Third Person POV
Sa kaharian ng Light Kingdom, naroroon ang dalawang binatang prinsipe na kasalukuyang nanonood sa isang lugar para sa pag e-ensayo. Sa loob ng training ground, naroon ang kanilang bunsong kapatid na babae na nag e-ensayo sa paggamit ng Aksha.
Hindi naramdaman ni Prinsesa Lena ang presensya ng kaniyang dalawang kapatid dahil sa pagiging pokus nito sa kaniyang pagipon ng White Essence upang makontrol ang kaniyang abilidad at makabuo ng magandang resulta sa paggamit ng Aksha of Light.
Simula nang makapasok ang kaniyang dalawang kapatid sa Artemesia Academy na kung saan ay naroroon lahat ng estudyante na malakas at mapalad na nakapasok, pursigido si Prinsesa Lena upang makapasok siya at makasama ang kaniyang mga nakakatandang kapatid.
Ipinagbabawal siyang lumabas o pumunta kung saan-saan dahil maraming mga Mythical Creature ang kumakalat at kung ikaw ay naaktuhan na mag-isa, hindi ito magdadalawang isip na ikaw ay labanan.
Bukod sa Mythical Creature, marami rin ang kumakalat na isyu patungkol sa pagkawala ng mga tao sa iba't ibang kaharian na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito na solusyonan.
At ang huling rason kung bakit pinagbabawalan ang paglabas ng Prinsesa ay dahil may kumakalat na usap-usapan tungkol sa kabilang panig ng Adastrea na binubuo pa ng limang kaharian.
" Sa tingin mo, magbabago pa kaya ang isip nila ama tungkol sa pagpasok ni Lena sa Artemesia?" May halong pag-alala sa tanong ni Raver.
"Makakaya niya yan. Tayo nga nakaya natin, siya pa kaya?" Ravi
Agad naman napaisip si Raver sa sagot ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Ravi. Malaki ang kaniyang tiwala na makakapasok ang kanilang bunsong kapatid ngunit walang kasiguraduhan kung hanggang saan ang kaya ni Lena.
Mas malapit siya sa kaniyang bunsong kapatid kumpara kay Ravi na may sariling mundo simula pa lang. Kilala niya si Lena. Kapag napagod ito, hindi na ito kikilos at maghihintay na lamang ng himala sa kung anong mangyayari sa kaniya. Kilala rin niya si Lena sa pagiging tamad na konektado sa pag-aaral. Bata pa lang si Lena, hindi na ito mahilig magbasa ng libro, tumatakas kapag oras ng ensayo, pasaway at laging nakikipaghabulan sa mga kasambahay kapag ito ay pinipilit na gawin ang bagay na hindi niya gusto.
"Wala ka bang tiwala sa kaniya?" Ravi
Hindi inaasahan ni Raver na magtatanong ang kaniyang kuya tungkol kay Lena. Kilala ito sa pagiging walang pakialam sa paligid.
"Mayroon naman ngunit hindi ka ba nagtataka? hindi man lang ito nag dalawang isip na sabihin ang tungkol sa pagpasok niya sa Academy. Alam naman natin na tamad yang mag-aral at walang ginawa kundi matulog." Raver
Hindi agad tumugon ang kaniyang kuya sa kaniyang katanungan. Nakapokus pa rin ito kay Lena na sinusubukang palabasin ang Light Binding.
" Darating ang araw na kakailangan niya aralin at husayin sa paggamit ng Aksha of Light. Kung mananatili lamang siya na walang ginagawa, siya lang rin ang mahihirapan." Ravi
"Pero kuya, paano kung makasagupa siya ng hindi ordinaryong kalaban o di kaya'y kalaban na galing sa kabilang kaharian?" Raver
Hindi pa rin ito lubos na makapag-isip ng mabuti dahil sa maaaring mangyari sa kaniyang kapatid.

BINABASA MO ANG
Adastrea: Journey to the Parallel Universe
FantasíaIn the world of Adastrea, every Magian has strange powers that they inherited from their ancestors or one of the lucky ones received Aksha from the ten goddesses who are currently outside the world of Adastrea which is otherwise called the Universe...