Ilang linggo na ang lumipas mula 'nung maganap ang event. And fortunately, the event went well kaya sobrang tuwa nang prof namin maging kami 'rin.Dismissal time na kaya kinuha ko na ang bag ko.
"Sy, sinabihan ka na ba ng bebe mo?"lapit niya sa'kin.
Kumuno't ang noo ko."Ang Alin?"tanong ko.
Nagtaka siya sa tanong ko."Na birthday ni Thrace ngayon, pinasama nga ako ni Greg kasi ipapakilala niya 'daw ako sa mga kaibigan niya."sagot niya na ikinatigil ko.
"Kailan ka sinabihan ni Greg?"muli kung tanong.
"Ngayon lang."tugon niya.
Hindi ako maka-imik dahil nadismaya ako.
Nag-aalalang nilapitan ako ni Nichole at hinawakan sa balikat."Uy, ba'ka naman nakalimutan lang ni Ethos, ba'ka mamaya pa niya sasabihin."pampalagaan niya ng loob sa'kin kaya tinignan ko siya at tipid na nginitian.
Bzztt..Bzztt..
Natigilan ako nang magvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yun sa aking bulsa at tinignan.
From boyfriend:
'Im in front of your school, where are you?'Huminga ako nang malalim bago nagtipa nang reply.
To boyfriend:
' Papunta na diyan.'Reply ko bago ibinulsa ang aking cellphone at tinignan si Nichole.
"Nasa labas na siya, sabay na tayo?"suhestyon ko sa kanya kaya ngumiti siya at tumango.
Nasa hallway na kami tahimik na naglalakad.
"Wag ka nang malungkot Sy, sigurado akong sasabihan ka niya rin mamaya, kaya tawagan mo ako kapag pupunta ka para sabay tayong pumunta sa bar."takang nilingon ko siya.
"Sa bar?"tanong ko.
Tinignan niya ako at tumango."Oo, alam mo naman 'yung si Thrace, pinaglihi yata sa alak at babae."ngisi niya kaya mahina akong natawa.
Sabagay, babaero naman talaga 'yung si Thrace.
Nasa labas na kami nang gate at agad kung nakita si Ethos na naka black jeans at white shirt lang. Nakapamulsang nakasandal sa sasakyan niya, nakayuko kaya hindi niya ako nakita.
Sinunundot ako ni Nichole."Bebe mo oh."ngisi niya.
"Nasan na ang bebe mo?"tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya."Parating na."tugon niya.
"Samahan muna kita dito hanggang sa d---"
Agad siyang umiling."Wag na Sy, parating na naman 'yun at isa pa ba'ka mainip 'yang bebe mo."aniya kaya tinignan ko siya at bumuntong hininga.
"Sure ka ba?"naniniguradong tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya at nagthumbs- up."Sige na."taboy niya sa'kin kaya tumango ako.
"Sige, itetext na lang kita mamaya 'pag makakasama ako."ani ko kaya tumango siya.
Tumalikod na ako sa kanya at nilapitan si Ethos.
"Hi."bati ko sa kanya kaya agad siyang nag-angat ng tingin.
Mabilis siyang ngumiti nang makita ako, nilapitan niya ako at niyakap.
"I missed you."he whispered, niyakap ko siya pabalik.
Namiss ko rin siya kasi madalang na lang kasi kaming magkita dahil busy siya sa praktis nila at ako naman busy sa school dahil sa binalikan kung major subject.

YOU ARE READING
The Greek has Fallen(Greek Series #1)
RomanceGreek Series #1 Greek Ethos Smith from VSU. The troublemaker guy. He always go to school with a lot of bruise on his face. But despite of that, lots of women and even gay's still admired him. Not only, because of his power, money and connection, but...