HTMABH (One-Shot)

43 1 0
                                    

Konti nalang, Serianne.. Konting konti nalang..

Huminga ako muli nang malalim at tsaka tiningnan ang pigura ko sa salamin.

Isang kulay porselanang babae na naka maternity dress at may siyam na buwang laki nang tiyan na nagdadala ng kambal.

"Okay lang yan, Serianne.. Makakalimutan mo rin siya.." isang singhot pa at tumulo na ang luha ko.

Sa buong isang taon, hindi man lang niya kami hinanap.

Hindi man lang niya inabala na alamin kung nagkaroon ba siya ng anak o ano.

Kinuha ko ang maleta ko at dumeretso sa Mini Cooper kong sasakyan..

"Kaya mo yan Serianne."

Nag maneho ako papuntang isang ospital na pagmamayari ng kapatid ko, si Sarrow.

"Good day ma'am Serianne." Nakangiti siya ng mawala ito ng nadako ang tingin niya sa tyan ko.

"Na-nandyan b-ba si K-kuya?" Nauutal kong tanong sakaniya habang hawak ang tyan ko at tumango tango na lamang siya.

Walang nakakaalam na buntis ako sa pamilya namin. Ang pamilyang Genoru-Wocylon.

Fck that bastard talaga. Ugh.

"Teka lang po ma'am. Tatawagin ko lang po si Dr. Wocylon." Tumango ako sakaniya atsaka umupo.

Ilang minuto pa at dumating na si kuya atsaka napahinto.

"Serianne?" Nakatingin ito sa tyan ko at hindi sa mukha ko.

"Kuya.." tumayo ako at yumuko..

Isa akong kahihiyan sa pamilya namin..

"Halika sa clinic ko.." kinuha ko ang maleta atsaka sumunod sakaniya..

---

"Bakit hindi mo sinabi Serianne? Matatanggap naman nami--" pinutol ko ang sasabihin niya..

"Isa akong kahihiyan sa pamilya.." napa-facepalm nalang si kuya.

"Hindi, Serianne. Kahit ako, sa katalinuhan mo, sa lahat ng nagawa mo, hinding hindi ka ikakahiya ng pamilya natin.. Tanga ka lang talaga sa pagibi--"

"Putcha! Serianne! Manganganak ka na!!" Sigaw ni kuya at saka nag dagsa ang mga nurse sa room..

----------

"Mommy! Mommy!" Tawag sakin ni Elfeim at ni Eriana.

"Yes babies?" Mahigit apat na taon na simula noong iniwan niya kami.. At masaya naman kaming tatlo..

"Lez eyt na fo" hila sakin ni Elfeim na bulol pa magsalita kahit na three years old na.

"Eww Elfeim, you're jejemon." Nagulat naman ako sa inasta ng kakambal niya. Ate niya ito ng 10 minutes kaya't magkasunod sila ng araw ng birthday. Nahirapan akong manganak kay Elfeim sa kadahilanang mas malaki siya kay Eriana.

"Indii fo kayuuuh" saka ko lang napagtanto, oo nga, parang jejemon ang anak ko, kaya natawa nalang ako sakanila.

"Oh tara na, let's eat na babies." Sabay na kapit ko sa kamay nila.

Nagkukulitan kami sa may buffet at nagthothrow ng food sa isa't isa ng may tumawag sa pangalan ko.

"Ms. Xierah Serianne Genoru-Wocylon, heiress of Gencylon House Enterprise." Sabay sabay na nagpalakpakan ang mga tao at may mga napatigil ng tumapat samin ng mga anak ko ang spotlight.

I have my long red backless gown with chocolate and mallows all over it BY my twins na humahagikgik pa sa naging reaksyon ng nanay nila.

Ngumiti nalang ako sa audience then stood up proudly with my dirty kids in my hand.

I smiled then I bowed to them, the same goes with my kids.

I guess it's the key for mending a broken heart and a ripped off vagina.

Be happy.

How To Mend A Broken Heart (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon