AHFOS - 6

6 3 0
                                    

Nakauwi na kami ginabi na rin dahil sa labas na kami kumain and as usual unang bubungad si Driel. Pag kasama ko si Rhxy

"Kuya Drick, tawag ka ni dad. Alis na shoo na'iistorbo ko dahil sayo e. Ako na s'sermunan". Lamig talaga ng boses ng lalaking ito.

Umakyat na si Drick at kami nalang dalawa ni Driel ang andito sa terasa. Umupo ito sa sofa at as usual naka headset ito nakatutok sa laptop nya.

"O ikaw ano tinitingin-tingin mo?". Sabi ni Driel. Aba suplado din. Baka nakakalimutan nito mas matanda ako sakanya ng isang taon.

"Hoy supladong lalaki ka. Alam mo nahahawa kana ke Ychell at isa pa! Baka nakakalimutan mo ako matanda dito". Turo ko sakanya at sa aking sarili.

"Wala akong pake. Tsaka hindi naman kita kapatid diba".

Umupo ako sa tabi nya. Nangalay na ata paa ko kakatayo. "Hindi nga pero pede mo naman ako maging kaibagan e. Kung gusto mo lang naman. Wag ka mag-alala di ako nangangain ng tao".

"Pano kung sabihin kong ayaw ko? Me magagawa kaba? Tsaka wag ka nga tumabi sakin kadiri ka e".

"Ah talaga ba Driel edi waw. Wag kana nga mag panggap ampanget sayo. Shoo kuha mo ako tubig dali".

"Pano nga kung ayoko rin gawin utos mo?". Tigas rin ng ampog nito e.

"Ayos lang naman, pero sasabihin ko ke Tito na nasira mo yung Kotse nya yung paborito nya. Anlala ng sira non a. Tapos kakaltasan yang rasyon mo. Pustahan gagawin nya yon".

"Sabi ko nga ang ganda ganda mong ate. Teka lang po a kukuha na". Sabi nito.

Yon naman pala e susunod rin. Ambait bait talaga nya. Lalo pag tinatakot.

Pumunta sya sa kusina at kumuha ng tubig. Pag balik nito ay nag thank you ako akmang kukunin ko na ang tubig ko pero antigas ng apog nito nauuhaw na ako e.

"Oi Ezerie. Pangako mo muna sakin hindi mo sasabihin ke Papa yon. Andaldal mo pa naman".

"Oo na dalian mo nauuhaw na ako susko ka."

Uminom na ako at umupo ulit ito sa sofa. Alam kong may ginagawa ito kaya umalis na ako. Hindi rin naman na nya ako papansinin dahil me ginagawa nga. May kausap pang babae.

A Heart Full Of SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon