CHAPTER 16

123 1 1
                                    

CHAPTER 16

Tuesday

Maaga pa lang umalis na ako ng bahay, mga 7:15 ng umaga, 8am kasi ang exact time ng pasok namin, pero sinadya kong agahan dahil baka maghintay nanaman si Fhane sa akin, kaylangan ko kasing iwas iwasan sya kahit pakunti kunti, ibinilin ko na lang kay papa na pag may naghanap sa akin, sabihin nya na nakaalis na ako

Dahil maaga akong nakarating sa school, kakaunti pa lang ang estudyante at wala pa yung profesor, sa computer laboratory pa rin ang room namin at tanging mga ka-kurso ko lang ulit ang mga kaklase ko ngayon

Nadatnan ko yung apat na lalaking classmate ko, remember yung pinag-isipan ni Jazer na mga buraot daw na napatunayan nga sa paghingi ng papel sa mga kaklase namin, sila yung nandito na nadatnan ko sa room

Hindi ko alam kung bakit sila maaga ngayon pero puro sila daldalan sa loob, nakapatay ang mga pc, pero pinaglalaruan nila ang mga mouse at keyboard

"pre wala bang hotkey dito," sabi ng isa na pindot ng pindot sa keyboard

"wala pre, download ka dali, create na ako local area network, pasok nalang kayo" sabi naman ng isa na kunwari eh nagcocomputer

"larong laro na ah, mamaya dota pag-uwi," sabi ng isa na nanunuod sa kanilang dalawa

Naglolokohan lang pala sila dito, isipin bang computer shop ang computer lab, (o___O )by the way, apat silang magkakatabi sa isang helera, yung isa sa kanila yung medyo tahimik, at sure ako na sya yung isa naming kagrupo kahapon

Dun ako naupo sa tabi nya, sya kasi yung nasa bungad, at isa pa may binabalak ako, diba kulang yung pamasahe ko para bukas, kaya ito gagawa ako ng paraan pero hindi ako mangungutang ah

Pinaghandaan ko na ito, kaya lalakasan ko na ang loob ko, kinuha ko yung isang deck ng baraha sa bulsa ko, tapos palingon lingon ako sa paligid, baka kasi may makahuli, sa tingin ko kasi bawal yung gagawin ko

Kinalabit ko yung tinabihan ko at pinakita ko yung baraha

"pre meron akong alam na tricks, gusto mong makita," sabi ko

"magic ba yan," sabi nya

"Oo parang ganun, pero pustahan ito," haha, rektang sabi ko, pasensya nangangaylangan na talaga ako

"Aw pre, di ako mahilig sa pustahan, itong mga kasama ko na lang," sabi nya at tinuro nya yung mga katabi nya

Napatingin sa akin yung mga kasama nya pagkasabing pagkasabi nya

"baket ano yun Rex?" sabi ng isa nyang kasama

"pusta daw pre, magmamagic ata," sabi ng katabi ko na Rex daw ang pangalan

"Oh geh tabi dyan," sabi nya at tinulak ang upuan ni Rex

Medyo may pagkaangas ang dating nito, sya yung nagtatapik tapik ng keyboard dito kanina

"ako nga pala si Dark, isipin mo magician ako," sabi ko

"ako naman si Bart, isipin mo komedyante ako, haha," sabi nya "APIR" pahabol nya at nakipag-apir sya sa kasama nyang si Rex

Para silang may mga saltik sa utak, pero popular na sila sa buong klase sa pagiging makulit nila, first time kong nakihalubilo sa kanila at mukhang maayos naman ang pakikitungo nila sakin, kaharap ko ang nagngangalang Bart, habang pinapanuod kami ng mga kasama nya

"meron akong isang deck dito, ang gagawin mo lang ay pumili ng isang baraha, wag mong ipapakita sa akin kasi huhulaan ko kung anong baraha ang mabubunot mo," paliwanag ko, well alam nyo naman na nakakabasa ako ng isip diba kaya hindi talaga ako manghuhula ^__^

"ganun lang, di ko na ibabalik sa deck pag nakabunot na ako," sabi nya

"Oo ganun lang,"

"Magkano pusta?"

"May 40pesos budget ako, kayong bahala basta dodoblehin ko yung taya nyo pag nagkamali ako ng hula," sagot ko at pagkatapos ay dumukot sya ng pera sa wallet nya

"Game bente pesos muna," sabi nya at nilapag ang benteng buo sa mesa

Tsinek muna nya ang deck na dala ko at sya na mismo nagbalasa bago binalik sa akin, pagkatapos ay bumunot na sya ng isang baraha saka pinakita dun sa dalawa nyang kasama sa likod

"Oy pre, nine of diamonds" sabi ng kasama nya sa likod na tila binubuko sya

"Haha," natawa naman ung isa pa

"Huy ba't mo sinabi tae, wala na akong panlaro mamaya," sabi ng bumunot ng baraha na si Bart pero halata sa isip nya na panglilito lang ang nangyayari

( haha, seven of spades ang hawak kong baraha, magkamali ka sana )

Haha, dali ang bente mo sa akin pre, malinaw sa isip nya kung anong baraha ang binunot nya

"ang napili mong baraha ay seven of spades, tama ba?" sabi ko

Hindi agad sya nakareact pero pinakita nya ang baraha at seven of spades nga ang baraha na yun, pinagtawanan sya ng dalawa nyang kasama sa likod, pagkatapos ay pinaalis sya sa upuan nya at yung isa namang nasa likod nya ang naupo sa harap ko

"okey ka pre ah, sa akin mo subukan ang galing mo sa pagmamagic," sabi nya, sya yung nagsabi ng nine of diamonds kanina

"ayan si Omar, mahilig talaga sa pustahan yan," sabi nung talunang si Bart at mukhang itong kaharap ko ang tinutukoy nya

So si Omar naman itong magbubuwis ng pera, okey mukhang kikita ako sa kanya ng malaki

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon