"Akin na nga 'yan!" Inis na sabi ko kay Dave.
"Hindi pwede, hanggat hindi mo sinasabi kung sino yung nag bigay nito." inilibas pa nito ang kanyang dila na animo'y nang aasar.
"Akin na sabi 'yan eh! Ba't ba ang kulit mo? Hindi ko kilala ang nag bigay n'yan. Nakita ko lang 'yan sa loob ng bag ko!" Mataas akong tumalon para maabot ko ang kamay n'yang may hawak ng sobre.
Nang makuha ko ito ay mabilis kong inilagay sa likod ko ang sobre at mahigpit na hinawakan ito.
"Ikaw ah! Isusumbong kita kay Tiya Emma at nag bo-boyfriend ka na!" tinarayan ko lang s'ya sabay upo sa aking upuan.
Hindi na bago sa akin ang mabigyan ng mga ganitong sulat. Kadalasan kasi ay kinukuha ito ni Dave at ipinapakita kay Mama para mapagalitan ako sa pag aakalang pag bo-boyfriend ang inaatupag ko sa eskwela.
Ni hindi pa nga ako nag kaka boyfriend! I am 18 years old na but still wala akong na tipuhan sa mga lalaking umaaligid sa akin. Hindi ko alam kung wala ba akong pakealam o sadyang maarte lang ako sa pagpili.
Nag umpisa na ang klase ng pumasok na si Sir Cubilla ang Philosophy teacher namin. Mabait s'ya may katabaan ang katawan at kayumangi ang balat balbas sarado rin at may pag kakahawig sa mga bumbay.
" Ok, class get one whole sheet of paper and let's have a quick quiz for this morning." Ayun lang ang ayaw ko sa kan'ya palagi n'ya kaming sinusurpresa sa mga pa quiz n'ya.
Napatingin ako sa aking likuran nang kalabitin ako ni Cheska.
"Pakopya ako" nag mamakaawa ang tinig n'ya na s'yang dahilan nang pag tawa ko.
"Oo na"
Pag tapos ng klase namin sa araw na iyon nakita kong nag aantay sa labas ng gate si Dave. Hindi ko alam kung anong trip n'ya pero kasi araw araw n'ya ito ginagawa minsan nga na we weirduhan na ako sa kan'ya kung hindi ko lang s'ya pinsan ay baka hindi ko na talaga s'ya pinansin.
"Fanity" mababang tugon n'ya.
"Fanity!"
Nilagpasan ko lang ito wala na sana akong balak pang lingunin s'ya ngunit hinablot n'ya ang aking balikat dahilan para pwersahan akong mapalingon sa kan'ya.
Hinampas ko ang kamay n'yang nakahawak sa akin.
"Ano bang problema mo, Dave?"
"Hmm... Gusto lang naman kitang sabayan umuwi" kinilabutan ako sa sinabi n'ya mag tatalong taon narin nung tumira ako sa puder ng aking ina at sa loob ng tatlong taon ganito palagi ang nararamdaman ko tuwing ginagawa n'ya ito.
Hindi ako manhid para hindi maramdaman na may gusto s'ya sa akin.
"May gagawin pa ako sa faculty inutusan ako ni Ma'am Fei mag ayos ng mga exam." Actually wala naman talagang inutos sa akin dinahilan ko lang yun kasi may mas mahalaga pa akong gagawin ngayong araw.
Tumalikod na ako rito at hindi na s'ya pinansin.
Pag punta ko ng kabilang building ay mabilis akong pumasok sa auditorium sinilip silip ko pa ang palagid para masiguradong walang tao at walang sino man ang makakarinig sa akin.
Nang mapanatag ako ay agaran kong kinuha ang lumang gitara sa likod ng drawer. Hindi ko alam kung kanino to ilang buwan ko na rin s'yang ginagamit.
Hinimas himas ko ito ng mapadako ang tingin ko sa nakalagay na initial sa gilid ng gitara.
Frederick D.

YOU ARE READING
Heartless Melody
Ficção AdolescenteFanity Jayce Rivera loves playing music simula pagkabata ay nakahiligan na n'ya ang pagtugtog ng kung ano anong instrumento. Natigil lamang ito nang mawala ang pinaka mamahal n'yang lola. Dahilan para kupkupin s'ya ng kan'yang ina na labis ang pag...