•15•

61 3 0
                                    

Chapter 15

Katatapos lang ng last subject ng finals namin. At talagang gustong gusto ko ng matulog, kung pwede nga lang dito na sa school matulog, gagawin ko.

Ilang araw na din kasi akong puyat dahil kelangan magstudy. Buti di masyadong stress kasi isang subject lang sa isang araw. Napabuntong hininga ako ng buksan ko ang locker ko. Kinuha ko ang lahat ng mga laman doon at nilagay sa bag ko. Sinarado ko naman ito pagkatapos ay nagbuntong hininga ulit ako. Napasulyap ako sa katabi kong locker. Kamusta na kaya sila?

Hindi ko na kasi sila nakita mula nung monday. Departmental kasi yung exam namin. Ako lang yung nahiwalay sa kanila dahil nga parehas silang nagsisimula sa M ang surename, sakin naman E. Sobrang layo. Tsaka iba iba kasi kami ng room, minsan pinupuntahan ko si Thea sa room nila pero wala nakong naaabutan pagdating ko dun.

Siguro nga magiging Loner nako forever. Hayy!

"Boo!"

"Ay loner ako!" Halos atakihin naman ako sa puso ng may gumulat sakin. Nemen! Nageemote yung tao oh! "Lanz? Anong ginagawa mo dito? Tsaka pano ka nakapasok?" Tanong ko sa kanya habang di pa rin nakakarecover sa pagkagulat.

He just shrugged and looked around. "Asan si Thea? Ba't di kayo magkasama?" Okay. Hindi niya sinagot yung tanong ko.

Nagsimula akong maglakad at sumunod naman siya. Anong sasabihin kow?

"Ah.. nauna na sigurong umuwi?" Teka tanong yun ah! Tumikhim ako. "Nauna na sigurong umuwi." Saad ko.

"Really? I texted her, sabi niya nandito pa daw siya sa school niyo." Sabi niya. Ganun? Eh hindi naman na kasi nagtetext yun sakin eh. Dahan dahan naman akong napalingon sa bagay na nasa kaliwang kamay niya.

"Hindi mo pa nabibigay yung pasalubong mo?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya.

"Hindi pa eh. Gusto ko kasi ako yung magbibigay sa kanya." Sabi niya sabay ngiti. Napansin ko namang napatingin siya sa may gilid ko. "Oh ba't di mo suot yung bigay ko?" Tanong niya.

"Ah!" Inangat ko ang kamay ko. "Baka kasi maputulan ako ng kamay. Katakot kayang suotin yun, tsaka kung sa New York pwedeng pwede mong suotin 'yon kahit kelan, iba dito sa pilipinas, mainit sa mata yun." Paliwanang ko. Napa 'ah' na lang siya at tumango tango.

"Tara hanapin na natin si Thea." Sabi ko at pinagpatuloy na namin ang paglalakad. Pero siyempre habang hinahanap namin si Thea eh ipapasyal ko na rin siya sa school. Tignan ko lang kung di siya mapanganga. Char!

--

Naglalakad kami sa hallway papuntang gymnasium ng tumunog ang phone ko. Kinuha ko yon sa bag at tinignan kung sino ang tumatawag. Unknown number? Pero parang galing abroad yung numero.. hindi kasi +639 yung una.

"That's from Canada." Rinig kong sambit ni Lanz sa tabi ko ng sumulyap siya sa cellphone ko. Canada? Sinagot ko 'yon at may nagsalita naman agad.

(Hello Dennise!) Lalaki. Okay, he knows me. Sino ba 'to?

"Hello? Who's this?" Tanong ko.

(It's Patrick. Dennise! I need to talk to Thea.) Mejo panic ang boses niya. Si Patrick pala 'to.

"Ah eh hinahanap nga din namin eh." Sabi ko. Tinakpan ko muna yung parang microphone ng phone at sumulyap kay Lanz.

"Nagreply na si Thea?" Tanong ko. Umiling siya. "Call her." I demanded at binalik ko na ulit sa tenga ko ang cellphone.

(Dennise! Listen to me.) Anu bayan! Nakakabahala na yung boses niya! (May narinig kasi si Thea na hindi niya dapat narinig. Ugh! How can i explain this. Okay! Kasi ano.. Eurica's here in my place and we are currently.. doing you know.. that thing.. I promise hindi ko sinasadyang mapindot ang answer ng tumawag siya.. tapos nalaglag yung phone and.. everything went complicated.) Napatakip ako ng bibig at napatingin kay Lanz. Pero busy naman siya sa cellphone niya kaya naglakad ako ng konti. What the hell? Narinig ni Thea ang di dapat niya marinig na ginagawa ni Patrick. So may number pa pala sila ng isa't isa? Ohmygod! Ang gulo! I can't.. sink in.

"I'm sorry Patrick, hindi kita matutulungan ngayon. Hindi rin kasi nagrereply samin si Thea. I'm really sorry!" And i hanged up the phone.

Ang gulo! Sobrang gulo! At naiinis ako sa sobrang gulo! Okay pala sila ni Patrick? And hindi sinasadyang marinig ni Thea yung.. hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Patrick dun.. tas nagpanic si Patrick. Eh si Thea? Myghad! Ano namang nangyari kay Thea?

Patakbong lumapit sakin si Lanz at mukhang alalang alala na rin siya.

"Hindi siya yayaman eh." Sabi niya. Huh?

"Anong di siya yayaman?" Tanong ko. Teka, nagjojoke ba siya? Napangisi naman siya na parang tanga.

"Cannot be rich siya." Sambit niya sabay takip ng bibig. Napasapo naman ako sa noo. Pero di ko naman naitago ang ngiti ko. Pakshet! Okay sana yun kung di lang ako nagaalala kay Thea.

"Hah! Hindi na siya yayaman kasi sobrang yaman na niya." Sabi ko at humalukipkip.

"Well, tinry ko lang naman kung havey ba."

"Havey naman!" Sabay tapik ko sa balikat niya. "Kailangan nating hanapin si Thea. May nangyari atang di maganda." Sambit ko at lumabas na kami ng campus.

Naisip naming puntahan siya sa bahay nila. Baka nagmumokmok lang yun o di kaya natutulog.

Pagdating namin sa harap ng bahay nila eh kagad naman kaming bumaba ng taxi. Eh hindi kasi nagdala ng kotse tong si Lanz.

So ayun, nagdoorbell kami at para namang walang gustong bumukas ng gate. Inulit pa namin ng ilang beses pero parang walang sign na may tao. Asan yung mga maids nila?

"Tao po!" Sigaw ko. Sinikap kong tumungkod sa abot ng aking hinlalaki at sinilip ang bahay nila pero pati ata aso nila wala.

"Hindi pa rin makontak si Thea eh, nagaalala na tuloy ako. Ano bang sinabi nung tumawag sayo kanina?" Alalang tanong ni Lanz sa tabi ko. Humalukipkip ako.

"Tumawag kasi si Patrick. Y-y-yung ex boyfriend nyang minahal niya ng sobra." Nauutal kong sabi sa kanya at nakita ko namang lumungkot ang mga mata niya. Ngayon ko lang naman narealize yung mga huling sinabi ko. Omegads!

"Ah tapos tumawag ata si Thea sa kanya para mangumusta pero may narinig siyang hindi niya dapat marinig.." Tuloy tuloy kong sabi. "At wala akong ideya kung ano yun." Dagdag ko pa.

Bumagsak ang mga balikat niya at umiwas ng tingin. Mejo nagsisi tuloy ako kung ba't ko pa sinabi.

"Madami na rin palang nangyari nung wala ako." Pagdr-drama niya. Suus! Tinapik ko ang balikat niya.

"Hindi ka naman nakalimutan ni Thea eh. Masyado lang talaga syang naging busy." Ngumiti siya sakin ng mapait. I know how he really love our bestfriend. Pero masasaktan lang siya kung sasabihin ko lahat ng nangyari simula nung umalis siya. Bakit ba kasi ang swerte swerte ni Thea? Sobrang daming nagmamahal sa kanya. Hayy!

Halos mapatalon kami ni Lanz ng magring ang phone ko. Nagkatinginan kami at dali dali ko namang kinuha yon sa bag ko. Halos mabato ko ang cellphone ko ng tumambad sakin ang pamilyar na numero. Hindi ko pa kasi sinesave yon hanggang ngayon.

Why is he calling?

Sinagot ko ang tawag at dahan dahang itinapat sa tenga ko.

(Dennise! Si Thea!) Halos pasigaw niyang sabi sa kabilang linya, yung parang nagpapanic? Kinabahan naman ako.

"W-What happened?" Hindi ko mapigilang mautal. Sobra tuloy akong kinakabahan.

(C-car Accident Dennise.)


Tbc

I'll Fall for You (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon