Agad akong napatingin sa pinto nang operating room at lumabas doon si Ethos kaya napatayo ako at sinalubong ang malamig niyang mga titig. Kahit tumingin lang ako sa kanya ay lumalakas ang kabog ng dibdib ko.Hinarap niya ako at tinitigan, napalunok ako at bahagyang nag-iwas ng tingin ng hindi ko kinaya ang bigat ng titig niya, nakakapanghina.
He cleared his throat kaya bumalik ang tingin ko sa kanya."The operation went successful."walang emosyong aniya kaya para akong nabunutan ng tinik.
Masayang ngumiti ako."T..thank you po d---"
"Tsk. Follow me in my office, I have something to discuss about the medication of your brother."malamig na putol niya sa sasabihin ko bago ako nilagpasan at nauna ng maglakad.
Huminga ako nang malalim at kabadong sinundan siya. Malungkot akong napatitig sa kanyang likod, kung noon mayayakap ko ito kahit anong oras pero ngayon hindi na kasi hindi na siya akin.
Napatigil ako nang may magandang doctor ang bumati kay Ethos at sobrang nadurog ang puso ko kung pano siya ngitian pabalik ni Ethos. Nanubig ang mata ko kung pano niya kausapin ang babae at tignan ito, napatingin si Ethos sa gawi ko kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.
Girlfriend niya ba 'yun? May iba na ba?
I bite my lower lip nang tumulo ang isang butil ng luha ko. Shit, ba't ang sakit? Eh, ako lang naman ang tinitignan at kinakusap niya sa ganyang paraan pero ngayon hindi na, iba na.
Pinunasan ko ang luha ko at huminga muna nang malalim bago tumingin sa harapan pero nagulat ako nang wala ng tao doon. Shit, nasan na sila?
Nanghihinang naglakad ako at hinanap siya, Hindi ko pa naman alam ang opisina niya ang laki pa naman nitong hospital. Shit, maliligaw pa yata ako!
Palinga linga ako, may mga doctor akong nasasalubong pero nahihiya naman akong magtanong kasi mukhang nagmamadali sila. Malakas akong bumuntong hininga pero napatingin ako sa harapan ko ng may kumulbit sa'kin.
Bumungad sa'kin ang isang gwapong at matangkad na doctor, he's American base sa itsura niya.
He smiled."Are you looking for something or someone?"tanong niya.
Alangan akong ngumiti at tumango."Ahm, y..yes. I'm looking for Doc. Greek Ethos Smith's office."magalang na sagot ko.
He nodded."I know where it is. Would you mind if I lead you the way?"
Ngumiti ako at umiling."No, I wouldn't mind."I answered made him smiled.
Nagsimula na kaming maglakad.
"I'm Thomas by the way."pakilala niya.
Tinignan ko siya at ngumiti."Syria."pakilala ko rin habang naglalakad pa rin.
"Nice name."he commented made me blushed a little.
"Thank yo---"
"Syria."natigil kami pareho sa paglalakad nang may malamig na boses ang sumalubong sa'min.
Napatingin ako sa harapan at nakita ko ang matalim na tingin ni Ethos sa katabi ko bago sa'kin. Bigla akong napalunok sa kaba.
"Hey, doc. This beautiful woman we're look---"
"Shut the fuck up."mariing putol niya sa sa sasabihin ni Thomas bago inisang hakbang ang pagitan namin at mariin akong hinawakan sa braso at kinaladkad paalis.
Shit, Hindi man lang ako nakapagpasalamat kay Thomas. Gago kasi 'tong isang 'to, Basta basta na lang sumusulpot at nanghihila.
Pumasok kami sa isang kwarto, opisina niya yata. Binitiwan na niya ang braso ko kaya hinaplos ko ito dahil sumakit dahil sa higpit ng hawak niya.

YOU ARE READING
The Greek has Fallen(Greek Series #1)
RomanceGreek Series #1 Greek Ethos Smith from VSU. The troublemaker guy. He always go to school with a lot of bruise on his face. But despite of that, lots of women and even gay's still admired him. Not only, because of his power, money and connection, but...