Monday
Nandito kami ngayon ni Bessy sa garden ng school umupo kami sa isa sa mga bench pero para siyang hut hehe chinika ko na sakanya yung date kahapon namin ni Baby Red. E hindi naman daw date yun eh nag simba lang daw kami. Tignan niyo to si Bessy KJ.
Lunchtime na dito lang daw kami kakain may niluto kasi si Tita at gustong ipa kain sa akin. Mabuti nga masasarap yung pinapakain niya kung hindi siguro kakasuhan ko sila ng food poisoning.
"Ang sarap naman nito Bessy, pwede bang don nalang ako tumira sa inyo." Sabay subo nong hindi ko alam anong pangalan. Para kasing pang instik yung tunog eh.
"Bawal ang mga pangit don Bessy." Sabi ni Bessy, pero sa phone niya siya naka tingin.
"Hindi naman ako pangit ha, mayaman kaya ako." Sabi ko sa kanya at sumobo naman ng ibang putahe.
Tinignan ako ni Bessy na parang ang dumi dumi ko, hindi naman ha. "Whatever." At tumingin uli siya sa phone niya.
Anong nangyayari sa kanyA?
Kinain ko na man yung isa pang putahe. Bali limang putahe ang dala ni Bessy.
Tinignan ulit ako ni Bessy na parang nagtataka. At biglang nag ring yung phone niya.
"O ano?."oo ganyan si Bessy walang hi, hello kaya friendship kami eh ganyan din kasi ako. "Nandito lang kami sa garden. . . Oo kasama ko siya. . . Ok. . . Oo. . . Hindi naman. . . Oo nga . . . Dukutin ko yang tenga mo eh. . Oo . . Hindi. . . Oo. . . Hindi. . . Oo. . . Oo." At binaba na niya yung phone niya.
Hala na gets niyo yun. Hindi ko gets eh. Parang naglalaro lang ng pinoy henyo.
"Sino yun Bessy?" Tanong ko habang nililigpit ko yung pinag kainan ko.
"Wala, friend ko." Pero yung mukha niya parang natatae.
Anong nangyayari kay Bessy. Umupo na ako ng maayos. E nopen ko yung phone ko. Maglalaro ako ng guest the picture hehe.
Open, open, open. Oy itlog to ha. 7 letters. Nilaga? Hindi 6 letters lang, scrambble? Nine letters e ano pa ba ang klase ng pag luto ng itlog?
"O andyan na pala siya." Naramdaman kung tumayo si Bessy at pumunta sa may likuran ko, don kasi banda ang entrance, pero binaliwala ko na lang nag coconcentrate ako dito sa itlog noh.
"Siya ba yun Aya?" Hala bakit ang familliar ng boses niya. Parang. . . Parang kay Baby Red.
Napatayo ako kaagad dahil sa naisip ko. Si Baby Red ba yun binibisita ako. Is it impossible? Is it?
Pagharap ko sa kanila naka harap din sila sa akin.
"Siya lang yung kilala kong Mae Chaves." Sabi ni Bessy don sa katabi niya na si. .. si . .
"Oh shocks, Baby Red." Bigla kong tinawid ang distansya namin ni Baby Red at yinakap ko siya ng mahigpit. Iba na yung pabango niya mas mabango ang sa ngayon. Hihihi libre chansing na naman ako kay Baby Red.
"Get the fuck away from me." Galit at may diin na sabi ni Baby Red, habang gusto niyang tanggalin ang kamay ko na nakapulopot sa kanya. Sa may lahi akong Mighty Bond eh, hindi ako basta basta matatangal. Hihihi
"Baby Red bad word yun ha akala ko ba mag papari ka, eh bat ka nag mumura dyan. . . . Shocks. Baby Red, umalis kana sa pag papari, magpapakasal na ba tayo? Ilang anak ang gusto mo? Saan tayo titira? May savings ka na ba? Ok lang meron naman akin. Saan mo gusto mag honey. . Aray Bessy bakit mo ako binatukan?"sigaw ko kay Bessy. Ayan tuloy napabitaw ako kay Baby Red.
YOU ARE READING
Mr. Missionary and Mae
Humor"Oo mahal mo siya, Mahal kita. Ang tanong, mahal ka ba niya?" Meet Mae Chaves, a beautiful creature, (sabi niya), who wants to be loved. Kahit na sinong lalaki basta't gwapo, mabait, at matalino gagawin niyang boyfriend. And she will gonna get tha...