Hi I'm Jane. I just want to share my story. Awkward man pero yaan mo na.
May event sa school namin non and yes may Visual artist ang school namin so nagpeperform sila that time. There is one guy na umagaw ng attention ko he's not that ideal type of every girl but yes he just caught my attention so gumawa ako ng paraan para mapansin niya ako.
I am the president of our class so what I do is pinag wave ko sila ng kamay lahat dun sa part na siya yung kumakanta as in section lang namin yung nag wewave ng kamay that time at nakikisabay pa kami sa kanta.
Guess what. Napansin niya ko and after nung event habang inaayos ko na ang sarili ko nagpulbos muna ako bago umuwi para naman hindi halata na hagard ako biglang nagtilian mga classmate ko so naki ayiiee nalang din ako kasi yun lang naman role ko sa room namin pag may couple. Maya maya lumapit sa akin yung secretary namin sabi niya may naghahanap daw sa akin sa labas so sabi ko wait lang at nag-aayos pa ako.
Akala ko kasi yung bestfriend ko lang kasi siya lang naman yung always na naghahanap sa akin pag uwian. Nakalimutan kong absent nga pala siya so natigil ako sa paglalagay ng tint sa lips ko at sumilip sa bintana para tingnan kung sino ang naghahanap sa akin at yes nakita ko siya at nag smile siya sa akin habang itinataas ang kamay na parang nagpapahiwatig ng "HI".
I don't know what to act kaya tinagalan ko ang pagaayos sa sarili ko. Pero mali pala yung idea na naisip ko kasi akala ko nabagot siya kakahintay at umuwi nalang pero paglabas ko nakita ko siyang nakatayo sa may gate. "Ang tagal mong mag-ayos kaya pala ang ganda ganda mo" sabi niya habang papalapit sa akin.
Halos di ako makahakbang hiyang hiya talaga ako. Super duper awkward kasi kami nalang dalawa ang pauwi non. "Ang tagal niyong matapos mag date ah" sabi nung tindera sa labas ng school namin na nagliligpit ng paninda niya. Ngumiti lang siya.
"Thank you kanina" sabi niya. "Kanina? Ano ba ginawa ko kanina?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kalsadang nilalakaran ko, in short nakayuko lang ako. "Napansin ko yung effort mo and thank You". Hindi ko alam paano nya nalaman na ako yung may pakana non kaya hindi nalang ako sumagot. "Nagpasalamat ako kanina sa classmates mo tapos sabi nila nautusan lang daw sila". Hiyang hiya na talaga ako sa mga naririnig ko. BTW naglalakad lang pala kami pauwi since malapit lapit lang naman ang bahay ko sa school at pwede lang din naman lakarin ang bahay nya kasi hindi naman ito kalayuan. "Oh, sino naman daw nag-utos sa kanila?" Kunwari wala akong alam kung sino. "Ikaw" diretsahang sabi niya. "Pano ba yan dito na bahay namin, so babye na" sabay talikod at dire diretsong naglakad papasok ng gate.
Kinabukasan pag punta ko ng school super gaan ng feeling ko parang wala lang nangyari kahapon. Lumapit sa akin yung bestfriend ko at may iniabot siya
"ikaw ha nawala lang ako ng isang araw may nabingwit kana agad"
"Pinagsasabi mo diyan, tsaka ano yan?"
"Chocolate, may pa letter pa nga eh gusto mo ba basahin ko para sayo?"
"Akin na nga" sabay kuha ng chocolate at ipinasok sa bulsa ng palda ko.
"Bigyan mo ako niyan ha"
"Oo mamaya"
Kinikilig ako pero dapat kalma lang kasi maraming tao eh at may teacher pa sa harap namin. Naglilinis kami non sa field tapos bigla akong kinalabit ng isa kong kaklase sabay turo sa room ng SHS Building at sinundan ko naman ng tingin yung turo niya at nakita ko si Jake na nakatingin sa akin at nag smile siya so nag smile din ako.
YOU ARE READING
I am Once His Happiness
RandomHabang tumatagal hindi mo talaga namamalayan na may nagbabago na pala. Yung akala mong panghabang buhay panandalian lang pala. Natapos ng walang anumang klaro na rason. Hindi mo alam kung saan ka nagkulang o saan ka nagkamali. In this Story you'll l...