Prologue
"Kim? Ano ba dapat yung maging katangian ng isang lalake pagdating sa isang relasyon from boyfriend and girlfriend stage to Husband and Wife Stage?"
Kim: Para sakin yung mabait, malalahanin, kayang sabayan ang mga trip ko, mahaba ang pasensya, aalagaan ako, marunong magluto, marunong kumanta at maggitara kahit hindi magaling, may tapang na harapin yung mga magulang ko at kayang maging tapat para sakin at sa sarili nya. In short "Husband Material" pero hindi naman lahat yan kailangan, basta kaya ka nyang pasayahin at ingatan okay na yon.
Aby: Ah ganon? medyo same pero may kulang na hinahanap ko para sa akin.
Kim: Oh? Ano ba yung hinahanap mo sa isang lalake?
Aby: Ah...eh... HAHAHAHA nakalimutan ko may gagawin pa nga pala ako, sige na kita nalang tayo bukas sa school first day of college school natin kaya dapat magready na tayo byeeee!!!
Kim: Tignan mo to! pagkatapos akong tanungin lalayasan ako! hay nako ka talagaaa, sige na byeee! see youuu
"Ano ba talaga yung gusto ko sa isang lalake?" , "Hindi ko masabi o maisip man lang kasi hindi naman ako nakikipag-usap sa mga lalake, maliban sa bestfriend ko".Aby: Nasaan na kaya sya? naalala pa kaya nya ako? simula kasi nung umalis sila ng pamilya nya para sa isang business trip hindi na sila bumalik, Elementary pa kami nun grade 5 level kami nun hysss halos 6 years na din nung umalis sila at hindi na nagparamdam. Sana umamin na ako sa kanya nung bago palang sila umalis.
"Hay nako, tama na nga! first day of college life ko bukas at kailangan maghanda!". Sabi ko sa sarili ko at nagpahinga na syempre dapat hindi dapat Puyat ang dating ko hehehe...