In most clichè-plotted movies, the happy ever after is always after a wedding. That's what I expected it to be, pero alam ko rin namang hindi laro yung papasukin namin. But I was not informed that it will be our falling-out.
For a year, it felt like we were just married in papers. Yes, we do see each other, pero mas madalas ko pang maabutan sa condo 'yong weekly na naglilinis.
I tried hard to understand, ayaw niyang pagaanin 'yong duty niya, she doesn't want to catch attention. Gustuhin ko mang akuhin na lang lahat, pero hindi pwede. Ayaw na ayaw niya 'yong pinapakailamanan siya, she wants thing her own way.
"Ano Jus, meron na?" tanong na naman ni mommy, hindi ko alam kung bakit hindi na lang silang maghintay. Halos hindi ko nga naabutan si Trix.
"We'll tell you if there's one, mom," I dropped the topic. Bumuntong hininga ako pagkapasok ng kwarto, minsan mas gusto ko pang umuuwi ng Alabang kaysa sa condo, bukod sa walang naghihintay sa akin pag-uwi, pro-problemahin ko pa yung mga bagay doon.
Sa ilang taon kaming kasal, sana noon pa lang napansin ko na. I should I have known that she's doesn't want a child. Bakit hindi ko 'yon alam?
I should have, she's been my best friend since the beginning, I know everything about her, so how come I didn't read her in between her lines. O kahit 'yong mga pag-ilag niya sa usapan. Bakit pinilit ko 'yon sa kanya?!
Pero hindi ko agad 'yon tinuunan ng pansin, sa mga taong nagdaan pinaniwala ko ang sarili ko na kilala ko ang buong pagkatao niya, na parehas at tugma ang mga gusto namin sa buhay. I was dumb to think of that, I forgot she is her own person. Hindi dahil sabay kaming lumaki ay sabay din ang agos ng mga pangarap sa amin.
A night after our confrontation I left our condo, I told her word that deeply cut her for sure, my mind was clouded, rush of emotions, my system just succumbed. It was too much to process. Fuck! I wanted a child, I was so clear with that with her, pero ang gago ko na ilang taon kong pinulit sa kanya 'yon. Alam kong hindi lang niya sinasabi sa akin kasi takot siyang mawalan kami ng kakapitan sa isa't-isa.
Our whole family was pressuring her, but hell, I should have been more understanding.
"Saan ka na naman galing?!" bungad niya sa akin, ganito kami lagi. She got paranoid with my absence, kasalanan ko, pero umiiwas ako kasi akala ko 'yon ang kailangan naming dalawa.
"Ilocos.." dumiretso ako sa kwarto, nakasunod naman siya sa akin.
She forcefully held my hand. "Justine!"
"Baby, come on, I'm tired. Can we talk about this tomorrow?"
Agad niyang winaksi 'yong kamay ko. Tila punyal na sumaksak 'yon sa akin. I saw fuming fire inside her eyes, na kahit anong sabihin ko ay ikakagalit niya.
"I don't believe you! Yan din sinabi mo last month!"
"It's true. Ask our brothers," I said calmly. "Please, baby, I'm tired."
"Paano natin maayos 'to kung lagi kang iiwas! Do you want me gone?! Is that it? Should I be signing a paper just because I don't want a child? Iiwan mo ako dahil don?!"
Sinubukan kong hawakan 'yong kamay niya, mabilis niyang tinabig yong akin.
"Baby, no. I'm trying to understand you. Just give me time. Please. Hindi tayo maghihiwalay. We'll figure this out. Just give me time," I reached for her elbow.
"Why are you not wearing your ring in the hospital?" she said all of a sudden. Nakasunod siya sa akin kahit nag-aayos ako ng bag na dala ko sa Ilocos.
YOU ARE READING
The Pledge Between Us✨ [MED SERIES #9] COMPLETED
RomanceTrixie Nicole Villamora, had everything pre-planned for her, never contest her family's decision, but had doubts when they decided a lifetime commitment for her. Will it secure her or will it destroy her?