Chapter 3: Cinderella

22 2 0
                                    

Kahit saang parte ng palasyo ako pumunta, masyadong abala ang lahat para sa gaganaping kasiyahan mamayang gabi. At ang nakakainis pa ay hindi ko mahanap kung saang sulok ng palasyo nagtatago ang aking ama.

"Asan ang aking ama?" tanong ko sa kanang kamay ng hari.

"Nasa silid po kung saan gaganapin ang kasiyahan mahal na prinsipe." sagot nya saakin ng nakayuko at nakalagay ang isang braso sa kanyang dibdib.

Pumasok agad ako sa silid kung nasaan ang aking ama. Naabutan ko syang nagdidikta kung saan ilalagay ang mga dekorasyon.

"Ama!" tawag ko na nagpabaling ng kanyang atensyon sa akin.

"Anak ko. Ano pang ginagawa mo? Maghanda ka na para sa kasiyahan mamayang gabi." sabi nya ng lumalapit sa akin.

"Bakit ba kaylangan pa ang kasiyahan na ito?"

"Sabi ko naman sayo diba? Kaylangan mo nang makahanap ng babaeng mapapangasawa mo." sago nya sa tonong parang paulit ulit na nya ito nasabi.

"Hindi naman ganon kadaling pumili ng babaeng papakasalan ko. Ni wala pa nga akong nagugustuhan." irita kong tugon sa ama ko.

"Kaya nga may kasiyahan para makipag halubilo ka sa mga babaeng dadalo ng sa ganon makilala mo sila at malay mo may matipuhan ka na isa sa kanila. Wala ka talagang mapapala kung hindi mo sila kakausapin." pinalo nya ng mahina ang balikat ko bago sya tumalikod sa akin. "Sige na. mag handa ka na at marami pa akong gagawin." at tuluyan na syang bumalik sa ginagawa nya. Wala na rin akong nagawa kaya pumunta nlng ako sa aking kwarto at nagbihis.

Nagsimula na ang kasiyahan. Ginawa ko ang sabi ni ama. nakipaghalubilo ako sa mga taong dumalo. Maraming babae ang kumakausap sa akin ngunit bagot na bagot parin ako.

Magaganda naman ang mga babaeng dumalo dito na panigurado ay mga noble o anak ng mga duke ngunit wala talaga akong matipuhan.

"Darren." tawag sa akin ng ama kong hari.

"Bakit po?"

"Nakikita mo ba ang dalawang binibining yan?" Turo nya sa dalawang babaeng nag uusap. "Anak sila ni lady Maleficent na napangasawa ng kaibigan kong duke. Ano sa tiningin mo?"

"Ayos lng." simpleng sagot ko.

"Anong ayos lng? Lapitan mo na sila at sabihin mo sa akin kung sino sa kanila ang mapipili mo na papakasalan." Sabi ni ama habang tinutulak ako papunta sa mga babaeng tunutukoy nya.

Wala na akong nagawa at tuluyan ng pumunta sa kinaroroonan nila. Bago pa man ako makarating ay nahagip ng mata ko ang babaeng papasok palang sa silid.

Magada sya tulad ng mga babaeng pupuntahan ko sana ngunit ang pagkakaiba lng ay mas simple ang dating nya kumpara sa iba na masyadomg elegante.

Nilampasan ko ang mga babaeng dapat ko sanang puntahan at pumunta sa babaeng kararating lng.

Niyaya ko syang sumayaw ngunit nahihiya pa sya. Pero napapayag ko parin sya.

Natuwa nga ako na parang nagulat sya nang malaman na isang prinsipe ang kasayaw nya.

Tinanong ko ang pangalan nya ngunit napansin ko na nagdadalawang isip sya kung sasagutin nya ba o hindi.

Mas lalo akong nagulat ng bigla nlng syang humingi ng paumanhin at tumakbo palabas ng palasyo.

"Sandali. Ang pangalan mo. Gusto kong malaman ang pangalan mo." Dahil sa determinasyon kong makilala sya, sinundan ko sya palabas.

Hindi man lng sya huminto sandali at tuloy tuloy pa syang tumakbo. Nang pababa na sya sa hagdanan ay muntik pq syang matumba sanhi para maiwan nya ang isang pares ng suot nyang glass slipper.

Hindi ko na sya nahabol pa dahil sumakay na sya sa isang kabayo sahalip kinuha ko nalang ang naiwan nyang glass slipper.

"Darren. Anong nangyari at tumatakbo ka palabas?" bungad na tanong sa akin ni ama.

"Ama. May napili na po akong mapangasawa."

"Talaga sino? Sabihin mo? Anong pangalan nya?" sunod sunod na tanong ni ama.

"Yung babaeng nakaiwan ng glass slipper na ito." sagot ko at pinakita ang hawak ko.

"Anong pangalan nya?" takang tanong nya ulit.

"Hindi ko po alam. Pero hahanapin ko po sya."

Happily Ever After ♥♥♥Where stories live. Discover now