Mabilis na lumipas ang araw at ngayon na ang NCAA kaya maaga akong gumising at naligo. Hindi ako masusundo ni Ethos ngayon kasi busy siya pero okay lang naman, may kasabay naman akong pupunta sa university nila, si Nichole.Nagsuot ako nang high waisted black jeans at red shirt. I'm supporting my boyfriend's team kahit magkaiba pa ang school namin. Hinayaan kung nakalugay ang mahaba kung buhok at nag-apply ng powder at pink lipstick. I sprayed some perfume bago kinuha ang bag ko at lumabas.
Naabutan ko si Nichole doon na nakikipaglaro kay Kent, she's wearing red din kasi pareho naming sinusuportahan ang mga boyfriend namin.
Nag-angat siya nang tingin at ngumiti ng makita ako at kumakaway pa.
"Oh, my gosh. Excited na ako."excited na bungad niya sa'kin.
"Ako rin."tugon ko at medyo kabado pa.
Pinuntahan ko si Kent at binuhat."Aalis na si ate ha."malambing na ani ko sa kapatid. Ngumiti siya at tumango kaya hinalikan ko ang pisngi niya bago pumunta sa kusina kung nasan si mama.
"Ma, alis na kami."paalam ko.
Nilingon niya ako at naglakad papalapit sa'min sa'ka kinuha si Kent sa'kin."Sige, anak. Ingat kayo."nakangiting aniya kaya tumango ako bago muling nagpaalam at lumabas na ng bahay.
Pagkarating namin ni Nichole sa school nila Ethos ay nalula kami sa dami ng taong nandito.
"Daming tao."komento ni Nichole kaya napatango ako bilang pagsang-ayon.
"Tara na, para may mauupuan pa tayo."suhestyon niya kaya sumangayon at nagtungo na sa basketball court nila.
Marami nang tao pagkarating namin 'dun kaya puno na ang front seat kaya wala kaming choice kundi sa malayo umupo. Inilibot ko ang paningin ko at halos lahat ng nandito ay puro nakapula. Wow, Ang daming supporters nila.
"Aish, ang layo na natin."maktol ni Nichole.
Nilingon ko siya at bumuntong hininga."Hayaan mo na lang, alangan namang paalisin natin 'yung nasa harapan."ani ko na ikinasimangot niya.
Agad na naghiyawan ang mga tao nang dumating na 'yung grupo nila Ethos kaya excited na nilibot ko ang aking tingin sa kanila pero nadismaya ako ng malamang wala siya 'dun. Nandon na si Thrace at Asher at Greg, siya na lang 'yung wala.
Nasan na kaya siya?
Kinikilig na tumili si Nichole."Shit, and gwapo ng bebe ko."aniya pero hindi ko nagawang ngumiti."Teka, ba't wala 'yung bebe mo?"takang baling niya sa'kin.
Nagkibit balikat lang ako."Hindi ko alam."mahinang sagot ko.
Tinapik niya ang balikat ko."Darating din 'yun."pampapagaan ng loob niya sa'kin kaya tipid akong ngumiti.
Hanggang sa dumating na 'yung taga school namin, agad na nakita ko si Steve na ngayo'y nakangisi at parang haring naglakad sa gilid ng court. Luminga linga ako pero wala pa rin siya.
"Tignan mo ang kulugo, nakakakilabot ang kanyang ngisi."inis na sambit ni Nichole sa'kin.
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Nichole kasi nag-alala na ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag at agad na tinawagan si Ethos pero hindi sumasagot kaya tinext ko na lang siya.
To boyfriend:
' Nasan ka na? Nandito na ako sa basketball court, excited ng panoorin ka maglaro.'Naghintay ako nang reply niya pero umabot ang ilang minuto ay hindi pa rin siya nang-rereply.
Alalang nilingon ko si Nichole na ngayo'y alalang nakatingin sa'kin."H..Hindi siya sumasagot sa tawag at text ko eh."kabadong ani ko sa kanya.

YOU ARE READING
The Greek has Fallen(Greek Series #1)
RomanceGreek Series #1 Greek Ethos Smith from VSU. The troublemaker guy. He always go to school with a lot of bruise on his face. But despite of that, lots of women and even gay's still admired him. Not only, because of his power, money and connection, but...