Chapter 33: Twins

260 8 1
                                    

Joe's POV

Nandito kami ngayon sa bahay ng parents namin, ako, si Adam, AJ, Death, Maddison at Jennica. Kaharap namin ang parents namin together with Maddison's and Jenny's parents.

"So, you're saying that AJ's father is actually Joseph and not Adam?" ulit ni Papa sa pinaliwanag ko kanina.

"Yes Pa" nakangiting sagot ko.

Ngumiti si Papa, isang napakasayang ngiti.

"Alright then, ikaw ang dapat na magpakasal kay Miss Maddison, Joe" kalmadong sabi ni Papa sakin.

"At ikaw naman Adam, kayo na ulit ni Jennica ang ieengage" nakangiting sabi ni Tito Christian.

Napangisi si Adam. "No" ikinabigla namin ang sinabi niya.

"Anong ibig mong—"

"Hindi na ako papayag na maengage sa anak niyo tito, I'm sorry" sabi niya bago tumayo.

Halatang nagulat lahat sa sinabi niya, lalong lalo na si Jenny.

"Tol ano ba tong trip mo?!" hinawakan ko siya sa braso kaya natigilan siya sa paglakad.

"Napilitan lang naman daw siya dati eh, wag niyo na siyang pilitin ulit" kalmadong sabi niya pero may hint of bitterness sa tono.

"Adam—" sisigaw sana si Papa pero Adam cut him off.

"Isa pa Pa, isang rule ng mga kagaya kong playboy: Never date a girl twice" sabi ni Adam tapos tumingin kay Jenny at nagsmirk. "Lalo na yung babaeng minahal mo na at ipinaglaban pero iniwan ka lang" mariing sabi niya habang kay Jenny lang nakatingin. Napayuko nalang si Jenny dun.

Tinabig ni Adam ang kamay kong nakahawak sa kanya at naglakad na ulit, akala ko didiretcho na siyang lumabas pero huminto siya halfway at muling lumingon samin.

"And by the way Pa, pasensiya na kung yung nag-iisang bagay na inaakala niyo ni Mama na nagawa ko na ikinasaya niyo, hindi pala ako yung gumawa, yung perfect son niyo pa rin pala yung may gawa nun. Sorry po" sabi ni Adam habang nakangiti pero ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya.

He's in great pain because of me.

"Excuse me po, may lakad pa kasi ako" paalam niya sa lahat. Tapos tumingin siya sakin na para bang wala siyang sakit na nararamdaman sa dibdib. "Joseph, sasama ka ba? Buong angels ang pinapatawag ng mga Villanueva huh? Celebration daw kasi nga tatay ka na!! Tsaka kasi namiss ka ng buong gang! Di ka pwedeng mawala dun! Pati nga mga dragons pupunta eh" he's trying so hard not to let anyone see his pain. Pero kakambal niya ako kaya hinding hindi niya maitatago sakin yun.

"Pano si Death?" biglang tanong ko. Natigilan siya, as if what I said had another meaning. Well, actually, it has. Pano si Death kung parehas kaming pupunta sa bar, tiyak gagabihin kami. At paano si Death kung hindi na niya tatanggapin ang engagement nila ni Jenny?

Sandali siyang nag-isip. "Ah! Ihatid nalang muna natin kila Kai-kai! Mahilig si Death sa Mickey mouse diba? Matutuwa yan sa kwarto ni Kaira" nakangiting suggestion niya.

"Tapos kukunin mo siya mamayang madaling araw? Ikaw ang susundo sa bahay ng mga Cuties huh" sabi ko, trying to remind him that Kaira lives with Jennica.

"Ano ka ba? Kila Viel natutulog si Kaira ngayon. Saviel hates drama so much na ayaw niyang mainvolve pati si Kaira sa drama ng mga Cuties" natatawang pagtatama niya.

"Joe? Ano? Ako na ang maghahatid kay Death, ikaw na sa mag-ina mo" sabi niya nang bumalik siya sa harapan ko. Napatigil kasi ako nun, he's really avoiding Jenny.

"Pano si Jenny?" biglang tanong ko.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ako nakikipagkaibigan sa mga naging babae ko Joe. Alam mo yan, kaya wala akong balak na ihatid siya sa kanila noh" ikinabigla nila Papa ang sinagot ni Adam. He's doing it again, trying to hide the pain by being cold. Ni hindi siya nagdalawang isip na sabihin ang mga yun sa harap ni Jenny.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon