( Noelle )
"Alam mo ba kung anong sinakripisyo ang ginawa ko para sa'yo? Wala kang alam kaya sa ayaw at sa gusto mo susundin mo ang gusto ko."
"Please po nanay Beth, huwag niyo naman pong gawin sa'kin 'to. Kahit ano gagawin ko, huwag lang po ito. Ayoko pong pumunta doon." lumuluhang pakiusap ko kay nanay Beth.
"Wala ka talagang utang na loob ano. Ipapahiya mo talaga ako?"
Hiyaw nito at gigil na hinawakan ang braso niya at kinaladkad siya papasok sa kwarto niya. Napa-igik siya sa sakit.
"Kung hindi dahil sa'kin baka wala ka na ngayon. Sisihin mo ang mga magulang mong basta ka na lang iniwan sa labas ng bahay ko. Mabuti nga't pinalaki, pinakain at pinag-aral pa kita kahit hindi kita kaanu-ano. Magpasalamat ka na lang kaysa magreklamo." asik nito at pagalit na isinalya siya sa papag.
Ibinato nito sa mukha niya ang hawak nitong tela. Humahagulhol na tiningnan niya iyon at kinilabutan sa nakita. Halos wala ng itago sa kasuotan na iyon. Para na lang itong bra at panty.
"Isusuot mo yan mamaya kapag kasama mo na si Mr. Chen, maliwanag!" bulyaw nito.
"Kakayanin ko pong magtrabaho araw at gabi, ibibigay ko po lahat ng sasahurin ko sa inyo basta huwag lang po ito. Please po nanay Beth, nakikiusap po ako." nakaluhod na pakikiusap ni Noelle sa ina inahan habang pinagkikiskis ang dalawang palad sa tapat ng kanyang mukha.
"Isa pang pagtutol mo, kakaladkarin kita palabas ngayon din. Umayos ka Noelle, habang mahinahon pa ako. Huwag kang umarte d'yan, huwag mo akong ipahiya sa kliyente ko." anito at malakas na ibinagsak pasara ang pinto ng kwarto niya.
Sinubukan kong tawagan si Cherry ngunit hindi ito sumasagot. Siguro'y abala pa ito sa trabaho at may mga kausap rin na kliyente. Gusto kong humingi ng tulong sa kaibigan para kumbinsihin si nanay Beth na huwag na lang akong pilitin na magtrabaho sa club ngunit hindi nga ito sumasagot sa tawag.
Binitawan ko ang cellphone sa papag sandali at dali daling pumunta sa pinto. Naalarma ako ng malapan na naka-lock ito. Sumalakay ang kaba sa aking dibdib. Ano ang binabalak ni nanay Beth?
"Nanay Beth! Palabasin niyo po ako. Buksan niyo po ang pinto!" sigaw ko at kinalampag ang pinto.
"Tumahimik ka d'yan. Nakakahiya ka, sumisigaw ka pa d'yan. Isipin pa ng mga kapit bahay natin kung anong ginagawa ko sa'yo." galit na sigaw nito mula sa labas ng pinto ko.
Hindi ko mapigilan na umiyak. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilin ang panginginig niyon. Umikot ako patalikod sa nakasarang pinto, sumandal ako roon at umupo sa sahig.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tiningnan ko ang oras sa aking relo na nasa aking braso. Alas kwatro na, may tatlong oras na lang ako upang makapag-isip ng dapat kong gawin. 7 ng gabi ang pasok ni nanay Beth sa club at panigurado kahit ayaw ko hahatakin niya ako papunta roon at isasama niya ako. Panigurado binayaran ito kaya pinipilit ako nitong makipagkita sa sinasabi nitong kliyente na si Mr. Chen.
Ayokong pumunta sa club, ayokong magtrabaho roon. Kahit mahirap lang ako hinding hindi ako papasok sa ganoong trabaho. Hindi ko kaya, hindi kaya ng kalooban ko.
Paano na? Napatingin ako sa bintana ko. Nagkaroon ako ng lakas ng loob at pagasa. Tatakas ako sa kahit na anong paraan. Ayokong ibigay ang puri ko para lang sa pera. Mas okay ng mamatay ako sa gutom kaysa naman lapastanganin ng kung sinong lalake ang katawan ko. Kinilabutan ako sa naiisip na may humahawak ng katawan ko.
Mabilis akong tumayo. Sumampa ako sa papag ko at lumapit sa bintana. Hinawakan ko ang nakaharang doon at pinilit na alisin. Pinagpapawisan na ako ng malagkit dahil na rin sa pinaghalo halong dahilan una mainit roon, pangalawa dahil sa tensiyon, at sa kaba ko. Maliit lang iyon at hindi ko alam kung kasya ba ako roon. Isa lang itong maliit na square. Makailang subok na matanggal ang takip noon ay matagumpay ko naman iyong natanggal. Natatanaw ko na ang labas mas naging buo ang loob kong makalabas roon.
Ang problema ko na lang ay kung paano pagkakasyahin ang katawan ko roon.
Nakapameywang na tinitigan ko iyon. Maliit lang ang katawan ko pero mas maliit ang bintana ko.
Sinubukan ko munang unahin ilabas ang ulo ko. Marahan na unti unti kong isinusunod ay ang dalawa kong braso ngunit hindi nagkasya pagdating sa balikat ko. Ipinasok ko ulit at sinubukan na ulo at isang braso muna. Nagkakaroon na ako ng pagasa dahil unti unti na akong nakakalabas ngunit narinig ko ang sigaw ni nanay Beth. Dali-dali akong muli na pumasok at inilagay ang takip ng bintana ko.
"Noelle, mag-umpisa ka ng maglinis. Mag-a-alas singko na, aayusan pa kita ng buhok at me-make-apan." sigaw nito sa labas ng pinto ko.
Dali-dali akong nagpunas ng pawis ko saka bumaba sa papag at umupo.
Saktong bumukas ang pinto at makikita ang pagtataka sa mukha ni nanay Beth. Kinakabahan ako ng titigan niya ako na para bang inuuri ako. Pinilit kong pakalmahin ang katawan ko. Ang hininga koy nilimitan ko lamang dahil baka mahalatang hinihingal ako.
Nakahinga lamang ako ng mas maayos ng inalis na nito ang tingin sa'kin. Ngunit iyon na naman ang kaba ng ilibot naman nito ang paningin sa loob ng kwarto ko.
"Bakit ang tahimik mo yata? Anong ginagawa mo?" tanong nito habang pinanlalakihan ako ng mga mata.
"W-wala po nanay Beth." mahina kong sagot sa kanya.
"Siguraduhin mo lang na wala kang ginagawang katarantaduhan babae ka dahil sisiguraduhin ko sayong makakatikim ka sa'kin."
"Opo." nakayukong turan ko.
"Maligo ka na at aayusan pa kita. Bilisan mo. Ayokong mahuli sa usapan kay Mr. Chen. Istrikto pa naman ang intsik na iyon."
Tumango lamang ako sa ina inahan. Matapos niyong ay lumabas na rin ito at narinig kong ini-lock muli ang pinto ng kwarto ko.
Nang masiguro na hindi na muli itong papasok sumampa akong muli sa papag at marahan na tinanggal ang takip ng bintana ko. Inulit kong muli ang huli kong ginawa kanina. Inuna ang ulo at isang braso. Huminga ako ng malalim upang mas mapaliit ang katawan. Pinigilan ko rin huminga panandalian. Napaigik ako ng magkaroon ng mga sugat sa braso, at sa bandang tagiliran dahil sa pilit na pinagkakasya ang sarili sa maliit na bintana.
Halis maiyak na ako sa mga natatamong pasa at sugat. Ngunit mas gugustuhin ko pang magkaroon ng mga sugat at pasa kaysa naman mapasakamay ako ng mga halang ang haluluwa at puro init ng katawan lang ang habol sa aming mga babae.
Konte na lang at makakalabas na ako. Ang kaba sa aking dibdin ay dumodoble dahil baka nga bigla na lang pumasok muli ang ina inahan ng hindi pa ako lubos na nakakalabas dito sa bintana.
Nakailang dasal ako na sana makalabas ako ng mapayapa. Malapit na akong tuluyang makalabas ng biglang bumukas ang pinto.
"Noelleee!!!" matinis na sigaw ni nanay Beth.
Sumalakay ang kaba sa aking dibdib. Nagmadali akong makalabas. Binti na lang ang nasa loob ng kwarto ko kaya mabilis naman akong nakalabas, sakto naman at nakalabas ako roon bago pa niya ako mahawakan. Isang braso nito ang nakalabas buti hindi nito ako nahawakan.
Sigaw ito ng sigaw. "Walang hiya kang babae ka! Bumalik ka rito!" tili nito. "Hindi ka makakatakas!" sigaw muli nito ng ako'y medyo nakakalayo na roon.
Mabuti at walang ibang tao sa likod ng bahay namin. Nakatakbo ako roon ng matiwasay.
Walang kahit na anong dalang gamit, nakapaa pa ako. Pero hindi ko iyon inalintana at patuloy lamang ako sa pagtakbo. Gusto ko lamang makalayo roon. Makalayo sa maaaring masamang mangyare sa'kin.
BINABASA MO ANG
(SPG) Daver Mclarenz (Billionaire Series #1)
RomanceNoelle Santarin, isang mahirap at hindi nakatapos sa pag-aaral. Kinupkop siya ni Beth Santarin, hindi niya tunay na magulang. Nagtatrabaho siya sa mga part time jobs na nakikita niya para kahit papaano makabawi rito sa pagpapalaki sa kanya. Gusto ri...