Part 6
I went home after what happened at Rax. Nasa isip ko pa rin ang lahat ng pinag-usapan at plano namin… ‘yong bet. I can’t even sleep.
Half of me was thinking if I will do it, but fuck, all of them already had their bet.
Pinagmasdan ko ang laptop. I have Darlene’s location. I can track her because of the necklace. By having this, I can locate her anytime.
A red dot suddenly moved. Napaayos ako nang upo. “Where is she going?” I took my umbrella and went outside. Hindi na ako nagdala ng kotse kahit na maulan sa labas.
I tried to follow her using the red dot. Nasa loob pa siya ng village kaya hindi ako nahirapan mahanap siya.
Namataan kong nagpapaulan siya. Damang-dama niya pa at akala mo ay nasa commercial.
“Putang ina! Bitiwan mo ako!” she yelled as I held her arm. “Tang—” I covered her mouth. Hinila ko siya papunta sa waiting shed.
“It’s midnight and yet you’re here? Tapos umuulan pa?” I said. “Tapos feel na feel mo pa ‘yong ulan, ano ka, nasa commercial?”
She faced me, removing my hand from her mouth. “Gago, anong ginagawa mo rito?!”
“You, what are you doing here?” Gabing-gabi na tapos nandito pa siya. It’s dangerous!
“Hindi kasi ako makatulog!” Hinawakan ko ang kamay niya nang balak niyang maligo ulit sa ulan. “Maliligo nga ako sa ulan!”
“It’s cold!” saway ko.
“Hindi ako nilalamig.” She went in the middle. “Joke lang ‘yong hindi ako nilalamig. Ang lamig!” Her long hair moves as the wind touches her skin.
Bumalik siya sa gitna para muling magpalulan. Halatang natutuwa siya sa ginagawa.
I smiled while watching her, but as soon as I remembered the bet… my smile faded. Umiling ako at inalis ‘yon sa aking isip. There's no use thinking about it again. I have done it already.
Isang buwan lang naman ang titiisin ko. Kaya ko naman siguro pigilan kung sakali ako ang mahulog. And I am not easy to fall, remember? Besides, I don’t like her even a little bit.
Lumapit na ako para maihatid siya sa kanila. Delikado na kung magtatagal pa kami. At baka magkasakit pa siya sa ginagawa niya.
Binuksan ko ang payong.
“Huwag ka ng mag-payong. Liliparin lang ‘yan sa sobrang lakas ng hangin,” aniya bago ako iwan.
“Fuck!” Nilipad ng hangin ang payong na hawak ko!
She laughed, looking at me.
Sinamaan ko siya ng tingin. “Stop laughing!”
“Ang arte mo kasi! Payong-payong ka pa, mababasa ka lang din naman,” she was still laughing.
Mas lalong lumakas ang ulan kaya wala na rin akong nagawa.
“Kapag ako nagkasakit, aalagaan mo ako!” Napahilamos ako sa mukha dahil sa ulan. Bumaling ako kay Darlene na nakatingin rin pala sa akin.
She raised an eyebrow. “Edi wow! Hindi ka ba marunong mag-alaga ng sarili mo?”
Hindi, wala namang nag-aalaga sa akin. No one ever checks on me, either. Hindi ko siya sinagot. Kinuha ko ang phone at wallet ko sa bulsa.
Binalikan ko rin naman siya. We stayed in the middle of the night, dancing with the rain touching our skin, meeting our eyes together. Mahigpit ang hawak ko sa kaniyang mga kamay habang sumasayaw.
YOU ARE READING
TGIWS: Phoenix Ryler Velasquez's POV (Completed)
Teen FictionShe's the girl that I want to spend my life with. She's the one who's making me damn crazy. She's Darlene Michelle Miranda. Currently editing. :)