AHFOS - 7

9 3 1
                                    

Hindi ko mapag kakaila na ang saya ng araw na ito dahil nagawa ko ang mga bagay na gusto ko. Mga bagay na hindi ko nagawa noon. Mga panahon siguro na isa lang akong inosenteng tao.

Nagpahinga ako nagbasa basa ng libro at pagtapos ng ilang saglit ay naligo at nagpalit pantulog na rin ako. Pagkatapos kong gawin ang mga bagay na ginagawa ko tuwing gabi lalo na ang pag papatuyo ng buhok at night skin care.

Humiga ako at nag isip isip ng bagay bagay. May mga realisasyon ako sa buhay. May mga bagay na hindi maganda saakin may mga bagay na maganda saakin. Mga bagay na realisasyon mula sa nakaraan ko.

Simula noong kuhanin ako ng mama ko para isama dito sa bago nyang pamilya. Hindi ko nga maiwasang isipin na nagawa ko pala ang mga bagay bagay na kinapapahamak ko minsan.

Nag l'lakwatsa ako. Nag iinom kasama ang mga "Strangers". Umuuwi ako ng umaga na. Ultimong ala akong pakialam kung anong mangyari sakin. Kahit mag iyakan pa sila ng dugo hindi magbabago ang nakasanayan ko.

Siguro nga kaya nila ako pinaghigpitan dahil sa ganong sitwasyon ko na pasaway, walang pakialam, btch, basagulera, lakwatsera, lasinggera lahat na ng masamang katangian nasa akin na.

Kahit na pinag aral pa ako sa magandang eskuwelahan at matino ay nadadamay pa rin ako sa mga gulo lalo na sa mga gulong hindi ko naman ikinasangkutan. Mga bintangero't bintangera.

Kaya ko nasasabi na ayoko sakanila dahil hindi nila ako pinahihintulutan sa mga bagay na gusto ko. Mga bagay na saakin ay masaya pero sakanila nakakasira. Na ugali ko lang din naman ito sakanila, tsk.

Bumait lang siguro ako nung nahigpitan na ako. Malaking pagpapabuti nga raw. Pero hindi pa rin ako mag papatalo ke Ychell noh. Bruhita kasi masyado. Kung hindi lang sya sumbungera at pakialamera.

Pero, salamat na rin sakaniya kasi kung hindi sya mapapahiya edi hindi pa rin ako malaya. Hindi ko naman talagang aasamin na maging isang mayaman kung ganto ang hahantungin ko. Hindi ko aasamin na may kahati ako sa kung anong mga bagay na gusto ko.

Parte ba ito sa buhay ko na may mga kontrabida sa buhay ko. Gustong kuhanin ang lahat pagkatapos ko humantong sa pagkakataong hindi na maging inosente.

Alam naman nating lahat na dumating tayo sa parteng inosente tayo dahil hindi pa natin ganon alam ang mga bagay bagay.

Noon namang dumating tayo sa puntong hindi na inosente doon may realisasyon na papasok saatin na parte ng buhay.

Minsa'y ng nakapapanisi ng mga ginawa natin na hindi maganda para sa sarili at sa ibang tao. Ang mga bagay na ginawa ko ay ang kagaya ng nabanggit ko.

Isa akong taong hindi na napigil dahil sa tuksong aking ikinaharap. Mga bagay na nagresulta saakin ng hindi maganda. Masasabi ko ngang totoo ang sabi sabi nila na masayadong masama ang bagay.

Lalo na sa parteng lagi mong ginagalawan. Parteng di mo'y mawari kung ayos ba o hindi. Parteng nilululong mo ang nais mo nais mong malaya ngunit may kapalit.

Kailangan nga rin ba ako hahantong sa masayang buhay, yung mapayapa. Yung walang masyadong kontrabida. Yung kontrolado ng tadhana ang lahat.

Masyadong sariwa ang ganap sa aking buhay. Masyado pang sariwa ang nakaraan ko. Lahat ng sakit ay bumabalik. Kailangan nga ba talaga ako lalaya. Lalaya sa kung ano ang ikakasaya ko.

A Heart Full Of SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon