Best Friends (One Shot Story)

104 1 0
                                    

Best Friends
(One Shot Story)

Papasok na ako sa gate ng school na pinapasukan ko nang makita ko syang kabababa lamang ng service nila.

Binilisan ko na lang ang paglalakad para di ko sya masalubong.

Pero sadyang mabait si tadhana at nagkabanggaan pa talaga kami.

"Sorry" sabay naming sabi.

Nagkatinginan pa kami pero umiwas na lang ako ng tingin, mabilis na lang akong naglakad.

Pagkarating ko sa floor ng room namin, narinig kong nagdi-discuss na ang Filipino Teacher namin.

Shocks!!! Late na naman ako. Paano na ngayon to! Haist. Bahala na si Hello Kitty.

Kumatok ako sa front door (dalawa po kasi ang pinto, yung isa sa likod at yung isa sa harap, malapit sa blackboard)

"Good morning Ma'am. I'm Sorry, I'm Late." paumanhin ko kay kay Ma'am habang nakayuko.

"Okay lang yan. Sige pumasok ka na" sabi ni Ma'am sakin at dun lang ako nakahinga ng maluwag.

Pagkaupo ko pa lang, sinalubong agad ako ng yakap ng bestfriend ko na si Alyssa (Alaysa) "I mish you Sistah" sabi nya sakin with matching kiss sa cheeks ko. Haha abnormal talaga tong bestfriend ko.

"By the way Sis, bakit ka na naman late !? Ang lapit-lapit ng bahay mo, lagi ka pang late." sabay pout niya.

"Haha sarreh sis, tinanghali ako ng gising eh. Tsaka sis kahapon lang tayo nagkita, miss mo agad ako." sabi ko sa kanya sabay tawa.

"Ayaw mo nun sis, may nakakamiss sayo. Hahaha" baliw talaga sya.

By the way, I'am Stella Villanueva, Grade 8 student dito sa ***** Academy.
Si Alyssa Garcia naman ang aking best friend.

So andito kami ngayon sa canteen dahil lunch break na namin.

"Sis may tatanong ako." sabi ni Alyssa.

"Nagtatanong ka na sis" asar ko sa kanya sabay tawa.

"Hayys! Ewan ko sayo." inis nyang sabi.

"Joke lang.✌Ano ba itatanong mo sis?" -ako

"Sa tingin mo ba seryoso sakin si Simon (Saymon)" -siya

"Ikaw sis? Sa tingin mo ba seryoso sya sayo?" -ako

"Di ko nga--Wait! Ibinalik mo lang sakin yung tanong ko sis eh!" irita nyang sabi sakin.

"Hahaha. Ikaw naman kase sis eh. Sino ba nililigawan ni Simon? Diba ikaw? So ikaw lang ang makakasagot sa tanong mo sis." pagpaparatang ko sa kanya.

"Hayy bahala na nga si Spongebob!! Anyway sis, nagtetxt pala sakin kanina si Simon, sabi nya sabay daw kaming umuwi kaso may practice pa sila sa Dance Troupe kaya hihintayin ko pa siya. Sasamahan mo ako sis ah!?" alok nya sakin.

"Kasi sis maaga ako--" nagsalita sya agad kaya napatigil ako.

"Ililibre kita ng mangga sis para pambawi ko." sabi nya

"Okaaayy sis!! Kahit anong oras pa yan eh!" sabi ko sabay tawa

"Ikaw talaga sis! basta libre di ka tatanggi" sabi nya at sabay kaming tumawa, "Don't worry sistah, makikita mo rin naman yung ex-bebe mo eh" asar nya sakin kaya sinamaan ko agad sya ng tingin

"Hihihihi✌" nagpeace sign na lang sya sakin at ngumiti.
-
Uwian na at ngayon andito kami sa catwalk para hintayin matapos ang dance troupe sa practice nila.

After a half of an hour, finally nakita ko na rin yung ibang dance troupe na nagsisilabasan na sa dance studio kung saan sila nagpractice.

"Sis ayan na si Simon oh!"sabi ko kay Alyssa

Best Friends (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon