1:Intro

24 1 0
                                    

Rin's POV


"One mocha latte please." order ko sa cashier ng Starbucks. Umalis naman ang babae at inihanda ang order ko. Nang matapos na binigay niya naman saakin at umalis na ako.

Nakalabas na ako ng Starbucks nang may bumanga saakin na babae. Natapon naman sakanya ang latte na hawak ko.

Tinignan niya ako ng masama at nagsimulang sumigaw.

"OMG! Look what you did! You little bitch! Do you know how much this dress cost? Not even a little trash like you could pay for it! Ghad! Why are stupid people scattered everywhere? Guards! Guards! Paalisin niyo nga yang babeng yan sa harapan ko! 'Di niyo ba ako kilala? Ako lang naman ang anak ng biggest shipping company sa South East Asia!" Sabi ng babaeng nakabangga saakin. Bwisit. Ako pa ang may kasalanan eh siya nga ang bumangga saakin. Nasa tabi na nga ako ng dinding ako pa ang may kasalanan? WOW! Just wow!

Nagsidatingan naman ang mga guards pero agad rin silang napatigil. Tinignan ko ang babae at tinaasan siya ng kilay.

"Excuse me? Ako pa talaga ang sinisisi mo eh 'no? Tanga ka ba? O talagang may sira yang kokote mo? Malapit na nga ako sa dingding nabangga mo pa ako? Mas stupid kang mukhang aswang na naganyong tao. Tsaka anak ng shipping company? Kaya naman pala nagmu-mukha ka ng isda." Inis na sabi ko sakanya. Naging pula naman ng husto ang mukha niya at galit na tinignan ako.

"Guards! Ano pang ginagawa niyo jan? Paalisin niyo na 'tong babae na 'to kundi magfa-file ako ng report para mapatalsik kayo sa mga trabaho niyo!" Sigaw niya sa mga gwardya. Napa-ngisi naman ako at nagpipigil ng tawa yung mga guards.

"Anong tinatawa-tawa niyo jan? At ikaw may gana ka pang ngumisi ha!" sigaw niya habang turo-turo ako. Akmang sasampalin ako ng babae na 'to pero mabilis na hinawakan ng mga guards ang kamay ng babae.

"Let me go!" inis na wika ng babae.

" 'Di po namin pwedeng gawin 'yun. Baka tuluyan na kaming mapatalsik kapag ginawa namin yun. Siya kasi ang may ari ng mall na 'to." sabi ng isa sa mga guards. Gulat na tinignan ako ng babae.

"I-ikaw? Ikaw ang may ari nitong mall na 'to?" sabi niya. Putlang-putla na siya.

Ngumisi naman ako.

" 'Di lang ang mall na 'to. 70% ng mga mall sa pilipinas ay paga-ari ko." Sabi ko na lalong nagpalaki ng mata ng babaeng 'to.

"At pagminalas ka nga naman. You are now banned from any establishments that are named under me. " dagdag ko pa.

"No! You can't do this to me! Dito lang sa mall na 'to pwede kong makita si Robert Jackson!" Sigaw niya. Tsk. Si Robert Jackson lang pala ang rason niya para pumunta dito. Sikat na talaga ang lalaking 'yun.

"What a low-class reason you have." sabi ko na ikinaseryoso ng mukha ko. "Sweetie, if you have any reasons to tell, make sure they are acceptable." dagdag ko.

"Take her away." utos ko sa mga guards.

"Masusunod po ma'am." sabi ng isang guard at hinila na ang babae na nagpupumiglas.

Ngayon ko lang napansin na madami na pala ang na-ipon namin audience.

"Sorry for all the commotion. Please continue your shopping." hinging paumanhin ko sa mga audience namin. Nagsialisan naman ang mga costumer at bumalik sa kanilang mga ginagawa.

Tsk nakalimutan kong sabihin sa babeng 'yun na ipapatanggal ko na ang investments namin sa company nila. 'Di bale na nga. Ipapatawag ko nalang mamaya.

Naglakad na ako papuntang department store para sana kumuha ng mga bagong damit.

Binati ako ng isang staff but I signaled them to keep quiet. I want to put my profile low. Though nasabi ko rin naman kanina sa away namin ng babaeng 'yun. Tsk.

Kumuha ako ng dalawang fitted jeans tapos isang isang ripped jeans. Tatlong t-shirt na may prints tapos isang sando. Palabas na ako ng department store pero pinigilan ako ng isang guard. Mukhang bago 'tong isang 'to.

"Miss kailangan niyo munang magbayad ng mga 'yan." sabi ng guard saakin. Ngumiti lang ako sakanya tapos tinawag ang isang staff para ipaliwanag sa kanya.

"Huy. siya yung may ari nitong mall. Grabe ka. 'Di ba pinakilala sayo si Ma'am nung first day mo?" tanong nung isang staff. Umiling naman ang lalaki at tumingin saakin at humingi ng sorry.

"Okay lang." sabi ko sakanya. Narinig ko naman na kinausap niya yung staff na tinawag ko at sinabing ang bait ko raw. Napa-ngiti nalang ako. Tama nga siya at mabait ako sa mga empleyado ko. Baka kung naging masungit ako sakanila magsi-alis na sila at walang mamamahala sa mga malls ko. Pero kahit ganun Stricto parin ako sakanila para 'di nila pagtangkaan ang kinabubuhayan ko.

______________________________

Helo! Sabaw na chapter one. ahah. pero pramis. Bibigyan ko ng thrill yung 2nd chapter.

Pa-vote, comment and be a fan po! Thankyou!

The Childish BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon