at nakatanaw sa bintana. He is slowly going down to sit but still not taking his eyes from the scenery before him.
Hindi ko hinahayaan na nakapambahay lang kami sa araw araw, marahil dahil nasanay kami sa mahabang panahon na sa araw araw dapat nakaayos para handa sa anuman.
Nakasuot ng americana ang aking asawa, bahagyang nakahukot na, manipis ang buhok ngunit nakataas para magkaroon ng volume, itim na itim pa rin iyon. Padded na balikat at may kaunting foundation at papula sa labi. Ako pa ang nagayos sa kanya kada umaga.
Maayos naman ang lahat, maliban sa ang dating matigas na mukha na pinalitan ng palaging nakakunot na noo ay wala na. Isang mapayapang mukha ang aking nakikita.
Tumanda lalo si Ferdinand sa aking paningin, mas tumanda pa sa edad nya dahil sa mahabang panahon na pangangalaga ng bansa, saksi ako sa lahat ng sakripisyo na ginawa nya kasama ang kanyang kalusugan.
His age and activities catches on him. But he is smiling. Nagulat ako na sa mahabang panahon na kami ay magkasama, ngayon ko lang sya ulet nakita na ganito kapayapa.
Para akong nagising bigla mula sa bangungot. Here is a man, removed from the office, left with nothing, betrayed by by the people he fought with and for and against his will, flew out of his beloved country, smiling.
Suddenly a warmth feeling spread like wild fire within me. It made me calm and instead of hatred and eager vengeance, I started to feel the butterflies.
I am seeing Ferdinand like the first time I saw him. With that, nilapitan ko na sya. Masuyong hinawakan ang kanyang balikat. He looked at me, then smiled. Masyado ng tumanda ang aking sweetheart ngunit bakas pa rin ang kagwapuhan. Lumabas ang dimples at idinantay nya ang kanyang ulo sa aking kamay.
YOU ARE READING
His last gift
FanfictionPaano mo masusukat kung gaano ka kamahal ng isang tao? How are we sure that the love we felt the first time will be the same as when time runs out? *A oneshot based on FEM's last birthday gift to mama Meldy. Purely fictional.