Chapter 1: She's Back

640 12 3
                                    

Kean Jayshin's POV:

      Nabalitaan kong gising na siya. Pagkatapos ng apat na buwang pagtulog niya sa ospital, nagising na siya. Pagkatapos ng apat na buwang pagtulog niya sa ospital, nabalitaan ko ding wala siyang maalala. Ibig sabihin, hindi na niya 'ko makikilala. Hindi na niya maaalala ang lahat. Hindi na 'ko maaalala ng babaeng bumuo ng pagkatao ko.

"Dude, hindi pa rin niya tayo maalala. Maselan ang naging kalagayan niya sa pagkaka-aksidente niya. Kaya naman naisip ng pinsan niya na ipakilala ulit tayo sa kanya." sabi ni Darren na siyang naging dahilan ng pagtigil ko sa pagbabasa.

"I-ipakilala... ulit?" tanong ko.

"Oo. Makakabuti rin naman 'yon para makapag-adjust siya." sagot nito.

"Kailan niya tayo ipapakilala?" tanong ko.

"Maybe next week? Yun lang ang narinig kong sabi ng iba nating classmates." sagot ulit niya.

      Kung nagtataka kayo kung sino ang pinag-uusapan namin, si Jewel Krizlee Ford. Hindi ko alam kung ba't nakuha ko pang magpakita dito sa school sa kabila ng ginawa kong kagaguhan. Kung hindi ko sana ginawa 'yon... hindi mawawala sakin si Jewel. Kung hindi siguro ako nagloko... masaya pa sana kaming magkasama ngayon. Everything has changed because of the shits I've done. That's why, I'm a stranger for her now.

"Aalis na 'ko." sabi ko at tumayo na pagkatapos inayos ko ang mga gamit ko.

"Saan ka pupunta, dude?" tanong ni Darren.

"Ayokong pumasok, uwi na 'ko." sagot ko at lumabas na ng room kahit tinatawag niya 'ko.

      Para makalabas, dumaan ako sa gate ng school sa likod. Wala naman kasing nagbabantay 'don. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang gusto ko lang ngayon ay mapag-isa.

"Aray!" sigaw ng babaeng nabangga ko. Nakayuko na naman kasi akong naglalakad.

"S-sorry." sagot ko at tumingin sa kanya at nabigla naman ako nang makita ko ang mukha niya.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" sigaw niya at mabilis na tumayo sa pagkakaupo.

"J-jewel..." bulong ko.

"Anong binubulong-bulong mo diyan?! Aalis na nga 'ko. Ang weird mo." iritang sabi niya at naglakad na nga paalis.

     Tulala lang ako hanggang sa mawala na nga siya sa harapan ko. I missed her. I missed her voice, her face., I missed my Jewel. I want her back. At heto, nararamdaman ko na naman 'yung sakit. Ang hirap huminga kapag nakakaramdam ako ng sakit sa puso ko. Para bang may kung anong tumusok sa puso ko nang sabihin niya 'yun sakin. Hindi na ba talaga niya 'ko maalala? Wala na bang pag-asa 'yung salitang 'tayo' Jewel?

Pearl Danielle's POV:

"Jewel! Sa'n ka ba galing ha?" tanong ko sa kanya pagdating niya dito sa park.

"Pasensya na. May nakabangga kasi akong lalaki. Ang weird niya." seryoso niyang sabi.

"Heto, ibinili kita ng meryenda." sabi ko at inabot sa kanya ang soft drinks at sandwich.

"Salamat dito. Kailan mo 'ko balak na ipakilala ulit sa mga kaklase at kaibigan mo? I mean... natin?" tanong niya.

"Next week siguro. Hindi ka pa fully recovered girl, kaya 'wag muna ngayon, okay?" natatawa kong sabi.

"Ang tagal. Bat hindi pa ngayon? O kaya bukas?" parang naiinip niyang sabi.

"Biyernes na naman ngayon. Maghintay kana ng monday." sabi ko at kumagat sa sandwich ko.

"Bukas nalang, para naman makasama ko sila ng buong araw. Tsaka marami pa 'kong ipapakwento sa kanila." sabi niya at uminom.

"Aist, baka mabigla ang utak mo kung gagawin mo 'yun." sagot ko.

Memories of the Past (One Liter of Tears)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon