Chapter 1- start ng Schoolyear

8 0 0
                                    

Jenine's POV

beep beep... beep beep.. 

Nagising ako at pinatay ang alarm clock ko. Ngayon ang first day ko sa bagong school na papasukan ko. Tatayo na sana ako pero sa sobrang antok ay hindi muna ako bumangon. "5 minutes" sabi ko sa sarili ko. Pipikit na sana ako para bumalik sa pagtulog nang biglang pumasok si nanay Cecil sa kwarto ko. "Bunso gising na. mala-late ka nyan. unang araw pa naman ng pasukan." Hindi ko pinansin si Nanay at bumalik ako sa pagtulog."ah ayaw mo ha." umalis na si nanay sa kwarto ko. Nakatulog na ulit ako nang biglang..

Clang Clang Clang Clang!! Agad akong bumangon at nakita ko si Nanay na may hawak na kawali at sandok. nakangiti ito sa akin habang sinabi "ayaw mong bumangon eh". Bumangon na ako at nag-ayos para sa school. Dahil first day of class ngayon ay pinayagan kaming magsibilyan. Naligo ako at nag-ayos para sa school. Nakapalda ako na abot sa tuhod at naka-pink na tshirt with matching boots at blazer. bumaba na ako para mag-agahan. Pagbaba ko sa kusina ay nakita ko si Nanay na nakatingin sakin habang natawan kasama si Tatay Jazz.. Tinignan ako ni Tatay at tinanong ako,"Kamusta ang tulog Mo bunso? Sabi ng nanay mo ang ganda daw ng alarm clock mo ha." Pagbibirong sinabi saken ni tatay. Hindi ko sila pinansin at nagpahatid na ako papunta sa school. 

Pagdating ko sa school ay nakita ko ang 2 kong bestfriend na si Ryan at Crystal. Si Ryan at Crystal ay galing rin sa marangyang pamilya. Ang parents ni Ryan ay  parehong Businessmen samantalang ang nanay ni Crystal ay Lawyer at Seaman naman ang kanyang Papa. Lumapit ako sa kanila. "hi guys!" . "hi Jen',"hi Bes" sabay nilang sinabi. "oh ready ka na ba sa unang araw mo si Prince James Academy?"  tanong saken ni Crystal. Tumango lang ako at sinabing "tara na guys kunin na natin schedule natin. Papasok na kami sa school. Sa pagpasok namin don napansin naming pinagtitinginan kami ng mga tao. Ang iba'y nagbubulungan at ang iba naman ay nagkukunwaring may ibang ginagawa para di mahalata na pinagmamasdan kami. "sino sila?,"bago ba sila dito?","hindi sila dito pumasok". yan ay ilan lamang sa mga narinig namin sa mga nagbubulungan habang papasok kami. Papunta na kami sa main office para kunin ang schedule namin. Pagkakuha namin sa schedules namin ay naghiwa-hiwalay na kami para pumunta sa mga klase namin. Magkakaiba ang first period namin pero after nun ay pareho na ang schedules namin. Tinignan ko ang schedule ko at Math ang unang subject ko."Ughhh Math? Seryoso? ang aga aga math ang panimula ng araw." pumunta na ako sa classroom ng math. Wala kaming ginawa buong subject dahil first day of class daw naman sabi samin ng Math teacher namin na si Sir Ryan. Matangkad si Sir, gwapo at medyo bata bata pa. Boring ang buong math ko.

Riiiiiiiiiiiiing. tumunog na ang bell meaning tapos na ang math. Thank God! Mamamatay na ako sa Boredom dun.

English ang sunod kong subject na pupuntahan. papunta na ako sa classroom namin. Naglalakad ako nang may nakasalubong akong lalaki. Hmmmm familiar yung boy na yun ha. Hindi ko nalang yun pinansin at dumeretso ako sa English class ko. masaya ang English. Masayang magturo si Ma'am flores. tumunog na ulit ang bell. Tapos na ang English namin meaning.. tantararan. Lunch na! Pumunta ako sa locker ko para kunin ang lunch ko. dun ko nakita si Tal at si Ryan na hinihintay ako. " Kamusta naman ang first two subjects nyo?" tanong ko sa kanila. Tumingin sila sa isa't isa at sabay na sinabi "BORING". Napangiti lang ako sa kanila at nagpunta na kami sa cafeteria. Masaya kaming nagla-lunch nang nakita ko nanaman yung cute na guy na nakasalubong ko kanina sa hallway. Umupo sya sa tabi ng mga Jocks ng school. Tinitigan ko siyang mabuti. Sobrang familiar talaga nya at nun ako naalala. Siya. Nagulat ako nung marealize ko kung sino sya. Napatigil ako sa pagkain at tinitigan lang siya.Pano?Kelan? Saan siya nagpunta? After all these years.Bakit ngayon ko lang siya nakita? Maraming tanong ang umiral sa utak ko."jen ok ka lang? Bakit parang nakakita ka ng multo?" tinignan ko si Ryan nang may nanlalaking mata. Sa sobrang gulat ko ay isang salita lang ang lumabas sa bibig ko.Evans. Nagtaka sya nung una at lumingon para tignan kung sino ang tinititigan ko at nyun nya narealize ang ibig kong sabihin.tulad ko sobra din syang nagulat. Tinignan nya ako at sinabi saking,"Nagbalik na siya"...

A/N. Hi guys! ito nga po pala ang first book ko. Sana po magustuhan nyo ito. Paki-vote narin po kung nagustuhan nyo. Comment rin po kayo at Follow me  po. Yun lang. Thank you <3

My Bestfriend's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon