Chapter 20

1.4K 32 0
                                    

Chapter 20

I looked up at Keifer. Ngunit hindi ko mapigilan ang kaba ko dahil sa awrang pumapalibot ngayon kay Keifer.

Madilim ang mga mata nito at parang umiigting ang kanyang panga. He looked fuming mad but I don't give a fuck. Bakit ba siya nagagalit.

Dumagundong ang dibdib ko nang dinalawang hakbang niya lang ang kinalalagyan ko bago hinawakan ang aking palapulsuhan. I gasped at that. Nakahawak parin sa kabilang kamay ko si Joshua at hindi ko alam kung bakit hindi niya ako binibitawan. "What the hell is your problem?!" I fired.

"May trabaho ka pa."

"May 10 minutes pa bago ang trabaho ko, Sir. Huwag kang excited!" I madly shouted at his face.

"I have to talk to you." He said in his mad voice.

"Let's do it after 3 weeks, Sir. Nasa trabaho ako ngayon."

"You just fucking said you still have 10 minutes. So probably you're free. Let's go." Matigas niyang sabi bago ako hinila.

Pero hindi niya ako tuluyang nadala dahil nga sa hawak ako ni Joshua ngayon. Napaigik pa ako dahil sa paraan ng paghawak ni Keifer sa kamay ko. It was painful. He was gripping my wrist too much.

"Keifer bitawan mo nga ako!" Pumiglas ako sa pagkakahawak niya ngunit masyado siyang malakas.

"Pare, nasasaktan na siya. Ano bang ginagawa mo?"

Keifer's look darted to Joshua. Mas lalong sumama ang tingin niya at bakas sa mukha nito ang galit. "Huwag kang makikialam dito. Bitiwan mo siya kung ayaw mong ipakuha kita sa security dito." He said coldly.

"I won't let her go unless she tell me to..." Napapikit ako. Nararamdaman ko nang napapagitnaan na ako ng tensyon sa pagitan ng dalawa.

Nag-angat ako ng tingin kay Joshua and I gave him an apologetic smile, "I'll just sort things out..." Mahinang bulong ko sa kaniya.

I can see Ava and the other people's gaze on the scenery and I don't know why they're not reacting on it. Hinahayaan lang nila kami. Joshua heaved a deep sigh before letting go of my hand. Lumingon akong muli kay Keifer and my expression changed into mad again.

I want to punch him right now but I stopped myself.

Hindi niya na ako pinagsalita pa dahil hinila niya na ako kaagad papunta sa kung saan. But before I can ever go, I turned around to look at Joshua and winked at him and shouted, "6 PM!"

Ramdam ko ang mas lalong paghigpit ng pagkakawak ni Keifer sa aking palapulsuhan.

"Aray ko ano ba?! Nasasaktan na ako Kepweng!" Hindi ko mapigilang bulalas.

Nang makarating kami sa isang sulok ng garden, hindi kaagad ako nakapagsalita. I was so shocked when he pinned me on the wall and the next thing I knew is that, his lips are already attached to mine. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. It wasn't a soft kiss. It was harsh. May halong galit at pagkamuhi iyon. Mas lalong nanigas ang katawan ko nang nalasahan ko na ang dugo sa labi ko.

Doon ko na nilakasan ang loob ko at mabilis siyang itinulak.

"What is your fucking problem, Keifer?!" I madly asked.

"I hate you."

"I hate you too! Putangina bakit ka ba kasi biglang nagpakita roon at gumawa ng eksena? If you're telling me to get back to work, then fine! I'll go back... Pero hindi mo naman kasi kailangang maging ganoon sa kaibigan ko!" I shouted in disbelief.

"Kaibigan?" Pagak siyang napatawa, "You call that a friend, Shan? Seriously? He fucking touched you and also fucking did!"

Naguluhan ako sa sinabi niya, "What's wrong with doing that, huh? Ikaw? Bakit mo ako hinalikan? We're friends, Keifer! Mas malala iyong ginawa mo kesa sa ginawa ni Joshua'ng paghawak sa akin!" I said, "wala kang karapatang magalit, Keifer."

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now