"Ma, hindi ko ata kayang pumasok ngayon." sabi ko kay mama. Ang sama kasi ng pakiramdam ko."Naku ikaw bahala, anak. Sayang naman yung araw na hindi ka papasok." napailing si mama. Inilagay nya yung palad nya sa noo ko para tignan kung may lagnat ako.
"Magpahinga ka nalang muna diyan ha?" at umalis na si mama.Ako nga pala si Sheena. Isang roleplayer. Lay RP to be exact. Nagsimula ako magroleplay noong April 2014. Si Taeyeon ang una kong niroleplay.
April 2014
Bakasyon noong panahon na yun at nabobored ako kaya napagdesisyunan ko na buksan ang spazzing account ko.Sheena Do
10 friend requests 2 messages 20 notifications
Nag add din ako ng mga kapwa ko spazzers. Lahat ng sinuggest ni facebook ay inadd ko. Luckily, inaccept naman ako ng iba."Hi unnie! :)" at isinend ko lahat ito sa mga online friends ko.
"Hi! :)"
"Hi saeng!"
Halos lahat sila nagreply sa chat ko pero isang tao ang pumukaw sa atensyon ko..
Sya : [HINDI AKO UNNIE!] halos mapanganga at manlaki ang mata ko sa nabasa ko. Tinitigan ko ng mabuti ang pangalan niya. Napalaki ang mata ko sa gulat. BAKIT HINDI KO NAPANSIN NA LALAKI PALA SIYA?Sana lamunin nalang ako ng lupa! Nakakahiya talaga! Aish.
Me: [Ay sorry! Akala ko talaga babae lahat ng nasa friendlist ko. Sorry!]
Siya: [Okay lang, ngayon ka palang nakaencounter ng fanboy no?]
Me: [Yep, ngayong bakasyon lang kasi ako naging active eh.]
Simula nung mangyari iyon ay naging close kami. Simula umaga, hapon at gabi ay magkausap kami. Aaminin ko na kumportable ako na kausap siya.
Siya: [Alam mo ba yung RPW?]
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Hindi ko pa naririnig ang RPW na sinasabi niya.Me: [Hindi eh, bakit?]
Sya: [Basta gumawa ka nalang ng account.] Sinunod ko ang sinabi niya. Dahil si Taeyeon ang ultimate bias ko ay Taeyeon RP ang ginawa ko.Dahil naboboring ako sa kwarto ko at ako lang mag isa, naisipan kong buksan yung RP account ko. Kinuha ko yung cellphone ko sa ibabaw ng mesa at nagsimulang magbrowse sa internet.
WCC
Baekhyun RP: May mga EXO RPS pa ba dito? Gawa tayo ng gc. Comment kayo.Luhan: Geh. Sali ako.
Baekhyun: Ako din.
Chanyeol: Ako ako!Nagbabasa ako ng comments. Isang Baekhyun RP ang pumukaw ng atensyon ko. Yung pangalan kasi niya ay kakaiba. Yun bang parang hindi roleplayer?
Dahil Lay rp naman ako, naisipan kong sumali sa GC.
Lay: [Ako din sali ako.]Chanyeol added you to EXO RPS.